Transferee
*Liroy POV*Late na late na kami para sa first class namin pero hindi parin namin nahahanap ang classroom namin
"Aishhh bat ba ang laki ng hinayupak na school na toh?!" Inis na sabi ko habang nililibot ang tingin nagbabaka sakaling isa rito ang room namin
*boogsh*
Nagulat nalang ako dahil sa may taong tumatakbo na nakabangga ko
Pareho kaming napa atras dahil sa lakas ng impact namin
Woah
Buti nalang hindi sya napaupo o kung ano man
"S-orr---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng marealize kong yung Vice President pala ng school na toh ang nakabangga ko
Tsk
Sya nanaman?!
Oh asan na yung hangal na president na laging epal?!
"Huh? Bat nandito kayo? Nasa room nyo na dapat kayo ah?" Takang tanong nito habang nagkakamot ng ulo
Yuck!
May kuto ba toh?!
"Hindi kasi namin makita yung room namin" sagot ni Tyrone napalingon naman ako sa kanya at nakita yung hart shape na nagliliparan sa paligid nya
Jowk lang!
Pero parang may kakaiba talaga sa tingin ni Tyrone
Ano toh may crush yung kaibigan ko sa babaeng toh?!
"Teka lang ah" sabi ni Rivas habang may sinisilip sa folder nya "kaklase ko pala kayo... doon yung classroom natin sa pinaka dulo ng floor na toh" tinuro nya lang yung malayo layo pang room samin bago muling umalis
"May klase ah san ka pupunta?" Takang tanong ko dito
Sino ba namang hindi mag tataka kung habang nag kaklase may nag gagala sa hallway ng school at isama mo pang vice president sya
"May nagreport kasing may kaguluhan daw sa field kaya pupuntahan ko" sabi nito at nag simula nanamang mag lakad
"Bakit hindi yung magaling nyong president" kunot noong tanong ni Zhayne ng magkatapat sila
"Idadaan nya lang sa init ng ulo ang lahat pag nag kataon... sige na lumakad na kayo at kanina pa kayo inaantay ng homeroom teacher natin" paliwanag nito tyaka tuluyan ng umalis
"Narinig nyo guys! May nag aantay satin kaya tara na!" Sigaw ni Tyrone tyaka patalon talong pumunta sa tinuro ni Rivas
"Isip bata" sabay sabay naming tatlong sabi nila Yohan habang napapailing
*knock knock*
Katok ni Yohan sa pinto sya lang naman masipag dito pag pag-aaral ang usapan
Pero pag sa ibang bagay
Nakoooooo
Mamamatay yang may panis na laway
"Nandito na rin kayo sa wakas" sabi ng homeroom teacher ata namin
"Halata naman diba" rinig kong bulong ni Zhayne kaya agad ko syang siniko nabinawian naman nya ng masamang tingin
"Sorry we're late" sabi ni Yohan tyaka marahang nag bow sa teacher
Tignan nyo!
Yan ang bookworm namin aktibo sa school
"Sige pumasok na kayo" sabi nito na agad naman naming sinunod
Bumungad samin ang hiyawan ng mga babae at sipulan ng mga lalaki
Hayss ang ingay!
"Silence class" kinalampag na ng teacher namin ang lahat lahat pero wala parin tila talaga sila nakawala sa koral puta ah!
"KAILANGAN MAGSIGAWAN?! MAY ARTISTA BA?! MAY GWAPO BA?! MAY SUNOG BA?! TANG*NA NYO MAGHUNOS DILI KAYO! NGAYON LANG BA KAYO NAKAKITA NG SHOKOY HUH?!" Sigaw nung nasa likod na lalaki
Sino pa
Edi yung magaling
Walang katumbas
Napaka angas
Pinaglihi sa hangin
Na kamalasmalasang nakilala namin
Ang nagiisa
At
Walang katumbas
Na
Sky!
Langit!
O
Pinagsakluban ng langit
O
Di kaya naman
Hinulog ng langit
Nanahimik ang lahat dahil sa kanya agad kaming napalingon ng biglang magsalita si Zhayne
"Zhayne Freniere, 18"
"Yow Im the one and only Tyrone Montefalco, 1 year old ehem I mean 18 years old"
"Im Liroy Hernandez, 18"
"Yohan St. Delavega"
Sabay sabay kaming nag bow at sa pagyuko naming yon
Ramdam ko na ang sasalubong sa aming panganib
BINABASA MO ANG
the Gangster Queen
Genç KurguThe queen of the underground is here dont let yourself fall inlove on her