Andito na kami ngayon sa room. Monday ngayon so may flag ceremony. Ang iingay naman ng mga kaklase kong 'to. Tss. Para tuloy akong nasa palengke.
Habang nagkekwentuhan kami ng kung ano-ano nina Erica at Val, biglang lumapit sa'men ang dalawa kong kaklaseng babae, Kendra at Jacey ata ang pangalan ng mga 'to kung di ako nagkakamali.
"Hi girls!"-Yung Kendra ata?
"Hello Elizah! Ako ngapala si Jacey."-Jacey nga,Haha.
"Hello? Hehe"-Ako.
"Anong ginagawa nyo dito?"-Masungit na tanong ni Val kina Kendra at Jacey.
"Makikipag-hang up sa inyo. Masama ba??"-Tanong naman ni Kendra.
"OO! Masama! Baka kasi AGAWAN mo na naman ako!"-Val. She looks so irritated. Gosh! Mag-kaaway ba 'tong mga to?
"Agawan saan??? Oh? Don't tell me hindi ka pa rin nakaka-move on sa nangyari last school year? Haha."-Kendra. Oh? So mag-kaaway nga sila? Kaya pala hindi sila nagpapansinan. Ano naman kayang pinag-awayan ng dalawang 'to?
"P-p-pwede ba! Tigilan mo na'ko. At isa pa, I MOVED ON! Wala nang kaso sa'ken yung nangyari noon. Tss! As if namang may feelings ako kay---"
KRING,KRING,KRING.
Natigil ang pagsasalita ni Val kase biglang nag-ring yung bell.
"Oi girls! Tara na! Itigil nyo na yan! Ang tagal-tagal na ng issueng yan ah! Kalimutan nyo na yon!"-Erica habang hinihila ang laylayan ng damit ni Val at Kendra.
"Tss! Tara na nga! Elizah tara!"-Val habang hinihila ang kamay ko.
"Tara na?"-Aya ko kina Erica,Kendra at Jacey.
"Hehe. Sige."-Jacey habang nakangiti. Mukhang mabait 'to ah? Magkakasundo kami nito.
(Fast Forward)
Tapos na ang flag ceremony. Andito na ulit kami ngayon sa classroom. Buti nalang at naka-'TAO Mode' ang mga kaklase ko.
Habang nagkaklase si ma'am, napansin kong ang sama ng tingin ni Val kay Kendra. Bakit ba parang ang awkward ng feeling nila sa isa't-isa? Kinulbit at tinanong ko si Val kung bakit ang sama nya tumingin kay Kendra.
"Uy Val? Bakit ang sama ng tingin mo kay Kendra?"-Tanong ko.
"Ah? Eh. Anu ka ba! Ganito naman talaga ako kung makatingin. Masanay ka na."-Eh? Bakit ang defensive ata ng dating niya?
"Ah? Ganun ba? Hehe. Ok,sabi mo eh."-Sabi ko nalang kahit alam kong may ibang dahilan. Atsaka, as if namang pag nagtanong ako kung anong problema nila eh sasabihin niya. Ang sasabihin lang nun sa'ken ay wag kong isipin pa 'yon.
BINABASA MO ANG
The Wonder Girls and Their Dream Boys
Teen FictionThis story is all about love, affection, family, and friendship. Ang ilan po sa mga pangyayari dito ay 'TRUE-TO-LIFE', kaya po ang story na ito ay nakalagay sa 'Non-Fiction' Category but the other plot is Fiction,kaya nasa 'Teen Fiction' Category di...