Chapter 15: Nothing Like Us
"Sama ka, Jhuliet?"
Narinig kong nagsalita sa gilid ko si Tanya. Kasalukuyan kasi akong nag-i-sketch sa sketch pad ko dito sa classroom namin.
Inaayos ko kasi ang ini-sketch ko kahapon sa output sa Visual Arts subject, tsaka ngayon ang pasahan nito kaya naman may mahabang oras kaming ayusin at tapusin itong output.
Pinakita ko kay Tanya ang sketch pad at ang lapis na hawak ko. "Busy ako."
Magsisimula na sana ako ulit nang biglang kinuha ni Tani - Tanya for short - iyong sketch pad ko at ang lapis na hawak ko. Inilagay ni Tani ang lapis sa pencil case na nakapatong sa arm chair, pagkatapos inilagay niya ang dalawang gamit sa bag na nasa harapan ko.
"Mamaya na iyan, recess na kaya! At saka ang ganda na kaya nung gawa mo, ano pa bang ginagawa mo dun? huh?" dire-diretsong saad niya at hinatak na ang braso ko para makatayo ako.
"Tani naman!"
"Naghihintay na sa labas iyong dalawang shunga," dagdag pa niya.
Sa paglabas namin ng room, nakita ko ang dalawang taong naghihintay sa amin. Isang babaeng may hanggang balikat na buhok- si Marph at isa namang naka-ponytail- si Lilli
Lumingon si Marph sa amin ng maramdaman niya ang paglabas namin sa room.
"Mga tanga, ang tagal niyo! Pasko ba hinihintay niyo?" pagrereklamo niya.
Biglang tinuro ako ng katabi ko na parang nagpapahiwatig na ako ang may kasalanan. Tinignan ko naman siya at tinaasan naman niya ako ng kilay.
At nahagip ko na nagulat namang bigla ang katabi niyang si Lilli sa biglang pagsigaw nito. "Bunganga mo naman."
Tumingin siya kay Lilli. "Ganun pa din, bunganga pa din."
"Gora na! Gutom na ako," saad ni Tani sa kanila at nagsimula na siyang maglakad papunta sa canteen ng school.
Dalawang linggo na ang nakalipas matapos magsimula ang pasukan. Marami ang nangyari, marami ang naganap ganun naman lagi, e.
Sa dalawang linggo na iyon ang daming nangyari na nakakasakit ng ulo - inshort disaster. At silang tatlo ang naging dahilan.
Katulad na lang ng malaman kong kaklase ko si Tani at nangg makilala ko din sila Marph at Lilli.
"Hi, Jhuliet Akira Bautista. Visual Arts ang art area na pinili ko. Nice to meet you all." Nagda-dalawang isip pa ako kung ngi-ngiti ako sa mga kaklase kong nasa harapan ko at nakatuon ang atensyon sa akin habang nagpapakilala ako sa kanila.
First day. Introduce yourself. Akala ko kapag high school na ako, lulubayan na ako niyan. Nakakasawa kasi magpakilala.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbalik sa upuan ko ng biglang bumukas ang pinto ng room namin. At niluwa nun ang pamilyar na mukha. Humihingal pa siya habang nakawak ang kanang kamay niya sa pinto.
"I'm sorry po. I'm late."
Nagtama ang paningin namin, biglang lumaki ang mata niya at unti-unti siyang ngumiti na abot hanggang tainga. "Jhuliet!" eksaherada niyang sabi.
Hindi ko na lang siya pinansin at nakakahiya kasi pinagtinginan ako ng iba kong kaklase. Nagpasya akong bumalik na sa upuan ko.
Sa ilang oras na lumipas, hindi ko alam kung may oras ba na nagpahinga ang bibig ng katabi ko. Kasi simula ng umupo at tumabi siya sa akin, iyong boses niya lang ang naririnig ko.
Feeling ko nga kamukha ko na si Tani dahil lagi kaming magkasama, sa madaling salita lagi siyang nakabuntot sa akin puwera na lang sa art area subject namin. Kasi siyempre dance iyong sa kanya at sa akin naman ay visual arts.
BINABASA MO ANG
Waiting for Love
Dla nastolatkówARTISTRY SERIES #1 Jhuliet Akira Bautista follows her brother's footsteps to pursue their dream and not be a doctor like their parents. A girl that has a dream to be a painter. A dream about holding a paintbrush on her right hand not a scalpel nor a...