*Zhayne POV*
Nandito kami sa backstage kasama na namin yung dalawa dahil hinila ni Tyrone papunta samin si Aza pagkatapos na pagkatapos ng performance habang si Nathan naman nagkusang lumapit
"Kailan ka pa bumalik?" Pambabasag ko sa katahimikan na namuo
Ang awkward kasi ng pakiramdam nung nagkasama sama na kami
Parang may hindi tama
"Kagabi lang tol" sagot nito pero hindi sya sakin nakatingin kundi sa babaeng nasa gilid namin na nakasandal sa pader
"Magkakilala ba kayo ni Azaleah?" Mukhang nakahalata narin si Tyrone kaya tinanong nya iyon
Isa pa tong si Tyrone mukhang tuluyan na ngang nahulog sa babaeng to
"Yeah" sabay na sagot ng dalawa pero halata sa boses ni Aza na para bang pinagsisisihan nyang magkakilala sila
Lumapit si Nathan sa kanya pero agad syang sinipa sa paa nito dahilan para mapaluhod ang mokong
"Not that close" walang ganang sabi ni Aza habang nakatingin sa nakaluhod na lalaking nasa harapan nya
"Hey hey easy lang" pag gitna ni Tyrone sa dalawa
Nararamdaman ko na ang tensyon sa kanila
Ibang iba sila ngayon
Pareho silang masayahin pero parang ibang tao ang kaharap namin ngayon
"Ganyan na ba ang pagbati sa kaibigan, Par?" Nakangising tanong ni Nathan pero tinignan lang sya nito na parang hindi makapaniwala "kailan ko kaya uli makikita yung ngiti mo? Yung totoo"
"Teka magkaibigan kayo?!" Naki sabat narin si Liroy habang salitan tinignan yung dalawa
"Misunderstanding?" Nakahawak sa babang tanong ni Yohan
Mukhang pati sila gustong malaman kung bakit ganyan sila umasta sa isat isa
Bwiset
Ano bang nangyayari
"Wala kong kaibigan na traydor" bawat salitang binitiwan ni Aza ay para bang sapul na sapul kay Nathan dahil bigla itong napayuko at napalitan ng seryosong mukha ang kaninang nakangisi "you did a great job sana ganyan din ang ipakita nyo sa event" sabi nito bago kami iwan
Gusto kong magsalita pero parang umurong ang dila ko
"Par" rinig kong sabi ni Nathan alam kong narinig din yon ni Aza pero nagpatuloy lang ito sa paglalakad
Nagbingi bingihan sya
Ilang minuto na ang lumipas simula ng iwan nya kami dito pero hindi parin kami gumagalaw sa mga pwesto namin
"Kailan pa kayo magkakilala?" Sa wakas ay nagawa ko din umimik
Nakakainis naman kasi!
"Pagkatapos kong lumipat sya yung unang unang nakilala ko doon" malungkot na sabi nito
Alam kong may nangyaring hindi maganda sa kanila kaya ganun nalang umakto si Aza
Sya rin kaya yung dahilan kung bakit peke lagi yung ngiting nakikita namin
"Tara na sorry kanina ah" pilit itong ngumiti habang tumatayo tyaka nag umpisa ng maglakad samin
"Traitor" rinig kong bulong ni Yohan na pinagmamasdan lang si Nathan
'Wala kong kaibigan na traydor'
Naalala ko nanaman yung sinabi nya para bang iniwan sya sa ere ni Nathan nung sobrang kinakailangan sya nito
Walang emosyon yung mata nya pero alam kong nakakaramdam sya ng sakit
Hindi naman sya magmumukhang apektado kung wala syang nararamdaman diba?
Sinundan lang namin sya sa paglalakad hanggang sa makarating kaming parking lot
Walang umiimik samin ng bigla kaming nakarinig ng ingay
"Miss sumama ka na kasi samin" sabi ng isang lalaki
Apat sila at pinapalibutan nila yung babae pero hindi ko makita ang mukha nito dahil kung tutuusin sobrang laki ng mga nakapalibot sa kanya
"*yawn* gustong gusto kong nakikipaglaro pero hindi sa mga baboy na katulad nyo" bored na sabi nito
Bigla nalang kami napahinto dahil sa narinig naming boses
Teka akala ko ba umalis na to
"Si Azaleah" lalapit sana si Tyrone pero biglang tumilapon yung isang lalaki papunta sa dereksyon namin kaya parepareho kaming napa atras
"Abat!" Sigaw ng kasamahan nito at inambahan ng sundok pero agad itong sumampa sa braso ng kasamahan ng lalaki at sinipa sa mukha yung dapat manununtok sa kanya
T@ngna!
Namamalik mata ba ko?!
Napatingin sya sa deresyon namin at doon ko muling nakita yung ngiti nya
"Nandito na pala yung mga inaantay ko" masayang sabi nito lilingon pa sana samin yung dalawa pang natitira pero agad syang bumwelo dahilan para sumabit sa sapatos nya yung ulo ng isang lalaki at malakas na iuntog ito sa kasama nya
Woah!
"T-teka anong nangyari?" Hindi rin makapaniwala si Tyrone sa nakita nya
Agad lumapit samin si Aza na may ngiti sa labi
"May kaklase pa tayong nakita yung performance nyo kanina, kaya ayon nalang daw yung gagawin nila. Kaya Sucker for pain nalang inyo hays, ano ayos ba?" nakasimangot na sabi nito habang napapakamot sa ulo nya
"P-pero pano mo ginawa yon Azaleah gangster ka rin ba?" Ngayon si Liroy naman ang nakapagsalita
"Itanong nyo don" nginuso nya lang si Nathan bago kumaway samin habang umaalis
Pare pareho kaming tumingin sa kanya na ikinabuntong hininga nya
"Alam nyo naman ang rules ng underground bawal sabihin ang info ng co-gangsters nila" kagat labing sabi nito
Kung ganun gangster nga sya pero anong gang
Imposibleng pipitchugin yung kinabibilangan nya dahil sobrang bilis nyang kumilos at ang lakas nya
Ibig sabihin maaari ding niloko nya kami nung sinabi nyang doon sya nakatira sa maliit na barong barong na iyon
Sino ka ba talaga Azaleah Rivas?!
BINABASA MO ANG
the Gangster Queen
Novela JuvenilThe queen of the underground is here dont let yourself fall inlove on her