Elizah and Bryle’s Chapter! <3 Enjoy ^_^
--------------
Elizah's POV
Sunday na ngayon. Ngayon din ang date namin ni Bryle. Ngayon lang din ulit kami magdedate simula nung huli naming pagkikita. Miss na miss ko na 'tong lalaking 'to. Haha ^_^ Nasa bahay ako ngayon, magpapaalam muna ako kay Mama na lalabas kami ni Bryle.
"Ma, pwede po ba akong lumabas kasama si Bryle?"-Tanong ko kay mama.
"Hmm? Kayo lang bang dalawa?"-Tanong din ni mama.
"Hindi po, may kasama pa po kami."-Sagot ko.
"Ah? O sige, sige. Basta 'wag kayong magpapagabi at 'wag kayong magsosolo ha!"-Paalala niya.
"Sige po ma! Salamat po! Hihi."-Sabi ko at binigyan siya ng power hug! Haha.
"O siya, sige, mag-ayos ka na ng sarili mo at baka malate ka sa lakad niyo. Masamang pinaghihintay ng matagal ang lalaki."-Sabi niya.
"Sige po mama. Salamat po talaga! Ligo na po ako."-Sabi ko at tinalikuran na siya.
Habang umaakyat ako sa hagdan, naisip kong itext si Bryle. Hindi ko kasi siya naitext kahapon kase, naubusan ako ng load. Hahaha. Lagot na naman ako ngayon dun. Obvious na galit siya kase niratrat na niya ako ng niratrat ng 'HOY ELIZAH!!!'. Ganan kase yun pag galit, nangraratrat. Haha. Nag-Smart Alert na nga ako sa kanya eh, nangratrat pa rin. Tss.
"Hoy Bryle!"-Text ko sa kanya. Tinriple send ko para sure na marereceive niya. After 10 minutes hindi pa rin nagrereply ang mokong!
"Hoy Bryle, alam kong galit ka at nagtatampo kase hindi kita naitext kahapon. Sorry na, naubusan kase ako ng load eh. Wag ka ng magalit. please? "-Text ko ulit.
"Hoy, pag hindi ka pa nag-reply, hindi ko sasabihin sa’yo ‘yung gusto kong sabihin sa’yo kahapon! “-Pangraratrat ko.
5 minutes....
7 minutes....
10 minutes....
Wala ba talaga ‘tong balak mag-reply? Aba’y kung wala, bahala siya! Pataasan kami ng pride ngayon! >_<
‘Di ko na siya kinulit at dumiretso na sa banyo. Hmmp! Bahala talaga siya, nakakainis. Nag-Smart Alert naman ako sa kanya eh. Nakakainis talaga siya! Tss.
Nagsisimula na’kong mag-hubad ng damit para makapag-simula na’kong maligo ng biglang nag-ring ang phone ko.
The sun goes down
The stars come out
BINABASA MO ANG
The Wonder Girls and Their Dream Boys
Teen FictionThis story is all about love, affection, family, and friendship. Ang ilan po sa mga pangyayari dito ay 'TRUE-TO-LIFE', kaya po ang story na ito ay nakalagay sa 'Non-Fiction' Category but the other plot is Fiction,kaya nasa 'Teen Fiction' Category di...