-----------------------Kendra's POV
Pabitin naman 'tong buzzer na 'to oh. Sayang, ikekwento na sana ni Elizah 'yung date nila kahapon ng boyfriend niya. Pero,'di bale na, ikekwento naman niya mamaya. Nandito kami ngayon sa room, nakaupo sa kanya-kanya naming upuan. Si Elizah ang pinakamalayo since letter R pa siya, I mean 'yung apelyido niya. Si Val, medyo nasa unahan. Magka-line kami nina Jacey at Elizah,then solo si Val at Erica sa mga line nila. Wait, nasi-CR ako, makapagpasama nga kay Elizah.
"Elizah! Pssst. Uy, patawag naman kay Elizah."-Sabi ko sa katabi ko, tumango naman siya at kinulbit si Elizah.
"Oh? Bakit?"-Elizah
"Samahan mo naman akong mag-CR."-Sabi ko.
"Tara."-Pagkasabi niyan ni Elizah, tumayo na kami at nagpaalam kay ma'am.
Habang naglalakad kami, nagkwentuhan lang kami.
"Ngapala Kends, kamusta na 'yung crush mo? 'Yung si France?"-Sabi ni Elizah na ikinagulat ko.
"Uy Elizah! Ano ka ba, 'wag kang maingay. Baka may makarinig sa'yo! Bruha ka talaga."-Sabi ko habang tinatakpan ang bibig niya.
"asdfghjklqwertyuiop!"-Elizah.
"ARAYYYYYY!!"-Kagatin daw ba ang kamay ko.
"Hahaha. Sorry. ^_^v Ikaw kase eh. Oh My God! Speaking of the angel!"-Sabi niya habang halatang gulat at parang kinikilig? Nakatingin lang siya sa likod ko. Bakit kaya? Pag lingon ko, LECHUGAS,BARABAS,HESTAS!
"Elizah! Bilisan mo, baka maabutan pa niya tayo. Dali!"-Sabi ko kay Elizah habang hinihila siya. Buti na lang 5'6 ako at 5'2 lang si Elizah kaya mahaba ang bawat hakbang ko, bakit ba kasi ang liit nitong kaibigan ko? (AUTHOR : Lumamang ka lang ng 4 inches, maliit agad?)
"Bakit ka ba nagmamadali? Or should I ask, bakit mo INIIWASAN si asdfgh"-Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil tinakpan ko ulit ang bibig niya.
"Pwede ba Elizah? 'Wag kang maingay. Baka marinig ka ni.. alam mo na."-Sabi ko sa kanya habang tinatakpan pa rin ang bibig niya.
Binigyan naman niya ako ng 'Okay-tatahimik-na-look'. Pagka-bitaw ko sa bibig niya, eksaktong nasa likod na namin si France, as in half meter na. Biglang parang may mga kabayong nagru-running sa dibdib ko. This can't be.
"Hi France! Ikaw pala 'yan!"-Bumalik lang ako sa sarili ko ng biglang binati ni Elizah si France. Shemay ka Elizah! Humanda ka sa'kin mamaya.
"Hi! Haha. Yeah. Ako nga 'to. Bakit? Sinong akala mo?"-Tanong niya kay Elizah.
"Akala ko, ikaw 'yung CRUSH ni Kendra."-Hanudaw! Bwisit ka talaga Elizah! Ini-emphasize pa 'yung word na'Crush'. Why you're so madaldal! Kuritin ko nga sa tagiliran niya.
"Ouch!!"-Sabi ni Elizah sabay tingin sa'kin. Binigyan ko naman siya ng Death Glare. T_T
"Oh? Anong nangyari?"-Tanong ulit ni France.
"Ah wala. May kumagat lang na langgam sa may bewang ko."-Sagot na lang ni Elizah. Psh. 'Di ba napapansin ni France na nandito ako at kasama ni Elizah?
"Haha. OA mo naman. Ouch agad, langgam lang pala."-Sabi naman ni France sa kanya habang patawa-tawa pa. Napatingin naman siya sa'ken. Aba! Galing naman ng pandinig niya. Pati sinasabi ng isip ko narinig niya. O_o
"Hi Kendra."-Bati niya sa'ken habang naka-ngiti. Shemay, siomai! Ang gandang lalaki niya talaga. Nagtataka siguro kayo kung bakit 'Gandang Lalaki' ang tawag ko. Sabi kasi sa'men ng mama ni Elizah, which is Ma'am Roxas, ang 'Pogi' daw ay for dogs only, ang 'Gwapo' ay for horse only at ang pang humans daw ay 'Gandang Lalaki', that's why ganun ang tawag ko. After sabihin sa'men ni Ma'am Roxas 'yun, hindi na'ko tumatawag ng 'Pogi' at 'Gwapo' sa mga gwapong nilalang na nakikita ko. ^_^
"Hi daw Kendra!! Natulaley ka na diyan!"-Siko sa'ken ni Elizah.
"H-h-hi din."-Sabi ko habang nauutal-utal. Eh ikaw ba naman ang batiin ng CRUSH mo! MyGodddd! Feels like I'm laying on a thousand of cottons. Haha. Oweyyyy. -_-
"Bruha! Wag kang mautal. Masyado kang obvious girl."-Bulong sa'ken ni Elizah.
"By the way, where are you going girls?"-France asked.
"Ah? Sa CR."-Sagot ko.
"Oh? I see. Sige, maiwan ko na kayo. May kukunin pa'ko sa library eh. Bye. See you around."-Paalam sa'min ni France.
"Sure. Byeee!"-Paalam din namin ni Elizah.
'Yun si France. Ang crush ko dito sa school. Magandang lalaki siya, tan ang skin, chinito eyes, smiling face, pero hindi lang dahil sa image niya kaya ako nagka-gusto sa kanya, it's just because super close namin, lagi niya akong nginingitian at binabati. Napakabait at napaka-gentle man niya, masipag at matalino pa. 'Diba? Ano pa bang hahanapin ko? 'Yun nga lang, may iba daw gusto si France, kung sino man ang babaeng 'yon? Ang swerte naman niya 'pag nagkataon. Sana ako nalang 'yon.
"Oh? Elizah. Akala ko ba nawiwiwi ka? Go na girl. Lagot na tayo kay ma'am."-Sabi ni Elizah sa'ken. Hindi ko namalayang nasa loob na pala kami ng CR. Tsk! Dahil sa kakaisip sa taong gusto ko pero 'di ako gusto, nawawala ako sa sarili ko. Crush lang ba talaga 'to? SANA. -_-
"Oo nga. Sige, just wait for me here."-Sabi ko nalang.
Naglalakad nakami ngayon papunta sa room namin. Gravity! Almost 20 minutes ata kaming nasa labas. My Gulay! Lagot kami neto kay ma'am.
Pagpasok namin sa room....
"Bakit ngayon lang kayo!!"-Sabi ng dalawang bruha.
"Haist! Ano ba 'yan! Nakakabingi naman kayo Val at Eca!"-Iritadong sabi ko.
"Sorry naman. E bakit ba ang sungit mo?"-Tanong naman ni Val sa'ken. Nakitang kong biglang may ibinulong na naman si Elizah kay Val. Ang hilig atang bumulong ng babaeng 'to ngayon.
"Hoy Elizah! Anong ibinulong mo kay Valerie ha!"-Pagtataray ko kay Elizah.
"Ha? Sinabi ko lang na pagayahin niya'ko mamaya sa Quiz, kase diba? Hello? Almost 20 minutes tayong nasa labas, wala tayong alam sa new lesson."-Sabi naman niya.
"Oo nga Valerie?"-Tanong ko naman kay Val, for assurance lang naman.
"Ah. Oo, oo. Hehe."-Sagot naman ni Val.
"Hmm? Okay."-Sabi ko din.
"Sige, pasok na tayo."-Sabi naman ni Erica.
Pumasok na kami. Mapapagalitan na kami eh. Abuso sa oras. Psh! As if namang kawalan sa teacher namin, eh tamad rin naman magturo 'to. Tss. =_=
After the class, it's recess time. We already purchased the food we want. While we're eating, someone come near us. The moment I look for that person to see who is he or she, I was shocked because that person is France again. OhMyG! What to do?
"Hi Girls"-France greeted us.
"Hi!"-They said in chorus while I'm still shock.
"Pwede ba'kong maki-join sa inyo?"-Tanong niya.
"Sureee!"-Again. Sabay-sabay na naman sila. Uso sabayang pagbigkas?
"Thanks!"-France exclaimed.
"You're always welcome."-Out of nowhere, nasabi ko 'yan. What did I do? Baka kung anung isipin niya.
"You're always welcome daw France. Haha. So,anytime, you can join us here. Even your friends."-Sabi naman ni Elizah. Tsk. Lagot ako dito mamaya, aasarin na naman ako nito.
"Sige ba. Sabi niyo eh."-Sabi ni France habang nakangiti. Why so handsome?
Habang kumakain kami, nag-kwentuhan nalang kami ng kung ano-ano. Kesyo ang tamad raw ni Ma'am ****** mag-turo which is totoo naman. Hahaha. No need to mention, masyadong sensored. Huehue. Dejk lang. Basta, that's not even important for you guys to know who is she.
After ng mahabang kwentuhan. Nag-punta na kami sa room namin. Baka late na kami. Paktay. Buti na lang hindi pa. Haha. Umupo na kami sa kanya-kanya naming upuan para makinig na kay ma'am.
--------------------------
A/N : 'Yan muna ang UD for now. Enjoy reading! ^^
--------------------------
BINABASA MO ANG
The Wonder Girls and Their Dream Boys
Teen FictionThis story is all about love, affection, family, and friendship. Ang ilan po sa mga pangyayari dito ay 'TRUE-TO-LIFE', kaya po ang story na ito ay nakalagay sa 'Non-Fiction' Category but the other plot is Fiction,kaya nasa 'Teen Fiction' Category di...