•Blood 21•

71 3 0
                                    

*Tyrone POV*

"Ang aga naman nilang mambulabog" Inis na bulong ni Liroy habang nagkukusot pa ng mata

Kasalukuyan kaming nasa field at inaantay ang announcement kuno daw ni Mr. Chandwell

Wala pang araw at sobrang dilim ng paligid sa katunayan alas tres palang ng umaga at lahat kami nakapantulog pa pero hindi parin nakaligtas sa chismis ang babaeng tulog na tulog na nakasandal sa balikat ko

Naghihilik pa nga ata sya eh -__-#

Sa nakalap kong impormasyon ay sya ang nangunguna sa ranking sa lahat ng estudyante ng 4th year at sya rin ang dating president kaso binitawan nya yon na pinalitan naman ni Sky mahangin dahil sa pagkamatay ng nanay nya kaya gulat na gulat sila ng makita syang nagbalik

"Tapos na ba nila akong pagusapan?" Mahinang tanong nito bago minulat ang isang mata

"H-huh.... ahh ehh h-hindi pa" halos murahin ko ang sarili ko sa loob loob dahil sa pagkakautal utal

Simpleng tanong tyrone!

Umayos ka nga!

"Umayos na kayo" biglang singit ni Zhayne sa gitna namin bago mahinang itulak si Kae gamit ang isang daliri

"Rude" nakasimangot na sabi nito bago inayos ang pagkakatayo nya at itakip sa ulo ang hood ng jacket nya

"Bubulong pa eh!" Iritang sabi uli ni Zhayne bago sumandal sa puno at ipinikit ang mata

Naninibago ako sa inaakto ni Boss para syang ibang tao

"Asan na ba si Mr. Chandwell? pa importante ang putek" kahit si Nathan ay hindi narin naiwasang mabanas

Sirain daw ba ang tulog namin gamit ang sobrang lakas na speaker na nagmukhang sirang plaka dahil paulit ulit na sinabing 'To the field now'

Akala ko talaga mabibingi ako sa isang iyon hays!

"Still sleepy, I see" napalingon kaming lahat sa malaking screen kung saan makikita ang nakangising si Mr. Chandwell "Maguupisa na ang Survival class sa mga oras na ito na magtatapos sa paglubog ng araw, Ang gagawin nyo lang ngayon ay maghahanap ng weapon para isalba ang inyong sarili laban sa----" biglang naputol ang sasabihin nya ng sumabog ang pinagsasaksakan ng white screen at mga speaker

Kita mula dito ang palaso na nasusunog dahil sa pagsabog

"Bakit mo ginawa yon?" Gulat na sigaw ni Liroy kaya sa napalingon kami sa kanila at halos manlaki ang mata ko ng makitang may hawak na bow si Kae

"Ahhh para pala pumatay ang gamit nito" nakakalokong tanong ni Kae na para bang kausap si Mr. Chandwell habang iwinawagayway ang hawak nya "Pano ba yan nasa akin na ang advantage dahil halos lahat nakuha ko na."

"That's Kae" proud na sabi ni Nathan na inirapan lang nito bago umalis ng field

Kinakalaban ba nya si Mr. Chandwell?

*Someone POV*

Patago nalang akong tumawa habang pinapanuod sa monitor ang ginawa ng isang binibini habang halos wasakin na ni Chandwell yung cellphone na hawak hawak nya

"Hindi ko akalaing hindi lang pala si Ms. Rivas ang kakalabanin mo" humahangang sabi ko sa kanya na mas lalong ikinakunot ng ulo nito

"Kill her!" Inis na utos nito sakin pero iling lang ang sinagot ko sa kanya

Bakit ko naman papatayin ang babaeng magiging dahilan para  maging kaaliw aliw ang lahat ng larong ipapagawa nya sa lahat ng estudyante dito

"Hindi mo ba muna sya kikilalanin bago ka mag hinaing dyan?" Nakangisi kong tanong sa kanya dahilan para pabalang nyang hawakan ang kwelyo ko at itayo mula sa pagkakaupo

"Masyado ka atang natutuwang paglaruan ako" Inis na sabi nya sakin habang tinitignan ako ng masama

"Nagsasabi lang" natatawa kong sabi sa kanya tyaka itinaas ang dalawang kamay na para bang sumusuko

Kahit kailan ang pagiging padalos dalos mo ang magpapabagsak sayo

Pabalang nya nalang akong binitawan pero ni hindi ako natinag sa kinatatayuan ko isa pa ang prinsesa lang naman ang may kakayahang magpagalaw sakin tsk

"Dad" napalingon kaming dalawa ng makita ang paparating na si Sky na gulat na nakatingin sakin

Nandito na pala ang masunuring anak,
Ang paborito ni Chandwell.

Asan na ba yung suwail?
Ang kakalabanin nila.

*Liroy POV*

Nasa kwarto na kami ngayon at halos mabuga ko yung iniinom kong kape ng makita ang nakalatag sa mga kama namin

"Nahanap mo ng magisa yan?" Gulat na tanong si Tyrone habang tinitignan yung isang dagger

"Magingat ka dyan" babala ni Kae sa kanya ng hawakan nito ang talim ng dagger "Tinulungan ako ni Yohan at Nathan" pagsagot nito sa tanong

Ngayon masasabi ko ng hindi sya basta bastang babae

Tulad kanina napakabilis nyang pinana yung pinagsasaksakan ng white screen at speaker

Pagkataas na pagkataas nya ng ng bow ay agad nyang pinakawalan ang palaso na walang bakas ng pag aalinlanagn at nakakagulat isipin na sumakto nga

Long range weapon, ang pinaka kumplikado para sa akin pero sya na babae! Ibang klase!

"Kaya ba inaantok ka kanina?" Tanong ko kay Kae na alanganing tumawa habang tumatango

Dahil sa dami nito marahil anong oras na rin sila natapos

Napalingon ako kay Boss na pinaglalaruan sa daliri nya yung baril habang nakaupo sa sofa

Halata sa mukha nya ang sobrang pagod, ilang beses na rin syang napapapikit pero nilalabanan nya yung antok

(Ako) ?___? ---------> x___x (boss)

Halatang may ginawa din sya kagabi

Lumabas din kaya sya?

the Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon