•Chapter 23•

71 3 0
                                    

*Zhayne POV*

"I SURRENDER~~" pakantang sabi ni Nathan ng pahuli sya ni Aza sa kalagitnaan ng training namin

"Learn to move fast!" Inis na sabi nya dito bago barilin ng paint ball

Oo! Paint ball ang gamit namin kesa totoong baril meron din ditong ibat ibang uri ng weapon pero peke lang kahit ganon asahan mo ng masasaktan ka dahil pag natamaan ka non makukuryente ka

Gusto kasi kaming turuan ni Aza ng pag gamit ng mga ito dahil nalaman nyang may pinaplano nanamang kababalaghan si Chandwell

Ang goal namin ngayon ay kung pano makasurvive sa mga delikadong weapons

Gangsters kami pero madalang kaming gumamit ng ganito dahil unang una rule na bawal pumatay ng co-gangsters ewan ko nalang sa mortem at muntikan nilang basagin yung rule na iyon

"Shoulders!" Sigaw naman nito kay Liroy na sumablay yung arrow na imbis na sya ang matamaan ay ang mano mano nyang kalaban na si Tyrone

"PRE! BALAK MO BA KONG PATAYIN?!" Hinaing nya habang patuloy parin sa pag suntok kay Kae

"Focus" rinig kong sabi nito kay Tyrone bago nya ito suntukin sa mukha at sipain sa sikmura

Napabuntong hininga nalang ako ng kaming tatlo nalang ang kaharap nya

Lima kami at isa lang sya pero mukhang kami pa ang dehado

Nakita kong tumalon si Yohan sa sanga ng isang puno at mabilis na pinagbabato si Kae ng mga dagger

"Killing behind" nakangiti nyang sabi bago nag bend kaya sa kaharap nyang si Liroy tumama ang mga dager

"Ughhhhh" ungol nito habang pilit inaalis ang mga dagger na dumikit sa kanya

"Use your sensory" napapailing na sabi nya bago mabilis na umikot kasabay ng pagpapaputok nya ng paint ball

Sinasabi nya ang mga mali namin kaya naman nalalaman namin kung saan kami nagkulang kaya kami bumabagsak

Tumakbo naman si Yohan patalon sa isa pang sanga para maiwasan ang mga tinitira ni Kae

"Timing!" Sigaw nya kasabay ng pagbagsak ni Yohan at pagdaing dahil sa pagkahulog at kuryenteng nararamdaman

Mabilis akong yumuko ng subukang sipain ni Aza ang ulo ko

Shit!

Muntikan na yon

"Reflexes" Nakangiti nyang sabi tyaka hinugot ang isa pang paint gun na nakaipit sa hita tyaka at pinagbabaril ako

Naubusan na kasi ng laman yung gamit nya kanina

Mabilis kong naiwasan ang lahat pero hindi ko inaasahan ang mabilis nyang sipa sa tuhod ko dahilan para ma out of balance ako't mahila ko sya para mapasama sa pagbagsak

Pagkalapat na pagkalapat ng likod ko sa damuhan at agad nya kong sinubukang sapakin pero nasalo ko ang kamao nya at binaliktad ang posisyon

Mula sa sya ang nakapatong sakin

Ako naman ang nakaibabaw ngayon sa kanya habang hawak ko ang dalawa nyang kamay na pwinesto ko sa ulunan nya

"Well kung nasa cliche love story tayo siguro kikiligin na ko" natatawa nyang sabi sakin at doon ko lang din narealize ang pwesto namin kaya tatayo na sana ako ng bigla nyang hilahin ang necktie ko palapit sa kanya "Don't fear your enemy, fear your heart" bulong nya sakin bago tuhurin ang sikmura ko

"F|ck" daing ko tatayo na din dapat sya ng hilahin ko yung wrist nya

Hindi ako papayag na matapos lang ang training na ito na kami lang ang nasaktan

Dahil hindi nya inaasahan iyon na out of balance sya at bumagsak sa pwesto ko

Para bang nagslow motion ang lahat habang bumabagsak sya sakin

Nakita kong napapikit sya ng mata

Hindi rin kasi sya makagalaw ng maayos dahil hawak ko parin ang wrist nya ng mahigpit at kahit gusto ko ng bitawan iyon ay para bang may sariling isip ang katawan ko at hindi ito gumagalaw ayon sa gusto ko

Dahil sa pagbagsak nya sa pwesto ko ay napahiga uli kami at naramdaman ko nalang ang paglapat ng labi nya sa labi ko

O___O

Shit!

Dug dug dug dug

Anong nangyayari sa puso ko bat ang bilis ng tibok

"Yung first kiss ko"

*Nathan POV*

Nandito na kami ngayon sa canteen at katatapos lang ng training namin nagwawala na din kasi yung sikmura ko

"Sinong nanalo?" Pambabasag ni Liroy ng katahimikan dahil wala ni isang kumikibo samin

Napatingin ako kay Kae na tahimik lang na kumakain at kay Zhayne na di mapakali sa kinauupuan

Pftt

Akala ba nila walang nakakita sa nangyaring iyon

"Napanuod nyo ba yung kissing scene ng twilight" pigil tawang sabi ko na nakaagaw ng atensyon sa dalawa na nanlalaki ang mata

Hays kung dala ko lang talaga yung cellphone ko pi-picturan ko to AHAHAHAGA

"Ang sweet nga nila eh" kumento naman ni Liroy kaya napangisi ako ng palihim

"Kanina kase may nakita akong ganon, ang sweet nga tol" natatawang sabi ko habang nakatingin sa dalawa na hindi na maipinta ang mukha

"Huh? Sin--" hindi na naituloy ni Liroy ang sasabihin ng biglang hampasin ni Tyrone ang lamesa kaya napalingon kami sa kanya

"Nawalan na ako ng gana" sabi nito sa amin bago umalis

"Susundan ko lang sya" prisinta ni Kae pero agad syang hinawakan sa braso ni Yohan at umiling

"Hayaan muna natin sya"

Napalingon nalang ako sa dinaanan ni Tyrone at nagbuntong hininga

Malaking problema pag hindi nasulusyonan ito

the Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon