Chapter 14: Burning Desire
Naalala ko noong bata ako, lagi akong tinatanong ni Mommy kung sure na ba daw ako sa pangarap na tutuparin ko. Sa pangarap na paghihirapan kong abutin sa buhay ko.
Kasi minsan daw iyong pangarap na lagi nating sinasabi na gusto nating tuparin noong bata tayo ay laging nagbabago. Syempre naman, dahil noong bata tayo ang lawak ng imahinasyon natin. Minsan iyong pangarap natin ay nakadepende sa pinapanood natin, sa binabasa natin.
Pabago-bago kasi dumedepende lang ang pag-iisip natin sa nakikita ng mga mata natin, sa mga naririnig natin.
Iyong parang isang araw gusto mo maging prinsesa o prinsepe at makapagpatayo ng malaking castle tapos biglang nabago dahil gusto mo ng maging astronaut, agent o spy, police, chef at kung ano-ano pa na pwedeng magpasaya sa isip mo o sa imahinasyon mo.
Pero lahat ng iyon mababago kapag may isang bagay na biglang nagpasaya sa buong pagkatao mo. Isang bagay na bigla na lang naging parte ng sarili mo.
Kapag laging tinatanong iyon ni Mommy, lagi ko ring sinasagot ito nang buong galak.
Sino ba naman ang hindi mae-excite kapag pinapaalam mo sa pamilya mo ang tungkol sa pangarap na gusto mo?
"Opo naman po! Gusto ko po talaga maging painter!"
Iyan ang mga pangungusap ang lagi kong sinasabi kay Mommy kapag tinatanong niya ulit iyon. Memorize ko na nga 'e, para na akong sirang plaka na paulit-ulit kong sinasabi na gusto ko maging painter.
Noong una nagtataka ako kung bakit ba paulit-ulit iyong tinatanong ni Mommy sa akin. Kahit pa-dalaga na ako, tinatanong pa rin iyon ni Mommy.
Iyong tipong oras-oras, minu-minuto. Kasi ano bang meron kung iyon ang pangarap na gusto kong abutin sa buhay ko?
Naalala ko gabi iyon na nagdecide akong pumunta kay Mommy para magpakuwento tungkol kay Daddy tapos nadatnan kong magkausap sila Mommy at Daddy sa laptop - video call ba, mga ganun - hindi ko sinasadya na marinig ang pinag-uusapan nila na sana hindi ko na lang pala pinakinggan.
Narinig ko ang boses ni Daddy mula sa loob ng kwarto. "Nakausap mo na ba ang anak mo?"
Na-miss ko ang boses ni Daddy kasi hindi kami ganoon nag-uusap, lagi daw kasing busy si Daddy at iniintindi ko naman. Doctor si Daddy eh, at alam ko na mabigat ang responsibilidad niya. Kaya kailangan dapat na intindihin.
Pero napatigil ako sa sunod na sinabi ni Daddy. "Magdo-doctor na ba siya? Gagaya rin ba siya sa kapatid niya?"
"Andrew, hayaan na lang natin si Jhuliet sa gusto niya, sa pangarap niya. Iyon ang kasiyahan ng anak natin. Hayaan na natin ang mga bata kung iba ang kagustuhan nila sa kagustuhan natin." Narinig kong saad ni Mommy kay Daddy.
"Sa pagkukulay sa mga papel? Sa pagguhit? Iyon ba ang kagustuhan niya?"
"Pintor? Ano namang magagawa niyan sa buhay niya? Puro kulay na lang ang gagawin niya buong buhay niya?" dagdag ni Daddy.
"Andrew, hayaan mo na lang siya sa gusto niya. Huwag na nating pilitin. Doon masaya si Jhuliet."
Biglang tumahimik ang paligid, isasara ko na dapat ang pinto ng biglang magsalita si Daddy.
"Anong magagawa niyang pagkukulay niya sa papel sa buhay niya? Mapapakain ba siya nito? Mabubuhay ba siya diyan?"
"Andrew.."
"Isipin niya ang kinabukasan niya kung iyan ang papairalin niya sa buhay niya. Kung iyan ang tutuparin niya. Magiging walang kwenta lang iyang buhay niyang iyan sa pagiging pintor niya!"
"Suportahan na lang natin si Jhuliet."
"Ayoko ng pangarap niya."
Noong gabing iyon, umiyak ako sa kwarto ko kasi sino ba naman ang hindi maiiyak kung ang mismong ama mo ay hindi suportado sa pangarap na gusto mong abutin sa buhay mo.
Sa pangarap na nagiging rason mo para magpatuloy sa paglaban sa mundo, sa buhay natin. Kasi minsan iyong pangarap na lang natin ang nagiging lakas natin eh.
Mas masayang abutin iyong pangarap na iyon, kung suportadong-suportado ka ng pamilya mo. Iyong walang magrereklamo kung bakit iyon ang pinili mo. Iyong walang manliliit sa'yo
kung bakit ganun ang gusto mong abutin sa buhay.Kaya heto ako ngayon nasa harapan ng salamin ng kwarto ko at pinagmamasdan ang repleksyon ko mula roon. Nakasuot ng uniform ng art school na papasukan ko habang nakasukbit sa balikat ko ang bag na may laman ng mga kailangan ko para sa buong araw na klase.
My first day. Another chapter on reaching my dream.
Ready na ba ako?
Habang pinagmamasdan ko ang sarili ko nahagip ng mata ko ang bracelet na nasa pala-pulsuhan ko. Iyong bracelet ni kuya. Hinawakan ko ito at naramdaman kong gumaan ang pakiramdam ko na parang kanina lamang ay parang tambol ang puso ko sa bilis na pagtibok nito dahil sa nararamdaman ko para sa unang araw ng klase.
Are you ready, Jhuliet? Kaya mo na ba? Kakayanin mo?
Huminga ako ng malalim at inayos ko muli ang sarili ko sa harap ng salamin. Pagkatapos ay nakita ko sa repleksyon ko ang unti-unting pagsilay ng isang ngiti sa mga labi ko.
Kahit hindi pabor si Daddy sa pagiging pintor ko, hindi pa rin ito sapat para hindi ko makita ang sarili ko na naging matagumpay na isang pintor sa hinaharap. Hindi ito sapat at walang magiging sapat para hindi ko ipagpatuloy ang kagustuhan ko ang kasiyahan ko.
Lumubog man ako sa sarili kong bangka kaya ko namang lumangoy para ipagpatuloy ang nasimulan ko.
Mapagod man ang mga pakpak ko para maabot ang munti kong pangarap, hindi ako titigil sa paglipad patungo doon hanggang sa dumating ang tamang panahon para sa amin ng pangarap ko.
Ipagpapatuloy ko ang nasimulan ko.
Ito ang sinisigaw ng pagkatao ko na kailangan kong pakinggan hanggang dulo.
"Kakayanin mo 'to, ikaw pa!" bulong ko at nagpasya ng pumunta sa pintuan para lumabas na sa kwarto ko.
Alam ko sa sarili ko na kapag binuksan ko ang pinto ng kwarto ko, ito na ang simula ng lahat at hindi na dapat pa ako umatras para harapin ang naghihintay sa akin.
There is no backing out.
At napansin ko na lamang na nakasakay na ako sa sasakyan habang binabagtas nito ang daan patungo sa lugar na naghihintay rin sa akin.
There is no life without dream, and there is no dream without life.
BINABASA MO ANG
Waiting for Love
Teen FictionARTISTRY SERIES #1 Jhuliet Akira Bautista follows her brother's footsteps to pursue their dream and not be a doctor like their parents. A girl that has a dream to be a painter. A dream about holding a paintbrush on her right hand not a scalpel nor a...