Chapter 22

1.5K 45 0
                                    

A/N: Salamat po sa pagbabasa nitong story ko. Sa nagflood vote, salamat hihi. Sa nagcomment din yiee! Thanks sa inyo! Ito na po.

AUTHOR'S POV

Isang taon.

Dalawang taon.

Tatlong taon.

Apat na taon.
Sa loob ng apat na taon, napakaraming nagbago.

Isa na doon si Zyrus.
Si Zyrus na dating makulit at masiyahin ay muling bumalik sa dating siya. Isang basagulero, cold at pasaway.

Sina Zheemuel, Meeziko, Mikko, at Kail ay para ding bula na biglang naglaho simula nung araw na nawala si Mezy.

Si Casper at Frexy? Nakakatawang isipin na hanggang ngayon sila pa din.   Nagmatured na sila at totoong mahal ni ang isa't-isa. Natuto na sila sa mga pagkakamali nila. Katunayan, naging mag-kaibigan silang tatlo, Si Frexy, Casper, at Zyrus.

Si Bea? Pagkatapos nilang maka-graduate ng high school dinala siya ng kanyang mga magulang sa Canada para doon mag-aral. Wala siyang ibang nagawa kundi ang pumayag.

At ang gang nina Frexy? Wala na din. Naisip nilang buwagin noong napagtanto nilang kabadoyan lang ang lahat nang 'yun.

At ngayon, Fourth year college na sila. Ilang buwan nalang gagraduate na din sila. Masaya ang lahat, maliban nalang sa KANYA.

"Psst oy, pare!" tawag ni Casper sa kaibigan nyang si Zyrus.

"Nakita mo si Frexy?" tanong niya ng hindi man lang siya nilingon ni Zyrus. 

"Patay na" malamig at wala sa sarili nyang sagot.

Kaya bigla siyang sinapak ni Casper.

"Sira-ulo ka pare! 'wag ka ngang ganyan. Hindi nakakatuwa"
Alam ni Casper kung anong nararamdaman ngayon ni Zyrus. Kahit apat na taon na ang nagdaan, alam nyang hindi padin naghilom ang sugat sa puso ni Zyrus. Totoong naawa siya sa kaibigan pero napipikon din siya kung magbiro ng ganon si Zyrus.

"Tsk -.-" tanging lumabas sa bibig nya pagkatapos siyang sapakin ni Casper.

"Alam mo pare... " mahinahong simula ni Casper at umupo sa tabi ni Zyrus habang tinanaw ang mga naglalaro ng  soccer sa field.

"Bilang isang kapatid ni Mezy, nasasaktan din ako sa nangyare. Ang dami ko pang kasalanan sa kanya, gusto ko pa sanang bumawi pero huli na ang lahat. Hindi ko man lang nakita ang bangkay niya. Nung tinanong ko si Daddy kung saan dinala ang bangkay ni Mezy, hindi siya nagsasalita. Palagi siyang nakatulala at hawak-hawak ang picture ni Mezy. Minsa'y nagsasalita siya at sasabihing "Mezy anak. Ikaw pala 'yung nakita ko sa restaurant. Sorry anak. Patawarin mo si Daddy" tapos maya-maya, bigla nalang may tutulong luha sa mga mata nya. Aaminin kong noong una, galit na galit ako kay Mezy, sinisisi ko siya kung bakit palaging nag-aaway sina Mommy at Daddy. Gusto sanang makita ni Daddy si Mezy pero hindi pumayag si mommy. Ang palaging sinasabi ni mommy na kapag puntahan o makipag kita si daddy kay Mezy, makipag hiwalay siya kay Daddy. Kaya walang nagawa si daddy.

Gumawa ako ng paraan para makita kung sino 'yang Mezy na 'yan. Ilang buwan din ang natapos bago ko siya tuluyang nakilala.

Noong una ko siyang nakita, nag-aapoy kaagd ako sa galit pero pinipigilan ko lang. Kinaibigan ko siya, niligawan pero hindi ko sinabing magkapatid lang kami. Gusto ko siyang masaktan ng wagas noon. Gusto kong iiyak siya at magdusa.

Oo, alam kong napaka walang kwenta kong kapatid. Alam ko 'yun. At ngayon pinagsisihan ko na ang nagawa ko sa kanya. Totoong nagsisi ako.

Kung pwede ka lang sanang maibalik ang nakaraan, ginawa ko na"
Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya habang nagkukwento kung gaano siya ka walang kwentang kapatid.

"B-akit Gray ang last name niya?" nanatiling malamig ang boses ni Zyrus.

