*Sky POV*
"ISA NANAMANG LABAN ANG MASASAKSIHAN NATIN SA PAGITAN NG MORTE---" naudlot ang sasabihin ng racketeer ng bigla ko itong kwelyuhan
Puta!
Ang dami nyang satsat.
"Umpisahan mo nalang." Walang emosyong sabi ko bago sya pabalang nabitawan
Napapailing nalang nitong pinaputok ang baril nya na hudyat na umpisa na ang laban
Kaya agad na kong tumalon pababa sa stage
"Knight ilan sayo?" Rinig kong tanong ni Rook(Carl) sa babaeng may hawak na latigo at hinahampas ng malakas sa sahig na gumagawa ng ingay sa stage na tinutungtungan namin ngayon
"15?" Patanong na sagot nya tyaka tumawa ng malakas "Kailangan bang hindi sila patayin?" Tanong nito sa lalaking kwinelyuhan ko kanina ng nakasimangot
Parepareho kaming apat na nakasuot ngayon ng maskarang itim simbulo ng black chess piece ang Mortem habang napapalibutan kami ng limang gang na nagsama sama
Marami sila
Pero hindi importante ang bilang sa ngayon
Pagdudusahan nila ang kawalangyaan nila kay Eah
Nanggulo sila
Papatayin ko sila!
"Rules are rules" sagot nito naikinangisi ko
"Rules are meant to be broken" natatawang sabi naming apat
"Tsk tsk tsk sa susunod kasi kilalanin nyo yung pinabangga nyo" napapailing sabi ni bishop(liam) sa mga kaharap namin ngayon habang nililinis yung dagger nya
Magiging lesyon ito para sa lahat ng makakasaksi sa laban ngayon
Bigla nalang winasiwas ni knight(Tamara) ang latigo nya sa ere
Ito na ang senyales na dadanak ang kanilang dugo at hindi na sisikatan ng araw mamaya
Mabilis na ipinaikot ito ni knight ng sabay sabay kaming tatlo nila rook at bishop na tumalon
"10 down" napapailing na sigaw nito bago tumakbo papunta sa tabi ni bishop at muling iwasiwas ang latigo papunta sa pinakamalapit na kalaban
"Masyado ka naman knight hindi pa nga pumapalag eh" sita ni rook sa kanya bago pumitik at isang black out ang nangyari
Sobrang dilim pero hindi dahilan yon para matakot mas lalo pa nga akong natuwa
Hindi namin pinili ang itim na chess para sa tinatawag na "mema-sabi lang"
"Ahhh" rinig kong daing ng mga kalaban namin
Ramdam ko ang pagkilos nila Rook at Bishop na halatang hindi masabayan ng mga tinatarget nila
Hays ang boring pag ganito
Parang pumapatay ka lang ng langgam dahil kinagat ka ng mga ito
Muli kong narinig ang pagpitik ni Rook at nagkaroon muli ng ilaw
Bumungad samin ang duguang mga kinalaban nila at naghihingalong humihingi ng tulong sa iba
"Your turn King" nakangisi nilang sabi bago ihagis sakin ni Bishop ang katana ko
Dahan dahan akong lumapit sa 15 pang mga lalaki na sya namang umaatras palayo sa akin
Malakas akong humalakhak habang tinitignan ang takot nilang mga mata
Ramdam ko ang pangingilabot ng lahat
Sige lang
Matakot kayo
Pagdudusahan nyo ang ginawa nyo sa lugar na iyon at sa nangyari sa kanya
Mabilis akong tumakbo at halatang hindi nila ako nasundan dahil palingalinga pa sila habang nasa likod na nila ako
Agad ko iyong ginamit para patumbahin silang lahat at itira ang mastermind ng pang gugulo sa lugar na iyon
"S-sorry... pa-patawarin n-nyo n-a a-ako" mautal utal na sabi nito habang umaatras na hindi alintanang papunta sya sa dereksyon ng mga kasamahan ko
"Is that a joke? Ha ha ha" walang ganang sabi knight tyaka sinipa ito sa mukha at itulak papunta kay rook
"M-maawa k-ayo" nanginginig na sabi nito habang umiiyak
Tsk awa eh yung babae bang naagrabyado nila kinaawaan nila?!
"Sorry pero di uso samin yon" nakangising sabi nito bago itusok sa kanang binti nya yung dagger na ginawa din ni bishop sa kaliwang binti nya
His hopeless
Ganito ang mangyayari sa mga paglalapastangan nyo sa isa mang myembro ng mortem
Hindi kami pumapayag na masaktan ang isa
Lalong lalo na sya dahil kahit malakas sya hindi talaga sya lumalaban
Napaluhod nalang sya at handa na sanang ituhog sa walang kwenta nyang utak ang katana ko ng biglang lumipad ito sa ere
"Acting like a merciless demon don't suit to the four of you" malamig nyang sabi habang tinitignan ang lalaking nakatingin din sa kanya
"Q-queen" nanginginig na tawag sa kanya ng lalaki na pi-nat nya ang ulo
"The battle is over gamitin mo sanang leksyon ito" nakangiti nyang sabi bago senyasan ang medical team na agad rin namang kumilos
"NASISIRAAN KANA BA?!" galit na sigaw ko dito pero nakatingin lang sya sakin at unti unting sumilay ang ngiti nya habang palapit sa amin
"30 minutes late" halos manlaki ang mata naming apat ng bigla nyang ilabas ang relo nya sa bulsa
Shit!
"31" nakangising sabi muli nito bago naglakad pa alis sa kinalalagyan namin
"We're dead" sabay sabay naming sabi bago mabilis nagtakbuhan paalis sa lugar na iyon
...
"47" rinig naming bilang nito habang iniikot ang swivel chair nyaNakita kong halos mahimatay na ang iba pang member ng student council habang pinagmamasdan ang babaeng nilalaro ang kutsilyo sa kamay, sila din ang mga pawn ng mortem o ang tinatawag na underlings ng iba tsk tsk tsk kawawa talaga sila sa babaeng ito
Gangster ang karamihan na nasa school na pinapasukan namin ngayon at alam kong sanay na silang makakita ng ganitong eksena pero hindi mo talaga papangarapin na sya ang gumagawa
"47 minutes! 2 weeks running at the whole corridor... isama na ang field!" Seryosong sabi nya bago kami hagisan ng kutsilyo na agad naman naming naiwasan
"Grabe syaaa!" Pagmamaktol ni Carl na ikinailing lang nito
"4 days nalang ako sa lugar na to at alam kong may binabalak si Tandang Chandwell... All of you protect each other! THAT'S AN ORDER FROM YOUR QUEEN"
Halos mayukom ko ang kamao ko dahil sa narinig ko sa kanya
Aalis na nga sya pero kami parin ang inaalala nya
Aalis na nga sya pero pinoprotektahan nya parin kami
"You'll stay here walang aalis" madiin kong sabi pero mapakla lang itong ngumiti sa akin
"Hindi ko magagawa ang pinaguutos mong yan" sambit nito narinig ko nalang na humagulgol si Tamara
"Ihhh! Madaya ka!" Napapapadyak na sigaw nya habang pilit pinatutuyo ang mukha
"Kaya magingat kayo... Puntirya nya ang lahat walang ligtas sa ngayon"
Oo puntirya nya nga ang lahat
Kaya inuuna ka na nya ngayon dahil sa lahat ng tao dito ikaw ang may kakayanang pabagsakin sya
BINABASA MO ANG
the Gangster Queen
Teen FictionThe queen of the underground is here dont let yourself fall inlove on her