Chapter 29

1.4K 48 0
                                    

MEZY'S POV

"Hey" mahina kong tawag sa kanila at sinubukang bumangon but my body didn't cooperate. Argh -.-

"M-ezy, 'wag ka munang bumangon. Baka ma pano ka pa" nag-alalang tugon ni kuya at tinulungan akong makahiga ulit.

"What happened?" tanong ko sa kanila. Saka, bakit ang dami naman ata nila?

Kuya Mikko, Kail, Meez, Zhee, Casper, Frexy.

Bakit wala si Zyrus?

"Hindi mo naalala?" halos magkasabay nilang tanong.

"Naalala ko kaya nga ako nagtatanong kasi naalala ko -.-" sarkastiko kong sabi. Nyare people?

"Hindi ka na nga cold Mezy babe, pilosopo naman" natatawang sabi ni Meez na naka-upo.

"Nahimatay ka kanina sa school, Mezy" seryosong sabi ni Frexy.  Napatingin ako kay Frexy at dahil magkatabi sila ni Casper napatingin din ako sa kanya.

Nahimatay na naman ako -.-
Hindi naman ito bago sa akin.

Casper. K-uya Casper ha-ha. Awkward.

"Nahihilo ako" nakasimangot kong anunsyo.

Naging alerto naman silang lahat.

"Mezy, ayos ka lang?"
"Anong masakit sa'yo Mezy?
"Jusko!"
"Teka, tatawag na ako ng Doctor!"

"OA nyo ah" mas lalo akong napasimangot.

"EH?" react nila

"Nahihilo ako sa pagmumukha nyo. Ang dami nyo eh"

"Ouch! Mezy babe naman, ayaw mo ba kaming makasama? Huhu katampo ka naman!"

-.-

"Si Zyrus?" pangdedeadma ko kay Meez.

Magsasalita na sana si kuya...

Kuya Mikko nang may kumatok sa pinto.

Pinagbuksan naman ito kaagad ni Casper. Well, kuya Casper.

"Hello, Mezy" nakangiting bungad nya sa amin. At nginitian din ang ibang tao na nandito sa loob.

"Boys, can you leave us for a while? Ow, may isa pa palang babae. Can you leave us, guys? May sasabihin lang ako kay Mezy" katulad kanina, nakangiti pa rin ito habang nagsasalita.

Isa-isa silang nagpa-alam sa akin at tuluyang lumabas ng room ko.

Nang tuluyan na silang makalabas lahat, lumingon si doc Villawer sa akin na nakangiti pa rin.

Psh!

"Stop it doc. Diretsohin mo ako. Hanggang kilan nalang ba ako mabubuhay?" malamig kong tanong sa kanya. At ang dating nakangiting mukha napalitan ng sobrang seryoso.

I knew it.

Hindi kaagad siya nakapagsalita kaya napatawa nalang ako ng mapait.

Hindi ako naniniwala sa doctor ko noon na may limang buwan pang natitira sa buhay ko.

Iniisip ko araw-araw na mamamatay na ako.

Araw-araw.

Hindi ko namalayan na may tumutulong luha na pala sa mga pisnge ko.

Tiningnan ko siya nang may halong pait.

"Tell me, doc. Ilang araw nalang ba? Ha?" pasigaw kong giit at marahas na pinupunasan ang mga luha pero patuloy pa rin ito sa pag-agos.

"M-ezy... "

"Don't you dare lie to me" malamig kong utos.

Pailing-iling siyang tumingin sa akin.

"Mezy, hindi ako Diyos para sabihin kung hanggang kilan ka nalang mabubuha---"

"Gaano na kalala ang sakit ko?"

Ilang minuto din ang hinintay ko bago siya nagsalita.

"Malala na" mahina nyang sabi at tiningnan ako ng may halong pag-alala at awa.

Napatango nalang ako sabay tawa.

Bakit ganon? Tanggap ko naman na kahit anong oras pwede akong mamatay, pero bakit ngayon...

Ang sakit?

Ang bigat sa kalooban.

Ayaw kong tanggapin eh.

Pero kailangan.

Sige, tatanggapin ko.

"Mezy, walang impossible sa Panginoon. Sana 'wag kang mawawalan ng pag-asang mabuhay. Bilang isang doctor, gagawin ko ang lahat para matulungan at gumaling ka. Ang kailangan mo namang gawin ay ang mag dasal. 'wag kang hihinto sa pagdasal, Mezy. Because prayer is very powerful. Have faith in Him"

At umalis siya.

Tuluyan na akong napahagulgol.

Ang sakit.

Bakit ako pa?

"ARGHHHH!!"

Ang sama sa pakiramdam. Gusto ko ng sumuko pero hindi pwede, alang alang sa mga taong nagmamahal sa akin. Kailangan kong maging malakas.
Kahit sobrang hirap.

"Hello" malungkot na tinig ang narinig ko.

Bago ako lumingon sa nagsasalita. Pinupunasan pa muna ang mga luha ko.

"Z-yrus"

Kahit anong pilit kong hindi umiyak, hindi ko talaga mapigilan.

Nagsimula na naman akong humikbi.

Mahigpit nya akong niyakap.

At tuluyan na akong nawalan ng lakas.

"Malakas ka Mezy. Naniniwala kami sa'yo. Si Mezy ka eh. Walang hindi mo kakayanin"

"Hindi, Zyrus. Hindi ko hawak ang buhay ko. Hindi natin alam kung kilan at saan ako pwedeng mamat--"

"Mezy, nothing is impossible"

Bakit ganon nalang palagi?

Bakit lahat sila sinasabihing walang impossible?

Nothing is impossible.

Tama walang impossible. Kaya hindi rin impossibling ngayon mismo, pwede na akong...

Mamatay.

"Hey, stop crying okay? Nandito naman kami eh. Maraming nagmamahal sayo Mezy.

Sobrang dami" malumanay nyang sabi at mas lalo pang hinigpitan ang yakap.

How can I stop crying? Tell me!

"I love you so much, Mezy"

Humiwalay ako sa yakap at matapang siyang hinarap.

"Hindi ako susuko, Zyrus. Lalaban ako para sa'yo. Lalaban ako para sa inyo. Gagawin ko lahat ng makakaya ko para mabuhay. Kasi---"

"Shhh. Tahan na. Tahan na, please" naluluhang sambit ni Zyrus.

Nginitian ko siya at hinayaang tumulo ang mga luha bago nagsalita ulit.

"Kasi hindi ko kayo kayang iwan eh.
Mahal ko kayo.

Mahal na mahal"

------------------------------

My Cold-Hearted Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon