•Blood One•

281 6 0
                                    

DEFEATED

*Zhayne POV*

"Isa nanamang laban ang ating masasaksihan!" Pagbungad ng racketeer na dahilan para magsigawan ang kapwa naming gangsters

Nasa tagong arena kami ngayon at kakaonti lang ang may alam nito

Pag sinabi kong konti
Konti talaga

Mainit ang mata ng gobyerno sa tulad namin kaya palihim naming ginagawa ang bagay na ito

Sino ba namang siraulo ang gu-gustuhing makulong sa isang masikip at walang buhay na lugar

"Laban sa pagitang ng Phoenix at Mo----" napatingin ako rito ng bigla syang huminto sa pagsasalita nakita ko ang isa sa mga myembro ng Mortem na kausap sya

Mukhang may pagbabago

"Ano naman kayang pinaguusapan nila?" Mukhang kahit ang ka-gang kong si Red ay kating kati na makipaglaban ngayon

"LABAN NAAAA!" Sigaw naman ni Gray habang tumatalon at sumusuntok pa sa hangin

Hays dinaig pa nila ang babae napalingon ako kay White na nakaupo lang sa sulok at parang walang gana

Ano pa bang aasahan mo sa isang toh -___-

Sa mundong ito ang code name namin ang itatawag sayo para narin sa siguradong kaligtasan ng bawat isa

"Ok so ayun... Magkakaroon ng isang napakainteresadong laban mula sa Phoenix at sa Reyna ng Underground!" Muling sabi nito napakunot naman ang noo ko sa sinabi nito

Isang babaeng naka pulang cloak ang lumapag galing sa itaas

Ramdam ko ang kakaibang aurang bumabalot dito

Iwinaksi ko nalang iyon at tinignan sya ng matalim

"Gusto kong makalaban ang buong grupo nyo queen" walang emosyon kong sabi dito

Nag-angat sya ng ulo kaya naman nakita ko ang mukha nitong nakasuot ng mask na tanging noo hanggang mata lang ang makikita mo

Nagtitigan lang kami pero agad akong napaiwas ng tingin ng marinig ko ang tawa nya

"Ako lang sapat na Black" masayang sabi nito

"Ipapaalala ko lang ang rule natin bawal patayin ang kalaban! Ngayon mga kaibigan masasaksihan natin ang paglalaban para sa iniingatang pangalan" muling sigaw ng Racketeer isang alingawngaw ng baril ang naging hudyat para maghanda kami

"Naduwag na ba ang leader nyo kaya hindi sya lumalapag dito?" Nakangisi kong tanong sa kanya agad nya namang itinuro ang isang parte ng arena kung saan makikita mong nagwawala ang leader nila at halatang hindi natutuwa sa paglapag nya ng nagiisa

"Sapat na bang sagot iyon?" Walang gana nitong sagot

"Isa ka talagang sakit sa ulo" napapailing na sabi ko muli nanaman syang tumawa at namalayan ko nalang na katabi ko sya

"Mas natutuwa akong nakikipaglaro kesa nakikinig sa utos" bulong nya tyaka mabilis na sinipa ang sikmura ko

Dahil sa bilis nito kumilos hindi ko naiwasan ang binigay nyang atake

F|ck ang sakit

Napahawak nalang ako sa parteng tinamaan nya

Sobrang lakas nya para pabagsakin ako ng ganito lang

Bwiset!

Pinilit kong ilingon ang ulo ko at halos manlaki ang mata ko ng makitang tumba na sila Gray at Red tanging si White nalang ang natitirang nakatayo at kita mong malapit na rin syang bumigay

Sobrang bilis ng pagkilos nya at hindi mo mababakas sa mukha nya ang pagod kahit konti lang tawa pa nga ito ng tawa

Kumirot nanaman yung sinipa nyang parte kaya mariin akong napapikit

"Ang bilis nyo namang matalo" rinig kong bulong muli nito bago ko maramdaman ang isang malakas na bagay na tumama sa kaliwang pisngi ko at doon na ko napahiga sa sahig

A-ang lakas nya
Sobra

"I-isang nakakagulat na laban ang pinakita ng Reyna sa isang minuto napabagsak nya ang lahat ng Phoenix!" Halatang gulat rin ang lahat sa sinabi ng Racketeer at isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa paligid

Napayukom nalang ako ng kamay bago ako nawalan ng ulirat

Babawi ako

Queen!

Hindi ako papayag na ipahiya mo kami sa ganitong paraan

the Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon