Highschool Years 3

86 0 0
                                    

HEY GUYS THIS IS IN TAGALOG AND STILL NEED TRANSLATING SO SKIP THIS CHAPTER IF YOU WANT  

Humiga ako sa aking kama, at tinitigan ko ang dingding, mga 4 years na ang nakaraan nung naging best friends kami ni Quinn, at last month ko lang napansin na may gusto pala ako sakanya. Uhhhhhh bad trip talaga oh, Inlove na ako sa kanya, magagalit sa akin si Rohan. Twing nakikita ko si Quinn bigla bigla lng ako napapangiti kaya nahihirapan ako itago ito sa kanilang tatlo.

Ngunit inaamin ko na may gusto parin ako kay Chan, at ang mas nakakainis pa ay parang nagugustohan ka narin si Lean UUUUHHHHHHH, kainis. Kinuha ko yung cellphone ko at nag pasya akong i text silang tatlo.

To Tol, Ading at Lean

"Good night!! Hi busy ka ba? chat tayo?"

Mga ilang minuto lng ang lumipas at may narinig akong tatlong *Ding*

:New messege from Tol, Ading, Lean:

"Sorry Tol, may Homework pa ako eh" Awwts naman oh

"Sorry kuya pagod na ako eh, Bukas nalang okey" Awwts naman oh, pati si Chan wala

"Kevin, matutulog na ako eh, punta tayo sa field bukas kung gusto mo" Waaah naman bakit busy silang tatlo

Nagpasya sana akong itext si Rohan pero puro laro naman ang mga pag uusapan namin, hay nako.

Binato ko yung cellphone ko sa ulo ng kama ko at nag pasya ako matulog, ngunit lumalangoy sila Chan, Quinn at Lean sa loob ng ulo ko at di tuloy ako makatulog.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Oy dude, kanina kapa walang imik ah" na tauhan ako nung sinabi nya yun, kanina pa pala tulala.

"Wala wala, haha may iniisip lang ako" Yun ang excuse ko sa twing wala akong maisip na iba.

"Hay nako ewan ko sayo"

Mga ilang minuto ang lumipas ay dumating sila Quin at Chan galing cantene, bitbit ang mga inorder namin lunch, Sila man ang bumili ngunit pera naman namin ni Rohan ang ginamit nila, Hay nako. Mga 15 minutes ang lumipas ng bigla kong naalala yung text ni Lean, na mag kikita daw kami sa feild, agad agad kong isinaksak ang mga Pagkain ko sa bag ko at tumakbo papunta field, Tulala sila Tol at Ading, ngunit si Rohan ay tumawa lng.

Nung naabot ko na yung field namin ay agad ko hinanap si Lean, ngunit nahirapan ako dahil wala syang sinabi kung san sya uupo, mga ilang minutong pag lilibot ay nahanap ko sya nakaupo sa isang picnic table mag isa lang at nakayuko, umiiyak ba sya? Nung ni lapitan ko napansin ko na hindi sya umiiyak, ngunit blanko ang expression nya, nag pasya lng akong umupo sa tabi nya.

"Lean" Nung narinig nya ako ay parang nabuhay sya, di ko alam kung paano i describe.

"Kala ko di kana darating" at niyakap nya ako, hugger pala si Lean

"Sorry, nag hang kami ng tropa ko, gusto mong makilala sila" dapat nga nuon ko pa nga pinakilala sya sakanila eh.

"umm, sige" huh bumalik sa pagiging mahiyain ulit si lean.

"Wait, kain ka muna baka kanina kapa gutom eh" at binigay ko yung Nova at Coke ko sakanya at halos inubos nya ulit yung pagkain ko, hinde ba to kumakain?

Nung na tapos si lean ay nag kwentuhan lang kami habang hinihintay yung susunod naming period, pakalipas ng kalahating oras napansin ko na naka tulog na pala si Lean, at naka sandal nlng sa mga balikat ko, ang ganda nya pala pag tulog, inocente, parang bata lang. Hinayaan ko nlng matulog si Lean ngunit di ko sya pwedeng samahan matulog, malapit na yung susunod na period na min at maraming maniac sa school, sa ngayon ako ang body guard nya.

TOL (Best friends Boy and Girl Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon