----------
Erica's POV
Tinatanong kami ngayon ni Elizah tungkol kay Val at Kendra. Tsk. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Hindi ako nagkamali sa naisip ko na magtatanong 'tong babaeng 'to tungkol dun sa dalawa.
"Girls? Can I ask you something?"-Tanong ni Elizah. Aba't english speaking.
"Oh? Tungkol saan?-Ako.
"Tungkol kina Kendra at Val? Bakit sila ganun magturingan? Parang ang init ng dugo ni Val kay Kendra?"-Sunod-sunod na tanong ni Elizah.
"Ah? Eh? Ih? Oh? Uh? Hehehe."-Jacey. Anong nangyare dito?
"Ano nga? Sabihin niyo na!"-Pasigaw na sabi ni Elizah.
"Hmm? Tsk. Sige na nga, ganito kasi yon, last year nung second year pa lang kami, may nagugustuhang 4th year si Val, then one day, niligawan siya nung 4th year nayon, si Wade Biscocho. Pumayag siyang magpaligaw kay Wade,hanggang sa naging sila, pero ang alam namin, hindi pa sila, kaya nanligaw yung isa nating classmate kay Val, si Jacob Nulledo. Umasa si Jacob na sasagutin siya ni Val kase nga diba? Hello? Pinayagan niyang manligaw si Jacob, so ang kinalabasan, parang pinaasa niya lang si Jacob. Sobra kayang nasaktan nun si Jacob. Teka,inom lang ako. Ikaw naman muna Jacey ang mag-kuwento!"-Sabi ko.Uhaw na kase ako eh.
"Tss. Di yun nga, nasaktan si Jacob. At dahil dun,nag-iba si Jacob. Parang naging pariwara na siya. Yung tipong wala na siyang pakialam sa studies niya,kung kani-kanino na siya bumabarkada. Then, one day, nalaman namin na may gusto si Kendra kay Jacob at nalaman din yun ni Val. Super close kase si Kendra at Jacob eh. Nagulat kami at hindi makapaniwala kay Val kase nagalit siya kay Kendra at umiyak. Ang dating ata kay Val eh MU na sina Kendra at Jacob,kahit hindi."-Jacey.
"Eh diba may boyfriend na non si Val? Bakit siya nasaktan,nagalit at umiyak?"-Tanong ni Elizah.
"Yon ang hindi namin alam? Kung bakit nga ba siya nasaktan, sabi namin, baka may feelings siya kay Jacob, pero wala naman daw at imposible kase mag-best friend sila."-Sabi ko. Magkakabarkada kase kami noon eh. NOON lang, pero simula nga nung nangyari yun, biglang nag-bago ang lahat.
"Eh? Ang labo naman pala ni Val eh."-Sabi naman ni Elizah habang naka-halumbaba at parang nag-iisip.
"Oo nga eh."-Pagsang-ayon naman ni Jacey.
"So close pala kayong apat dati? Magkaka-barkada kayo, then nagkawatak-watak kayo because of that issue?"-Elizah
"Yeah! You totally got it!"-Ako.
"Oh well? We need to do something para magkaayos na ulit kayong apat, especially Val and Kendra?"-Elizah.
"Oo nga. But how?"-Jacey.
"Hmm? Let me handle about this."-Elizah. Ano kayang plano nito?
"Anong gagawin mo?"-Tanong ko.
"I will talk to them."-Elizah.
BINABASA MO ANG
The Wonder Girls and Their Dream Boys
Teen FictionThis story is all about love, affection, family, and friendship. Ang ilan po sa mga pangyayari dito ay 'TRUE-TO-LIFE', kaya po ang story na ito ay nakalagay sa 'Non-Fiction' Category but the other plot is Fiction,kaya nasa 'Teen Fiction' Category di...