"A-h. Noong una nagtataka din ako. Si daddy ay Relondo at ako din. Si tita Alizon ay Goh at ganon din si Mikko. Nagtaka ako, bakit hindi Relondo o Goh ang last name na ginamit niya.
Napagtanto ko na si tita Alizon ay Alizon Gray Goh pala. Middle name pala ni tita ang dinala niya. Kung sabagay, hindi naman siya pewedeng gumamit ng Goh dahil hindi naman siya anak ng daddy ni Mikko"

Mahaba niyang paliwanag. Tumango lang si Zyrus at nanatiling tahimik.

Maya-maya'y

"HONEY!!" malakas na tawag ni Frexy sa kanyang nobyo.

Napalingon naman kaagad si Casper na nakangiti

"Honey! Halika ka dito. Kanina pa kita hinahanap ah! Asan ka ba kasi nagsusuot?"

Malamig na nakatingin si Zyrus sa dalawa.

"Tsk -.-" react nya nang biglang hinalikan ni Frexy si Casper.

"Honey naman, alam mo namang may hindi pa nakamove-on dito. Sa bahay nalang natin itutuloy bwahahahaha" natatawang sabi sabi ni Casper at humiwalay sa halik.

"Psh -.-"
Yan lang ang lumabas sa bibig ni Zyrus at naglakad paalis.

"Oy teka lang Zyrus. Asan ka pupunta?" natatawang tanong ni Frexy at sinundan nila.

"Uuwi na -.-"

"Alam mo pare, pumayag kana kasing hanapan ka namin ng bago. 'yung tipong hindi mo na siya maalala"

"No thanks"

"Okay sabi mo eh!"
Naglakad silang tatlo palabas ng campus. Nauna si Zyrus at nakasunod naman ang dalawang naglalandian habang naglalakad.

Naiirita na si Zyrus sa dalawa.

"Will you stop---"
Naputol ang sinasabi ni Zyrus ng may nakita siyang isang napakapamilyar na babae. Ang mahal niya.

"M-ezy?" bulong nya sa kanyang sarili at natulalang pinag masdan ang nakatalikod na babae.

"W-ag ka ngang magbiro ng ganyan Zyrus. Kahit inaway ko noon si Mezy, nagbago na naman ako eh. Alam nating lahat na patay na siya" kinakabahang sabi ni Frexy. Dahil baka multo ni Mezy ang nakita ni Zyrus.

"T-eka nga lang pare, kumain ka ba kanina?" maski si Casper kinakabahan din.

"Buhay si Mezy. Buhay ang mahal ko"
Parang baliw na sabi Ni Zyrus sa kanyang sarili.

Mas lalong kinabahan at nagtaka ang dalawa sa inasta ng kaibigan nila.

"A-san ba yung sinasabi mong si M-ezy?" tanong ni Casper at tiningnan kung saan nakatingin si Zyrus.

Wala naman siyang nakitang Mezy. Inilibot pa niya ang kanyang tingin pero wala talagang Mezy.

Naisip nya na hindi kaya baliw na ang kanyang kaibigan? Ganon din ang nasa-isip ni Frexy.

"Oy pare!"
"Zyrus! Saan ka pupunta?"
Nagpatuloy lang sa paglalakad si Zyrus at hindi pinapansin ang dalawa.

Habang ang dalawa naman niyang kaibigan, nanaliti lang nakatayo at pinagmasdan bawat galaw niya.

Nakita nilang papunta siya sa isang babaeng nakatalikod sa pwesto nila.

Hinawakan ni Zyrus ang balikat nung babae na naging sanhi para mapalingon ito sa pwesto nila.

Mas lalong nagulat ang dalawa sa nakita.

Mas lalo silang kinabahan.

.
.
.
.

"B-aliw na ba ang kaibigan natin?" nauutal na tanong Frexy.

" 'wag naman sana"

Ang babaeng pinuntahan ni Zyrus ay hindi si Mezy.

"Bakit?" nakangiting tanong nong babae.

Matinding disappointment ang naramdaman ni Zyrus.

Walang lumabas na salita sa bibig ni Zyrus at iniwan ang babaeng nagtataka.

Sobrang naawa ang dalawa sa kanilang kaibigan.

Hindi pa rin pala talaga ito naka move-on matapos ang apat na taon.

Patuloy parin itong nasasaktan hanggang ngayon.

"Zyrus! Sandali!"

--------------------------
A/N: Patay na nga ba talaga si Mezy? Oras na ba talaga para kalimutan na siya ng tuluyan ni Zyrus?


My Cold-Hearted Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon