Chapter 29: Moment of Truth
My brother was laughing so hard because of the state of my face right now. He was laughing like there is no tomorrow. Napapahawak pa nga ang mga kamay niya sa kanyang tiyan sa tuwing humahalakhak ang mukha niya.
Titigil siya saglit, papahiran ang mata niyang naluluha na dahil sa kakatawa niya, pero kapag tumingin siya sa akin ay hahagalpak na naman siya sa tawa.
"Saya ka?" tamad kong tanong sa kanya habang ang mga mata ko ay umirap sa kanya.
Hindi pa rin siya tumitigil sa kakatawa. Nakita kong bigla na siyang ngumiwi dahil hindi niya mapigilan ang tawa na lumalabas sa bibig niya.
"Iyong mukha," putol niyang saad dahil tumawa na naman siya.
"Mukha mo kasi," saad niya sa akin habang tumatawa siya.
"Ihagis ko 'tong spatula sa iyo, Kuya eh!"
Hinawakan ng kanang kamay ko na may bahid na ng flour ang spatula na nakapatong sa table katabi ng ilan pang gamit sa paggawa ng cake. Nakaamba na ang kamay kong may hawak na spatula para ihagis sa tumatawa kong kapatid sa harapan ko ng makita kong nakahuma na siya sa pagtawa at pinupunasan na niya ang gilid ng mata niya.
"Magbe-bake ka lang naman ng cake, pero iyong itsura mo parang ikaw ang ginawang cake, eh," matawa-tawa pa niyang saad sa akin.
"Iyong itsura mo para kang pinabayaan sa kusina, iyong buhok mo parang sinabunutan ng sampung kamay," dagdag niya.
Tumingin siya sa akin. "Tapos may bago ka na palang moisturizer, 'di mo naman sinabi na iyan pala ang ginagamit mo. Sosyal mo naman, chocolate pa gamit mo."
"Huwag ka talagang kakain nung cake na ginawa ko!" mataray kong sagot sa kanya habang masama akong nakatingin sa kanya at hawak pa rin ng kanang kamay ko ang spatula. Ipinatong ko na ang spatula sa table.
"Pabantay nung cake baka masunog," utos ko kay Kuya habang inaalis sa pagkakasuot sa aking katawan ang apron.
Nakita ko ang itsura ng apron na suot ko. May mga bahid ng flour, tapos chocolate sauce, pati itlog, ang dumi na ng kalagayan ng apron ko. Parang kanina lang ang linis-linis nito, tapos ang ganda pa ng apron dahil sa kulay lila nitong taglay. Nahagip ng mata ko ang dalawang braso ko, may nakita rin akong chocolate sauce na naligaw, tapos may flour pang nakadikit.
"Bakit ako magbabantay? Eh, hindi mo naman ako papakainin nung cake na ginawa mo," rinig kong pagre-reklamo ni Kuya sa akin habang nakatalikod ako sa kanya.
"Babalik rin po ako, pupunta lang po ako sa CR," sagot ko sa kanya.
"Wala ka talagang balak na pakainin ako nung cake na ginawa mo?" tanong niya.
Lumingon ako sa kanya. "Depende po."
"Aba, Kuya mo ako," wika niya habang tinuturo niya ang sarili niya.
"Gagawin ko?" tamad kong tanong kay Kuya
Nakita ko kung paano umawang ang bibig niya dahil sa narinig niya sa akin. Kung paano lumaki ang mga mata niya dahil sa akin.
"Natututo ka na ng ganyan, nahahawa ka na kay Edward," reklamo niya sa akin.
Nagkibit balikat na lamang ako sa kanya at naglakad papunta sa CR. Malapit lang naman iyon dito sa kusina kaya mabilis rin akong makakabalik.
"Naku, Jhuliet," dagdag niya.
Saglit na tumingin sa taas ang mata ko habang nakatalikod na ako sa kanya.
"Naku, Kuya," panggagaya ko sa kanya.
My brother can be childish sometimes. Kaya nagtataka ako kung paano natiis ni Ate Celline si Kuya. My brother is kind and also funny to be with. But just like Kuya Edward, sometimes he can be annoying, childish, to the point that you want to throw him in another planet far away from you.
BINABASA MO ANG
Waiting for Love
Teen FictionARTISTRY SERIES #1 Jhuliet Akira Bautista follows her brother's footsteps to pursue their dream and not be a doctor like their parents. A girl that has a dream to be a painter. A dream about holding a paintbrush on her right hand not a scalpel nor a...