Chapter 7: Lollipop of Hope
"Mama! Bakit ka aalis?" pag-iyak ko.
"Anak, Grae," umupo si Mama para pumantay sa akin at pinunasan ang mga luha ko na patuloy sa pagbagsak.
"Kailangan umalis ni Mama para makapag-aral kayo ng kapatid mo."
"Mama, paano kami ni bunso? Paano po kami?"
"Nandiyan naman ang tita niyo, anak. Hindi niya kayo papabayaan."
"Ma, punta na lang kami kay Papa."
"Anak, alam mo namang hindi pwede tayong pumunta sa papa mo."
"Ma..."
"Anak, babalik din ako agad," sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko.
"Babalik ako."
Niyakap ko si Mama ng mahigpit at umiyak. Ngayon lang kami magkakahiwalay ni Mama.
Ngayong araw ko lang nalaman na aalis siya at magtatrabaho sa ibang bansa, kausap niya kasi si Tita sa telepono niya ng marinig ko ito ng 'di sinasadya.
"Babalik po kayo ah? Sasabitan niyo pa po ako ng medals sa school ko."
Ngumiti sa akin si Mama.
"Oo naman, aakyat pa ako sa stage ng school para sabitan ka ng medalya mo."
"Hahatid niyo pa po si bunso sa school."
Tumawa ng bahagya si Mama at niyakap ako.
"Huwag kang mag-alala, anak. Babalik ang Mama para sa inyo. Marami pa tayong pangarap na kailangang tuparin."
"I love you, Ma."
"I love you too, Grae. Ikaw muna ang magbabantay kay bunso ah?"
Tumango ako habang niyayakap ako ni Mama.
Naramdaman kong may nakiyakap din at tiningnan ko kung sino.
"Batit kayo rang nagha-hug?" saad ng bunso kong kapatid.
"Selos naman ang bunso namin, oh eto na ang yakap."
Hinigpitan ni Mama ang yakap sa aming dalawa ng kapatid ko.
"Mahal na mahal ko kayo mga anak."
"I love you po," saad ko at hinalikan si Mama sa noo niya.
"Batit si Mama lang?" reklamo ng bunso kong kapatid.
Tumawa ako at hinalikan ang noo niya.
"Ayan na po," saad ko at ginulo ang buhok nito.
"Wabyu, kuya," sabay hagikhik nito.
"Wabyu araw- araw, Mama," saad nito at hinalikan si Mama sa noo, sa magkabilaang pisngi nito, sa tungki ng ilong at sa labi.
"Bunso," pagtawag ni Mama.
"Batit po?" inosenteng pagtatanong ng kapatid ko.
Nagsalita si Mama. "Sumunod lagi kay kuya huh?"
"Opo naman po! Batit po?" Ngumiti ng matamis ang kapatid ko kay Mama.
"Aalis lang ang Mama, pero babalik din agad."
Naguguluhan na tumingin ang kapatid ko kay Mama. "Batit po kayo aalis? Bibili po kayo ng toys namin ni kuya?"
Napaluha ako sa sinabi ng kapatid ko.
"Hindi, anak. Magtatrabaho ang Mama."
"Batit po kayo magtatrabaho?"
BINABASA MO ANG
Waiting for Love
Teen FictionARTISTRY SERIES #1 Jhuliet Akira Bautista follows her brother's footsteps to pursue their dream and not be a doctor like their parents. A girl that has a dream to be a painter. A dream about holding a paintbrush on her right hand not a scalpel nor a...