MEZY'S POV
Nasa clinic ako ngayon, nakikinig sa mga pinagsasabi nila.
"Akala ko kung ano nang nangyare sayo Mezy babe! Sobra akong nag-alala. Kain-kain ka din kasi minsan para hindi ka magkasakit"
Seryosong giit ni Meez."Mezy, bawal ka nang magpalipas ng gutom okay? Ingatan mo naman ang sarili mo!" si kuya.
Nandito silang lima. Si kuya, kail, Meez, Zhee at Zyrus.Palihim akong napatawa ng mapait.
Ha-ha.Kanina palang sa classroom, hilong-hilo na ako. Nasusuka na din ako kaya dali-dali akong pumunta ng cr.
Paglabas ko, sinugod agad ako nung babae. Malay ko kung anong pangalan. Di ako interesado -.-Salita siya ng salita di ko naman naiintindihan kaya naglakad ako paalis. Mukhang napikon ata kaya sinaktan ako.
Psh. Di naman masakit yung sabunot at sampal nya. Mas masakit ang ulo ko nun.
Ewan ko na kung anong nangyare pagkatapos -.- pagising ko nasa clinic na ako kasama ang mga unggoy.
Ang sabi daw ng nurse, nalipasan lang daw ako ng gutom.
Psh. Kaya napatawa ako ng mapait.
Palagi naman kasi akong kumakain. Ha-ha.----
Pumasok na silang lahat sa kanilang klase at naiwan akong mag-isa. Gusto pa sanang magpa-iwan ni Zyrus at Meez pero hindi ako pumayag. Kaya ko na ang sarili ko -.-"Salamat" malamig kong sabi sa nurse.
"W-elcome" nauutal nyang sabi at umalis.
Mabuti nalang masunurin ang nurse na yun.
Sinabi ko sa kanya na wag sabihin kila kuya ang totoong nangyare sa akin.
Umalis ako ng clinic nang walang nakakakita. At umuwi nang bahay.
Pagdating ko ng bahay naabutan ko si Mommy na pababa ng hagdanan.
"Oh anak! Bakit ang aga mo naman ata?" nagtataka nyang tanong.
"Saan kayo pupunta?" tanong ko imbis na sagutin siya.
Parang nagdalawang isip pa siya kung sasagutin nya ba ako o hindi.
Kapag tinatanong ko siya kung saan siya pupunta, sasagutin nya naman kaagad ako ng walang pag-aalinlangan."Pupuntahan mo ba 'siya'?" inunahan ko na siya sa pagsasalita.
Hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Kaya alam kong tama nga ang hinala ko.
"Sasama ako" malamig kong sabi sa kanya.
"H-indi pwede Mezy" natataranta nyang giit.
"Sasama ako mommy"
Sa huli, wala siyang nagawa kundi ang pasamahin ako.
Kotse ko ang sinakyan namin. Ako na din ang nagdrive.
Habang papunta kami kung saan sila magkikita, hindi mapakali si mommy.
Bakit mas kinabahan pa siya kaysa sakin? Psh"Mi" tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin at nginitian ako ng pilit.
"Sigurado ka ba talaga sa gagawin mo Mezy?"
Psh. Hindi ko nalang siya sinagot at nagpatuloy sa pagmamaniho.Maya-may
"We're here" seryoso kong sabi sa kanya.
"Mezy, pwede ka pa namang hindi tumulo--"
Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at nauna nang lumabas.
Pinagbuksan ko siya ng pinto at bumaba naman siya suot ang kanyang mukhang hindi mahitsura.
Pinagmasdan ko ang lugar kung saan sila magkikita.
Isang restaurant. Hindi naman gaano ka ganda at ilegante ang lugar na ito. Sakto lang.
Pagpasok namin, sinalubong kami ng isang lalake na mukhang nagtatrabaho ata dito.
"Goodafternoon ma'am. Table for two ma'am?"
