•Blood Fifteen•

85 3 0
                                    

*Zhayne POV*

Nung marinig namin yung sinabi ni Tiara na una na kaming pumunta papunta sa Gym tila kasi may nagpatigil kay hangin

"Sana naman walang nasira doon" rinig kong sabi ni Tyrone habang patuloy parin kami sa pagtakbo

"Ano namang meron sa Gym?" Takang tanong ko pero nung nag sink in sakin kung anong sinasabi nya napamura nalang ako ng mahina

•flashback•

"Bumaba kana dyan Eah!" Sigaw ni hangin habang nakatingala at kitang kita ang pag-aalala sa babaeng naglalagay ng dekorasyon sa kisame "Ako nalang gagawa nyan!" Muling sigaw nito na matindi parin ang kapit sa ninungtungan nitong hagdanan

"Gusto kong maging maganda ang closing ng event! Dito pupunta ang mga nakatataas na bisita kaya kailangan kong gawin to! Tyaka di ka nga marunong magdecorate ih" Sigaw nya habang patuloy parin sa pagdidikit sa kisame

Halata ang pamumutla nya sa mga oras na iyon pero wala kaming narinig na reklamo galing sa kanya

Tinapos nya iyon ng sya lang dahil ayaw nyang maabala ang iba pang estudyante may iba pa daw kasi ang mga itong inaalala bukod sa gagawing performance

•End of flashback•

Apat na araw syang hindi natulog para mapaganda't mapaayos yung lugar na yon hindi pwedeng masira lang sya dahil sa mga lintik na outsider na yun

Pagkarating namin naabutan namin sila Liam at Carl na pinipigilan yung mga lalaki

Sa tingin ko mga 20+ ang kinakalaban nila may iba ng natumba pero marami parin talaga

Napatingin ako sa buong paligid at halos magdilim ang paningin ko ng makita na sira na ang buong paligid

Nakatumba na ang ibang upuan
Nakataob ang lamesa
Basag na ang mga pinggan at ibang kubyertos
At nakakalat ang mga dekorasyon

Naging mabait sya samin all this time kaya hindi ko mapigilang hindi mayamot

Sinugod ko yung pinaka malapit sakin at mabilis itong sinuntok

nakita kong nakikipaglaban narin yung mga kasama ko

Masyado silang gahaman sa paghihiganti para gawin ito

Alam kong natalo na namin sila pero bakit kailangan dito pa sila manggulo

Sa lugar pa kung saan nagpakahirap yung isang tao para saan! Para sa wala?!

Hahampasin sana ako ng katana nung isa pero mabilis akong nakaiwas at pinangsangga yung kasamahan nya

"Ahhhhh" malakas na daing nito nung mapansin kong napatingin sya sa kasama nya agad kong ginamit ang pagkakataon para sipain sya sa mukha

Badtrip!

Nagulat naman ako nung may biglang humila sakin pagilid

Isang napakalakas na hampas ng bakal ang sumira sa lamesa na katapat lang ng kinatatayuan ko kanina

"Tanga" napapailing na sabi ni Hangin tyaka tumakbo para sugurin yung lalaki kanina

the Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon