Chapter 24: Frame of Serenity
Nakikita ko na sa isipan ko ang itsura ko ngayon habang naglalakad ako pabalik sa room. Kakatapos lang namin magpinta sa dating wall of lifeless sa school park at ngayon ang huling araw ng pagpinta namin doon.
Walang buhay ako naglalakad sa school ground papunta sa room habang may mga estudyante sa paligid ko na nag-uusap sa isa't-isa, naglalakad papunta sa kung saan.
Ang suot kong plain mint green na v-neck shirt ay may disenyo na ng iba't-ibang kulay ng pintura na ginamit namin. Pati rin sa jeans na suot ko ay may naligaw din na mga pintura. Habang sa braso ko ay ganoon din ang estado, ang dalawa kong kamay na punong-puno na ng iba't-ibang kulay.
Pagod na pagod akong naglalakad pabalik sa room namin. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nahahagip nito ang ilang estudyante na tumitingin sa akin. I imagined myself being awful as hell.
Malapit na akong makarating sa room namin at nakita ko ang paglabas ng ilang estudyante sa kani-kanilang kwarto. Nahagip din ng mata ko ang paglabas nila Tani sa room namin.
Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad pabalik doon. Napangiwi na lang ako nang mabangga ako ng isang estudyante dahil busy ito sa pakikipag-usap sa mga kasama niya.
"Hala, Sorry," she sincerely apologized to me. Ngumiti na lang ako sa kanya bilang tugon ko.
Ibinaling ko na lang muli ang atensyon ko sa paglalakad. Nakita ko na nag-uusap sila Tani sa labas ng room namin. Ngumiti ako ng bahagya at dumiretso papunta sa pwesto nila.
Nakita ako ni Marph. "Woy, Jhuliet! Long time no see," sigaw nito sa akin habang kumakaway pa ang kanang kamay niya at may malawak na ngiti sa kanyang mukha.
Kumaway ako pabalik. Lumingon naman sila Tani at Lilli sa akin. Nakita ko ang paglaki ng mata ni Tani at mabilis na pumunta sa akin.
"Anong itsura iyan? Para kang pinabayaan," saad nito habang tinitingnan niya ang estado ng katawan at ng damit ko.
Bigla niyang hinawakan ang mukha ko. "Pati ba naman mukha mo ay pinipinturahan mo din? Ano iyan canvas?" reklamo niyang saad sa akin.
"Para kang sinabunutan sa kalagayan ng buhok mo," rinig kong sambit ni Marph.
Nakita ko na naglakad si Tani, naramdaman ko na nasa likuran ko siya at naramdaman ko rin ang pagkalugay ng buhok ko.
Sinuklayan niya gamit ang daliri niya ang buhok ko nang dahan-dahan at may pag-iingat hanggang sa maging maayos na ito. Naramdaman ko ang pag-ipon niya ng buhok ko at dahan-dahang tinalian. She did a ponytail style to my hair.
"Ayan, medyo nag-mukhang tao ka na," saad ni Marph sa akin.
"May pamalit ka ba na damit?" tanong ni Lilli sa akin.
Tinignan ko siya at bahagyang tumango. "Lagi-lagi na ako nagdadala ng damit just incase na mapinturahan din ako," saad ko sa kanya.
"Kunin mo na iyong damit mo para makapagpalit ka na," saad ni Tani.
"Hintayin ka namin dito tapos pumunta na tayo sa CR bago tayo kumain ng lunch," wika ni Marph.
Tumango ako sa kanila at pumasok na sa room para kunin ang extra na damit na dala ko. Pumunta ako sa upuan ko at kinuha ang bag ko para ipatong sa armchair.
Kinuha ko agad ang extra kong damit nang mabuksan ko na ang bag ko. Habang isinasara ko na ang bag ko ay nahagip ng mata ko ang palapulsuhan ko.
My eyes widened because there is no sign or mark of a bracelet. Kinalma ko ang sarili ko at chineck ang bulsa ng jeans ko baka kasi inilagay ko lang doon para hindi mamantsahan o masira kapag nagpipintura ako.
BINABASA MO ANG
Waiting for Love
JugendliteraturARTISTRY SERIES #1 Jhuliet Akira Bautista follows her brother's footsteps to pursue their dream and not be a doctor like their parents. A girl that has a dream to be a painter. A dream about holding a paintbrush on her right hand not a scalpel nor a...