Chapter 1

380 14 31
                                    

Chapter 1: His Own Dream

Maganda ang araw ngayon, the sun kissing our own faces with delight. Hindi ito naging sagabal sa aming magkapatid. Tumakbo ako palapit kay Kuya na kasalukuyang tumitingin ng mga bulaklak.

"Kuya!" pagtawag ko sa nakakatanda kong kapatid, si Kuya Jayden.

"Oh, bakit? Ano mayroon, Jhuliet? May nangyari ba?" tanong niya agad ng makalapit na siya sa akin.

Narito kasi kami sa bakuran ng bahay namin, naglalaro o nagsasaya lang kami dito. Kapag wala kami magawa sa loob ng bahay, pupunta lang kami sa bakuran, maglalaro na at uubusin ang oras hanggang sa makaramdam na kami ng pagod.

Tumingala ako kay Kuya na nakatayo sa harapan ko para makita ko siya dahil mas matangkad siya sa akin.

"Kuya, bakit wala lagi si Daddy? Hindi ko lagi nakikita dito sa bahay," bigla kong tanong sa aking kapatid.

Ngumiti sa akin si Kuya matapos niyang marinig ang katanungan na sinabi ko.

"Miss ko na si Daddy, Kuya," dagdag ko pa na pagsasalita.

"Halika dito, bunso," pagyaya niya sa akin ng umupo siya sa damuhan para kumandong ako sa hita niya.

Nagsalita si Kuya. "Busy kasi ang daddy kaya 'di mo lagi nakikita dito. Alam mo naman na magaling na doctor si Daddy 'di ba?"

Tumango ako bilang sagot sa tanong na iyon habang nakatuon ang tingin ko sa kanya.

Ngumiti ito sa akin at bahagyang ginulo niya ang buhok ko.

"Kapag magaling ka sa isang bagay- katulad ni Daddy- lagi mo ng maigugugol ang oras mo sa bagay na iyon," malumanay niyang saad sa akin.

"Kasi alam mo ba minsan ang nangyayari, nagiging parte na iyon ng pagkatao mo," sambit ni kuya habang nakatingin ito sa akin na may ngiti sa kanyang labi.

"Eh, kuya, paano po iyon?" tanong ko at tumigil saglit.

Ngumuso ako. "Wala na silang time para sa family."

"Hindi naman sa ganun na wala na silang time, malaki kasi ang responsibility ng doctor, Jhuliet."

"Pero syempre kahit ano pang gawin mo, you need to have a time for your family," dagdag niya.

Ngumuso muli ako sa kanya. "Eh 'di ano ang pangarap mo po? Gusto mo bang maging doctor katulad ni daddy? Eh 'di hindi na din kita makikita dito sa bahay."

Tumawa si kuya dahil sa nasabi ko. Inayos niya ang pagkakandong ko sa kanya at inayos ang buhok ko.

"Jhuliet, kahit gusto ni daddy na maging doctor ako. May sarili akong pangarap." Tumingin si kuya sa asul na langit matapos niyang masabi iyon.

"Gusto ko maging arkitekto, gusto ko makapagtayo ng mga bahay at gusali. Gusto ko makatulong sa mga tao sa ibang paraan na 'di katulad sa paraan na ginagawa ni daddy."

Nakatingin lamang ako sa kanya habang nakikinig sa sinasabi nito sa akin. Nakita ko sa mga mata niya ang kasiyahan na hindi ko pagsasawaang tingnan.

Buti na lang hindi doctor ang pangarap ni kuya, eh 'di lagi ko siya makikita dito sa bahay. Pagsalita ko sa isipan ko.

"Bakit akriteto, kuya?" tanong ko sa kanya.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa sa akin. "Arkitekto iyon, Jhuliet!" Piningot niya ang ilong ko.

"Aray ko po! Akriteto nga nisabi ko, kuya!" Napasimangot ako dahil sa pagtawa niya. Nang-aasar na naman, ih.

