Chapter 16: Beyond Compare
Sabado ngayon. Pangalawang sabado para sa aming mga estudyante. At ang ibig sabihin lang nun ay rest day!
Weekends ang pinakahinihintay ng bawat estudyante. Para makapagpahinga sa mga school works. Pero syempre hindi papatalo ang mga teacher, may iba nagbibigay pa ng activity, output o kaya naman assignment na gagawin sa bahay.
"Kuya, naman e!"
Inaasar kasi ako ni kuya, tumawag kasi siya at sakto pagising na ako nung tumawag siya. O, 'di ba ang galing ng timing niya!
At hindi pa ako naghihilamos nun! Hindi pa ako nag-aayos, para akong ewan tuloy. Iyong parang pugad ng ibon iyong buhok ko.
"Tatawag-tawag ka tapos mang-aasar ka lang! Aba, hindi tama iyon!"
Narinig kong tumawa sa kabilang linya si kuya. "Bakit hindi ka kasi nag-ayos muna ng sarili, aber?"
Bakit parang kasalanan ko pa?
"Tignan mo itsura mo para kang hindi tao," dagdag pa niya.
Napairap ako. "Kasalanan ko ba na minamadali mo akong sagutin iyong tawag mo?"
"Anong oras na ba diyan?" tanong niya.
"Wala bang orasan diyan? At iba ang oras dito, sa oras ng London," saad ko.
Napakamot na lang ng ulo si kuya.
"Iyong oras niyo ang tinatanong ko!"
Tinignan ko ang oras sa maliit kong orasan na nakalapag sa katabing table ng kama ko. "9:30 a.m." Tinatamad kong saad kay kuya.
"Grabe naman ang tulog mo! Nagpuyat ka ba kagabi? May kachat ka 'no? Naku, sinasabi ko sa iyo, Jhuliet Akira-." Hindi na naituloy ni kuya ang sinasabi niya ng magsalita ako.
"May ginawa kasi ako. Nagpinta ako kagabi! Grabe ka naman, kuya!"
"Wala akong paki, basta kapag may nabalitaan ako. Maghanda-handa ka na, babae!"
"Kuya para kang ewan! Sige na, pumunta ka na kay Ate Celline. Mag-aayos pa ako pupunta akong National Book Store para mamili pa ng kulang kong art mats," dire-diretso kong sambit kay kuya.
Kumaway ako kay kuya para magpaalam na. Ganun din ang ginawa ni kuya at nag-flying kiss pa.
Ngumiwi ako sa inasal niya. "Bye, kuya! Bawasan ang harot!"
Magsasalita pa sana siya pero pinatay ko na agad ang tawag. At biglang may nag-notif sa cellphone ko.
From: Kuya kong Panget
Ingat ka, Panget liit! Pasundo o pahatid ka kila Edward at Philip.
Ngumiti ako sa nabasa ko at nagpasiya nang bumaba para kumain.
"Kuya Eddy!" bungad kong saad ng sumagot si Kuya Edward sa tawag ko.
"Ano ba iyan, Jhuliet! Tigilan mo nga iyang pagtawag sa akin ng ganyan!"
"Kukutusan ko talaga kapag makita ko iyang kapatid mo!" iritadong saad ni kuya Edward.
Tumawa ako dahil hindi pa rin nababago na asar na asar siya kapag tinatawag siya ng ganun.
"Kuya, busy daw po kasi si kuya Philip. Kaya ikaw na agad ang tinawagan ko, papasama sana ako sa NBS para bumili ng art mats na need ko," tuloy-tuloy kong sambit.
Bumuntong-hininga siya. "Ano pa nga ba ang magagawa ko?"
"Anong oras ba?" dagdag niya.
Ngumiti ako kahit hindi naman iyon makikita ng kausap ko. "1:00 po, kuya! Thank you po!"
BINABASA MO ANG
Waiting for Love
Fiksi RemajaARTISTRY SERIES #1 Jhuliet Akira Bautista follows her brother's footsteps to pursue their dream and not be a doctor like their parents. A girl that has a dream to be a painter. A dream about holding a paintbrush on her right hand not a scalpel nor a...