*Zhayne POV*
Ilang beses akong humikab habang naglalakad sa hallway ng school nakakapagtaka lang at nagkakagulo ang mga tao na para bang excited sila sa kung ano
"Bro!" Sigaw nung dalawang ungas na nagngangalang Liroy at Tyrone tinaas lang ni Yohan ang kamay nya na tinanguan ko lang
"Halatang puyat ah nanuod ka ba ng wrestling sa kama?" Humahagalpak na tanong ni Liroy na agad kong binatukan
"G@go! Itulad mo ko sayo" inis na sabi ko dito
"Woy di ako nanunuod non mangilabot ka!" Pagtatanggol nito sa sarili
Nagpipigil lang ng tawa si Tyrone dahil sa sinabi ng hangal nyang kaibigan
-_____-
Hays mga wala talagang kwenta
"Anong meron?" Mukhang na pansin ni Tyrone ang nagkakagulong mga estudyate kaya napapakunot noo nya itong tanong samin
Tinignan ko lang ito ng Tingin-mo-alam-ko look
Habang si Liroy naman ay nagtaas ng dalawang kamay na parang sinasabing wala kong kinalaman dyan
"Event" walang ganang sagot ni Yohan ng tignan namin sya
Busy parin sya sa pagbabasa ng hawak nyang libro
Hays kita mo nga naman ano bang hindi alam ng nerd na to
Nag nod nalang kami dahil mapapanisan lang kami ng laway pag inantay pa namin syang magsalita uli
Deretsyo lang kaming naglakad papunta sa classroom namin ng makasalubong namin yung baliw na vice president ng school
Tulad ng dati suot suot nya parin ang nakakatakot este abot langit nyang ngiti
Agad kong iniharang ang kanan kong kamay ng magkatapat na kami kaya agad syang napahinto
"Yes?" Masayang tanong nito tyaka lumingon sakin
How creepy -___-
"Ganap dito?" Walang gana kong tanong
Gusto ko lang talaga malaman ang nangyayari para hindi kami magmukhang mangmang
"Magkakaroon ng festival at kailangan ng malupit lupit at maangas angas na paghahanda dahil may bibisita na maimpluwensya" pumapalakpak pa sya habang sinasabi iyon
Nahampas ko nalang sa noo ko ang kanang kamay na pinangharang ko sa dadaanan nya
Bakit ba isang siraulo ang napagtanungan ko
Oo nga pala walang matino dito maliban samin ni Yohan na once in the blue moon lang magsalita
"Bakit may langaw ba?" Nakasimangot na tanong nito na ang tinutukoy ay ang paghampas ko sa noo ko
Narinig ko ang mahinang bungisngis ng tatlo sa likod ko kaya napapailing nalang ako
Hays siraulo nga naman
BINABASA MO ANG
the Gangster Queen
Teen FictionThe queen of the underground is here dont let yourself fall inlove on her