Chapter 8

88 2 0
                                    

Chapter 8: New Chapter

"Jhuliet, anak! Bumaba ka na dito sa sala! May bibilhin daw kayo"

"Woy! Bumaba ka na daw sabi ni Tita!"

"Jhuliet na kapatid ni Jayden bumaba ka na!"

Rnig ko mula rito sa aking kwarto ang mga sigaw nila sa pagtawag sakin.

Kasalukuyan ko kasing tinatapos ang ginagawa kong pagpipintura, wala kasi akong magawa dito sa bahay kaya ito ang naisipan kong gawin.

At saka ayokong makisali sa kalokohan nila kuya Philip at kuya Edward. Narito kasi sila sa bahay at naisipan na mambulabog.

Naalala ko na naman kung paano sila nakarating dito sa bahay.

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Anong oras na ba at may nambubulabog ng pagtulog?

Tinignan ko kung sino ang tumatawag.

[ Kuya Edward calling ]

"5:00 palang ng umaga, bakit naisipan nitong tumawag?" tanong ko sa sarili ko.

Kahit pumipikit- pikit ang mata ko, sinagot ko pa rin ang tawag ni kuya Edward, tsaka baka mamaya magsumbong ito kay kuya.

"Hello? Kuya?" saad ko at humikab.

"Jhuliet!" sigaw nito.

Nailayo ko agad ang cellphone ko sa tainga ko. Bakit kailangang sumigaw?!

"Bakit kailangang sumigaw, kuya!"

"Eh! Bakit ka din sumisigaw?!"

"Ikaw kaya itong unang sumigaw! Natutulog ako kuya! tapos tatawag- tawag ka?" pagrereklamo ko.

"Eh kasi-" biglang naputol ang sinasabi niya.

"-Jhuliet! Narito kami sa labas ng bahay niyo!"

Napatingin ako sa cellphone ko dahil sa biglang pag-iiba ng boses, pamilyar ang boses ng nagsalita.

"Kuya Philip?"

"Jhuliet! Pabukas na nung gate, nilalamok na kami dito sa labas."

"Bakit ba kasi kayo nandiyan?!"

"Tatawag kasi ang kuya mo mamayang tanghali."

"Tanghali pa naman pala tatawag, bakit kayo pumupunta dito ng ala-singko ng umaga?"

"Eh 'di ba nga ngayon iyong Senior High Graduatiom Ball ng kuya mo? Kaya maghahanda tayo."

Anim na taon na ang nakakalipas at gagraduate na si Kuya bilang Senior High student sa London. Sa susunod na buwan naman ay magiging busy si Kuya dahil iyon na ang natitirang buwan niya bilang Senior High student. Ibang-iba ang Pilipinas sa London. Dito sa atin ay June ang simula ng pasukan pero sa kanila ay September at magtatapos sa June.

Marami ang nangyari sa loob ng anim na taon. Parehas kami ni kuya na laging napapasama sa Honors List, parehas kami ni kuya na ginagawa ang lahat para makamit ang mga pangarap namin.

Siya na magiging arkitekto at ako bilang isang pintor.


Waiting for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon