Chapter 2: Loving the Sky
Bigla akong binatukan ni Kuya nang marinig niya ang bagay na gusto kong hanapin sa loob ng bahay namin.
"Kuya naman eh! Masakit kaya iyon," reklamo ko sa kanya habang sapo- sapo ko ang ulo ko na binatukan niya.
"Ikaw kaya batukan ko!" dagdag ko pang pagrereklamo.
"Iyang kalokohan mo, Jhuliet Akira! Hindi iyon ang ibig kong sabihin na literal mong hahanapin," pagsermon niya sa akin.
"Naku, talaga!" dagdag pa niyang wika
Napanguso na lang ako sa panenermon niya habang dinarama ko ang sakit ng pagkabatok niya sa akin. Malay ko ba na 'di pala ganun na hahanapin iyong sinasabi niyang pangarap.
"Ilan taon ka na, Jhuliet?" Kumunot ano noo ko dahil sa tinanong niya.
Pinakita ko na lang sa kanya ang dalawang kamay ko na pinapakita ang anim na daliri ko, habang ang labi ko ay nakanguso pa din.
"Six years old ka na, Kira."
"Alam ko, pinakita ko nga 'di ba ung kamay ko?" bulong ko sa sarili ko.
"Jhuliet Akira, I know that you're a smart kid. So, alam ko na alam mo naman ang sinasabi ko, 'di ba?" sabi niya.
Patuloy ko pa rin naririnig kung paano siya mang-sermon sa aking harapan. Huminga na lamang ako ng malalim
"Sorry po," saad ko habang nakanguso pa rin ang labi ko.
Bigla kong naramdaman ang dalawang bisig niya na niyakap ako at hinimas ang ulo ko na binatukan niya.
"Masakit ba?" pag-aalala niyang tanong.
Tumango ako. "Ikaw kaya batukan ko!" pagtataray ko kay Kuya.
Tumawa siya sa akin. "Jhuliet, just always remember what I've said, okay?"
Tumango-tango ako bilang sagot ko at niyakap din pabalik ang kuya ko.
"Higa tayo sa duyan?" pagtatanong ni Kuya sa akin habang nakangiti siya.
Agad naman akong napatingin sa kanya at nasilayan niya ang ngiti ko sa aking mga labi na halos mapunit na sa sobrang pagngiti.
Umalis ako sa pagkaka-kandong kay Kuya, at tumakbo ng mabilis papunta sa duyan.
"Hinay-hinay sa pagtakbo, walang humahabol sayo, Jhuliet."
"Mahuli panget!" asar kong saad kay Kuya.
"Aba, hindi p'wede iyan. Alam naman natin kung sino ang panget talaga."
"Ikaw!" sigaw ko sa kanya habang patuloy akong tumatakbo.
Nakikita ko na ang duyan na nakasabit sa dalawang puno dito sa aming bakuran. Binilisan ko pa ang pagtakbo upang makarating na agad doon. Tumigil na ako sa pagtakbo ng mahawakan ko na ang duyan, at lumingon sa aking likuran habang nakangiti ako na mapang-asar.
"Panget ka talaga, Kuya!" saad ko at tumawa nang tumawa sa kanya.
"Ayoko tumakbo, masasayang iyong kagwapuhan ko," saad niya habang naglalakad, papalapit sa puwesto ko.
BINABASA MO ANG
Waiting for Love
Dla nastolatkówARTISTRY SERIES #1 Jhuliet Akira Bautista follows her brother's footsteps to pursue their dream and not be a doctor like their parents. A girl that has a dream to be a painter. A dream about holding a paintbrush on her right hand not a scalpel nor a...