"Oh, wag na sumimangot. Magiging kamukha mo si Chuckie. Gusto mo ba iyon?" Tumawa siya ulit matapos kong marinig ang sinabi niya, kaya naman lalo pa akong sumimangot sa inasta niya.

"Oh sige na, hindi na magiging kamukha ni Jhuliet si chuckie. Smile na." Kasabay ng pagkurot nito sa pisngi ko para makangiti lamang ako.

Nang-aasar talaga si kuya!

"Eh bakit mo nga gusto maging akriteto, kuya?" Pagtatanong ko ulit.

"Dahil mahilig ako gumuhit," maikli niyang sagot.

Kumunot ang noo ko. "Eh 'di sana naging atrish ka na lang."

"Artist po kasi iyon, Jhuliet."

"At saka, hindi porket mahilig ka gumuhit, ay pagiging artist na ang gusto mong tahakin. Marami kayang iba't-ibang pangarap ang may kinalaman sa pagguhit. At isa na dun ang architect," dagdag niyang pag-wika sa akin.

"Gusto ko kasi maging arkitekto dahil gusto ko makagawa ng bahay para sa kapwa natin." Nakita ko ang pag-ngiti ng labi niya matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon.

"Bakit mo naman gusto makagawa ng bahay?" curious kong tanong kay Kuya.

"Dahil sa tahanan nagsisimula ang mga pangarap, Jhuliet. Hindi lang tahanan ang maibibigay mo sa kanila, pati pangarap maibibigay mo. Kaya gusto ko maging arkitekto."

"Si Daddy na isang doktor na nagbibigay ng pagkakataon para sa mga tao na mabuhay, at ako na magiging arkitekto na magbibigay ng pagkakataon sa mga tao para makagawa ng sariling pangarap nila."

Sinasabi niya ang mga salitang iyon habang nakatingin siya sa asul na kalangitan. Tumingin si kuya sa akin.

"Kaya ikaw, Jhuliet. Magkaroon ka ng sariling pangarap, huh?"

"Pangarap mo iyan, ikaw lang dapat ang magdedesisyon at kokontrol dito, hindi ang ibang tao. Ang pangarap mo ay para sayo at magkakaroon ng magandang dulot sa ibang tao. Lagi mo iyan tandaan, huh?"

"Opo, kuya!" Ngumiti ako ng malawak sa kanya.

"Kapag hindi mo sinunod ang gusto ng sarili mo, gagalit si kuya sa iyo!"

Pagkatapos ay naramdaman ko ang mga bisig niya na niyakap ako ng mahigpit. Yakap na nagbibigay ng lakas at pagmamahal sa akin.

"Lagi ko po iyon tatandaan, kuya. Ayaw ko gagalit ka sa akin."

Humarap siya sa akin, at nginitian ako. Bahagya niyang ginulo ang buhok ko - paborito niyang ginagawa sa akin iyon - at hinalikan ako sa noo.

Simple man ang ginagawa niya sakin, pero ramdam ko ang pagmamahal ng aking kuya. Siya ang kuya ko na may sariling pangarap. Jayden Akira Bautista, naiisip ko na sa isipan ko ang araw na makikita ko siyang nakangiti sa akin dahil nagtagumpay siya na abutin ang pangarap niya.

Sa tahanan daw nagsisimula ang pangarap, kaya hahanapin ko na ito simula ngayong araw.

Tinawag ko siya. "Kuya?"

"Hmm?"

"Pasok na tayo sa loob ng bahay, may hahanapin ako," pag-aya ko sa kaniya.

"Ano naman iyon? Tutulungan na kita," suhestyon ni Kuya.

Kumunot ang noo ko at napasimangot dahil sa narinig ko. "Ayaw ko."

"Bakit?" takhang tanong niya.

"Akin lang iyon!" Pagmamaktol ko sa kanya.

"Hindi ko naman aangkinin, ano ba kasi ang hahanapin mo?" naiiritang sambit ni kuya.

"Iyong pangarap ko po!"

Waiting for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon