Chapter 30: Dream Glow
Naramdaman ko ang mga bisig na yumakap sa akin habang nakaupo ako at hawak ang paintbrush sa kamay ko kaya naman ay laloo pa akong napangiti. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Hinawakan ng kaliwang kamay ko ang likod nang yumakap sa akin at bahagyang tinapik-tapik ito.
Isinawsaw ko ang paintbrush na hawak ko sa watercolor na katabi ng papel na pinagkukulayan ko at ibinaling ang tingin sa tao na yumakap sa akin.
"Dapat sa mga oras na nagbibigay ka ng kulay sa isang papel ay masaya at gusto mo talaga ang ginagawa mo para maging maganda ang kakalabasan nito," saad ko sa batang lalaki na nakangiting nakatingin at nakayakap sa akin.
"Ikaw naman, i-try mo." Sabay lahad ko sa kanya nung paintbrush na hawak ko.
Naramdaman kong humiwalay na siya sa akin."Masaya ang magpinta basta huwag ka lang matakot na magbigay ng kulay," ngiting wika ko sa kanya at bahagyang ginulo ang buhok niya.
Tumango siya sa akin at lalo pang lumawak ang ngiti niya sa akin bago niya kinuha ang paintbrush na nakalahad sa kanya. Napatawa na lang ako ng mahina dahil sa inasta niya sa harap ko.
Nakita ko kung paano niya kinulayan ang papel na may naka-drawing na mga bulaklak, ulap at isang bahaghari.
Ibinaling ng mata ko sa mga bata na katabi lang namin na nakaupo habang may kanya-kanyang ginagawa kasama ang mga estudyante na katulad ko na masayang tinutulungan sila. May iba naman ako nakita na mga bata na nakatayo at nakikipagtawanan sa taong kaharap nila.
Nasa town plaza kasi kami ngayong araw para gawin ang Art Workshop ng Artistry Lead School, taon-taon kasi itong ginagawa ng school para tulungan, turuan at pasayahin ang mga bata na nakatira dito sa bayan. Lahat pwede sumali sa workshop, kahit bata, o teenager na.
Nasa open space kami na nakapwesto dito sa town plaza, hiwa-hiwalay ang kada art area. May napapansin rin ako na mga tao na dumadaan at napapatingin, may mga stall vendor rin ang nanonood dito sa workshop habang nagtitinda sila. Buti nga naki-ayon ang panahon dahil hindi ganoon kainit. May tarpaulin sa bawat art station para ipaalam sa mga magulang na kasama ng mga bata ang available na art area.
Sa bawat pwesto ay may mga table at monoblock na nakalagay. Bago nagsimula ang workshop ay nagkaroon muna ng short orientation para sa mga magulang, at may registration sa kada station.
"Ate, ganito po ba?" Narinig ko ang tanong ni Allen, ang bata na naka-assign sa akin.
Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatingala siya sa akin. Ibinaling ko naman ang tingin sa gawa niya at napangiti na lang ako sa nakita ko.
"Ang galing mo naman," masayang komento ko sa kanya. Nakita ko ang pagngiti ng kanyang mga labi dahil sa sinabi ko.
Ginulo ko ang buhok niya at mahina pinisil ng kanang kamay ko ang mataba niyang pisngi.
"Tignan mo walang lagpas ang pagkulay mo, ang galing. Noong bata ako, lagpas-lagpas pa ang pagkukulay ko pero ikaw sa edad mo na iyan daig mo pa ako," saad ko sa kanya habang pinapakita ang gawa niya.
"Ang galing niyo po kasi magturo sa akin, Ate Jhuliet," sagot naman niya sa akin at nakita ko kung paano lalong tumaba ang pisngi niya.
"Ang cute-cute mo talaga," I mouthed.
"Ang ganda niyo po, Ate Jhuliet." And that makes me to stopped on pinching his cheeks.
"Nambola ka pang bata ka," wika ko.
"Ate, kapag lumaki na po ako tapos naging painter na po ako. Hahanapin po kita," saad niya sa akin habang nakatingin ang mga bilog niyang mata sa akin.
BINABASA MO ANG
Waiting for Love
Teen FictionARTISTRY SERIES #1 Jhuliet Akira Bautista follows her brother's footsteps to pursue their dream and not be a doctor like their parents. A girl that has a dream to be a painter. A dream about holding a paintbrush on her right hand not a scalpel nor a...