*Liroy POV*
"Nauubusan na tayo ng oras" walang gana kong sabi sa kanila bago sumalampak sa damuhan
Ilang oras na kaming naghahanap ng pwedeng kumumpleto sa amin pero iisa lang ang sinasagot nila
"M-may dalawa pa naman tayong oras" kagat labing sabi ni Tyrone na halatang balisa na habang lumilingon lingon sa paligid
Kung hindi kami makakahanap ng pang anim na myembro sigurado akong itatapon nalang nila kung saan ang walang buhay naming katawan
Hinde pwede! Ang gwapo ko para don tsk
"Halos lahat kumpleto na at wala ng estudyante ang pwede" napapailing na sabi ko sa kanila
"Pauso naman kasi si Chandwell" Inis na sabi ni Zhayne na nakaupo sa makapal na sanga ng puno
Kahit naman ako naiinis sa ginagawa namin
Nagdadagdag lang naman kami ng myembro dahil sa lintik na survival class na yon!Apat lang ang member ng Phoenix!
A P A T
Pupugutan talaga kita ng ulo Mr. Chandwell
Sinisira mo ang pangalan namin
"Here she is" biglang sabi ni Yohan kaya napatingin kaming tatlo sa tinitignan nya
Si Kae na suot suot nanaman ang pangmalakasang outfit nya
Hindi ba sya naiinitan sa ganyan
Manang na manang ang datingan ah!
Sunod kong tinignan ang nakasunod sa kanyang lalaki
WHAT THE HECK!
Pano napunta dito yan!
Isa rin ba sya sa estudyante ng school na ito?!
"Nathan" tawag sa kanya ni Zhayne kaya napatingin sya dito
"Yow bro! Hindi ko akalaing dito tayo uli magkikita kita" Masayang sabi nito ng makalapit samin
"Dito ka pala nagaaral?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya
"Oo tol" sagot nito tyaka nag pogi sign
Huh? Panong hindi ko sya nakikita?
Sabagay napaka laki ng school na ito kung tutuosin
Pero anong connect ng pag po-pogi sign nya
Hindi bagay pwe!
"May gang ka na ba?" Biglang singit ni Tyrone na ikinatawa nya lang bago marahang umiling
"Pwede bang sumali mga bro?" Kamot ulong sabi nito habang salitang tumingin samin
Nakita ko ang pagirap ni Kae sa kanya bago nag martya paalis ng hindi nagsasalita
Oo nga pala magkaaway yung dalawang ito, pano ba yan aasahan ko ng magkakagulo.
Pero salamat na rin sa kanya at nakumpleto ang grupo ng hindi basta basta dumampot ng ibang tao
"Oo naman" sagot sa kanya ni Zhayne habang nakatingin sa pinuntahan ni Kae
...
"Ahmm" napalingon ako kay Tyrone ng maramdaman kong may gusto syang sabihin pero hindi nya masimulan
Kasalukuyan kaming nasa kwarto namin dahil pinagpapahinga na kami ng maaga
BUKAS NA DAW KASI UUMPISAHAN ANG SURVIVAL CLASS!
AT BUKAS NA RIN NAMIN IPAGLALABAN ANG LINTIK NA SALITANG "BUHAY"
"Oh?" Takang tanong ko dito pero bigla syang namula at tumakbo sa cr
ABA! GAGO YUN AH!
Takbuhan daw ba ka gwapuhan ko?!
"Ang awkward talaga puta" ngayon naman si Zhayne ang nilingon ko na sya namang lumabas ng kwarto
Ako lang ba ang hindi nakakagets?!
Ano bang problema?
May nangyayari bang hindi ko alam?
"Sa ngayon Kae hindi ka pwedeng mag maikling damit o ano man" rinig kong pangaral ni Yohan kay Kae na parang tutang pinagsasabihan ng amo
"Di naman ako naggaganon!" Nakasimangot na sabi nito habang tawa lang ng tawa si Nathan
"Hindi naman sa pinagbabawalan kita na umakto bilang babae pero sa sitwasyon ngayon mas mabuti ng sigurado baka may mangyaring milagro" napahinto naman ako sa paglalaro sa cp ko ng marinig ko iyon, maging si Nathan natahimik bigla
Eto ba yung minamaktol ng dalawa?!
Oo eto nga!
Sigurado ako!
Pucha nararamdaman ko na yung awkward na sinasabi ni Zhayne
Lima kaming lalaki dito at iisa lang syang babae
Baka may milagro ngang maganap!
Hindi! HINDEEEEEEEEE
ANG GREEN MO MAGISIP LIROY!
Pero....
Pano nga pag may nangyaring ganon!
[Kaberdehan ni Liroy]
"Kae... gusto kita" bulong nito sa dalaga ng silang dalawa nalang ang maiwan sa malamig at madilim na kwarto"Gusto din kita"pag amin ng dalaga sa binata na mas lalo pang lumapit sa kanya habang matamis na nakangiti
"Ipaparamdam ko sayo ang pagmamahal ko" sambit nito bago hawiin ang buhok na nakatakip sa mukha ng binibini at ilapat ang kanyang labi sa noo nito
"Gusto ko yan" mahinhing tawa ng dalaga tyaka hinalikan ang binata sa labi na agad din namang tumugon
At doon na nagsimula ang Spg
[Sa literal na mundo]
P-pucha!
"May sakin ka ba Liroy?" Tanong sa akin ni Kae na mukhang nag aalala hahawakan nya sana ang noo ko pero bigla ko itong hinawi tyaka humiga at nagtalukbong
Damn it! Bakit ba ang init ng mukha ko! Anong problema ko?!
"Matutulog na ko!" Sigaw ko sa kanila pero sa totoo lang hindi naman talaga ako inaantok
Bakit ko ba to nararamdaman?
"Ahh... goodnight" bakas sa boses nya ang pagtataka pero hindi nya na ko inabala
Ilang minuto ang lumipas at tumahimik na ang paligid
Nagpahinga na rin siguro sila
Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
Bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko?
NO!
Kinabahan lang ako
Oo tama!
Hindi to pagibig
![](https://img.wattpad.com/cover/148108089-288-k238219.jpg)
BINABASA MO ANG
the Gangster Queen
Novela JuvenilThe queen of the underground is here dont let yourself fall inlove on her