"No. No. Doon sa table na Mr. Relondo"
"May I know your name ma'am?" magalang nyang tanong kay mommy. Habang nag-uusap sila, patingin tingin sa loob ng restaurant.
Binabawi ko na yung sinabi kong sakto lang ang lugar na ito. Dahil maganda talaga siya. Sobrang ilegante din ng mga tao. Halatang mga bigtime.
"Alizon Goh"
"Kayo po yung hinihintay nya. Please follow me po"
Ginuide nya kami hanggang sa makarating kami sa table ng isang lalaking nalatalikod sa amin.
"We're here ma'am" pagkatapos nyang sabihin yun, umalis na din siya kaagad.
"G-regor" nauutal na tawag sa kanya ni mommy.
Lumingon naman siya sa amin.
"Alizon! Andiyan kana pala. Upo ka. Teka, sino yang kasama mo?"
Tiningnan nya ako, hindi, tinitigan habang nakanunot ang noo.
Tumingin naman si mommy sa akin na hindi makapagsalita.
"Pamangkin nya" malamig kong sabi. Hindi pa pwedeng malaman nya. Hindi pa pwedeng malaman niya na ANAK niya ako.
Ganito pala ang pakiramdam kapag makaharap mo na ang AMA mo.
Namangha ako sa sarili ko kasi may nararamdaman pa pala ako? Akala ko kasi wala na akong ganon.
Halu-halo ang nararamdaman ko ngayon. Mga nararamdaman na hindi ko pa nararamdaman noon.
"Pamangkin mo pala ito Alizon? Bakit mo naman siya naisama?"
"Ah, a-no kasi... "
"Hinatid ko lang siya dito. Labas na ako tita" malamig kong paalam at dali-daling umalis.
Paglabas ko diretso akong sumakay ng kotse habang pinupunasan ng marahas ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko.
Akala ko kakayanin ko.
Pero hindi pala.
Hindi ko pa kayang harapin ang pinaka walang kwentang tao sa mundo.
Baka ano pang masabi at magawa ko. Baka hindi ko mapigilan ang sirili ko.
Pinaharurot ko ang kotse at pumunta sa lugar na hindi ko din alam.
Gusto ko siyang bugbogin. Gusto ko siyang murahin. Gusto ko siyang saktan. At gusto kong ipakita sa kanya kung gaano siya kawalang kwentang tao.
Gusto kong maramdaman nya din kung anong nararamdaman ko.
Hindi ko napansin na patuloy lang pala sa pag-agos ang mga luha ko.
Hininto ko ang kotse at lumabas.
Walang ka tao-tao sa lugar na ito. Bagay na bagay sa mga taong nag-iisa.
Tumakbo ako ng tumakbo habang patuloy ang mga luha sa pag-agos.
Napahinto ako dahil hirap na hirap akong huminga.
"AARRRRGGHHHHHHH!" Hindi ko na mapigilang mapasigaw.
Sobrang bigat na sa pakiramdam.
Wala na akong paki-alam kung anong hitsura ko ngayon. Ang mahalaga maipalabas ko 'tong sakit na nararamdaman ko.
Sigaw lang ako ng sigaw hanggang sumikip na ng tuluyan ang dibdib ko. Hirap na hirap na akong huminga.
Hirap na hirap na din akong mabuhay.
Hilong-hilo na din ako at may lumalabas ng dugo sa ilong ko.
Bago ako tuluyang bumagsak sa lupa, napangiti ako ng mapait.
Sana nga mamatay nalang ako.
-------------------
BINABASA MO ANG
My Cold-Hearted Girlfriend
Fiksi RemajaPaano kung ang isang makulit na lalaki ay magkaroon ng cold na girlfriend? Magkaka-isa kaya sila, kahit magkaiba ng ugali? Totoo kaya ang kanilang pagmamahal na ipinapakita sa isa't-isa? Paano kung pareho silang may sekretong na hindi sinasabi sa...