Zyrus Cris's POV
Sobrang daldal nitong kasama ko! Sa sobrang kadaldalan malapit na akong mabingi.
"Oy babe! Magsalita ka naman d'yan. Baka mapanis 'yang laway mo eh"
Well, nasa locker kami ngayon, nagdadate. Biro lang, syempre naglilinis kasi ito ang punishment namin hahahahaha
Maraming beses na kaming naguidance. Oo kami! Hahahaha imbes na si babe lang ang maguidance, sumama narin ako. Paano? Edi gumawa din ng kalukohan hahahahaha.
At ngayong ako naman ang maguidance, sinamahan ako ni babe.
Yieeee ang sweet n'ya talaga sa akin."Oy babe! Date tayo bukas ha" aya ko sa kanya. Kahit alam kong hindi naman siya papayag. May masabi lang hahahahaha
"K"
"Teka! You mean, papayag ka? Talaga babe? Talaga? Waaahhhh"
"Ayaw mo?" nako, grabe
tong si babe hehehe"Ano ba namang klaseng tanong 'yan babe! Syempre papayag" yessss! Sa wakas!
For one year naming MAG-ASAWA, hindi talaga kami nagdadate, kasi sabi ni babe kakornihan lang daw. Ang sweet kaya nun! Hmp!
Naisip ko palang na magdadate na kami parang gusto ko nang tumalon mula 100 floor. Yieee hahahaha
Alam kong kabaklaan ito pero anong magagawa ko? Ganon ako magmahal eh. I can't control myself anymore.
Matapos naming maglinis, pumunta na kami sa room para sa susunod na subject.
Pangiti-ngiti akong umupo sa aking upu-an.
"Mukhang papatay kana sa ngiti mong 'yan tol ah?"
"Hehehe"
"Sira-ulo ka tol"
"Sira na nga ata ulo ko. Hahaha"
Siya si Mikko. Utol ko. At isang dakilang panira ng moment.
"Inlove na inlove ka talaga no?" seryoso niyang tanong sabay upo sa upuan ni Mezy. Wala pa siya eh. May bibilhin lang daw. Ayaw naman akong pasamahin.
"Anong klaseng tanong 'yan tol hahaha oo naman. Mahal na mahal ko siya"
"Sana kapag darating ang panahon, hindi naman kabaliktaran ang mararamdaman mo"
Kilala ko siya bilang isang makulit na tao pero bakit ang seryoso naman ata niya ngayon? Porket nakatabi lang sa akin? Hahahaha ganon na ba talaga ako ka-guwapo?"Nakain mo ngayon tol? Ba't ganyan ka magsalita?"
"Binabalaan lang kita, 'wag kang masyadong magpakasaya ngayon dahil baka kung anong sayang nararamdaman mo ngayon, gan'yan din ang sakit na mararamdaman mo,soon. Geh tol, andyan na ang babe mo!"
Marami pa sana akong itatanong pero umalis na siya. Ang gulo n'yang kausap eh. Ewan ko sa kan'ya. Ang mahalaga masaya ako ngayon sa piling ng aking pinakamamahal.
"BABEE! Ang tagal mo ah! Saan ka ba kasi nanggaling?"
"Tabi-tabi lang" walang reaction n'yang sagot sabay upo sa tabi ko.
"Bebee! Excited na ako sa date natin! Waaahh!"
"-.-"
"Ano kayang pwedeng gawin natin? Manonood ng sine?"
"-.-"
"Ayaw mo? Hmm kung punta tayong amusement park?"
"-.-"
"Ayaw din. Kung kakain nalang tayo sa labas?"
"-.-"
"Ayaw pa din. Hmmmmm! Alam ko na!"
"What?"
"Gawa tayong baby!"
"ARAY KO NAMAN BABE! BAT MO NAMAN AKO SINAPAK? HUHU"
"Sira-ulo"
"Ayaw mo nun? Ang ganda kaya non! Tatlo na tayo pagnagkataon! Hahaha"
*sinapak*
"Pang-ilan mo na 'yan babe ah? Kakatampo kana. Palagi mo nalang akong sinasapak. Ang bad mo talaga"
"-.-"
"Minsan iniisip ko kung bingi ka ba talaga babe. Bat ayaw mong magsalita? Ayaw mo ba talaga akong maka-usap? Huhu"
"Drama mo"
"Sayo lang naman hehehe"
"Nakakakilig yun?-.-"
"Hindi ka kinilig?"
"Hindi"
"Ano bang puso meron ka?"
"Pusong saging"
"Joke yun babe?"
"Hindi"
"Ah. Akala ko nagjoke ka"
"-.-"
------
Nandito ako ngayon sa bahay. Naghahanda para sa date namin ni Mezy. Excited na ako! No one can stop us! Nyahahahahaha.
Pagkatapos kong iligo ang pabango, bumaba na ako at nagpa-alam kila mommy at daddy na may date ako.
Hindi naman sila tumutol kasi kapag ginanawa nila yun, nako, World war 3 tayo! Hahahahaha
Nagdoorbell ako sa bahay nila Mezy, mukhang ready na din siya dahil ang dali niyang nakalabas ng bahay.
"GOOD MORNING BABE! KISS NAMAN DYAN!"
"Sapak? Gusto mo?"
"Masarap yun babe hehehe?"
"Subukan natin?"
"Hahahaha alam kong gusto mo na talaga nating subukan 'YUN babe, pero may respeto ako sa'yo babe, hindi pa ito ang tamang oras para gawin natin yun. Sana maintindiham mo. Hintay ka lang babee"
"ARAY NAMAN BABE EH!"
"Abnormal-.-"
"Mahal mo naman"
"tsk"
----
Pumunta kaming mall. Pagpasok palang namin, pinagtinginan na kami ng mga kababaehan. Paano ba naman? Ang pogi ko daw kasi."Proud ka na naman sa sarili mo-.-?
Inilibot ko ang tingin ko para tingnan kung sinong tarantadong kinausap ng Mezy ko.
Pero wala naman akong nakita. Diretso lang ang kan'yang tingin.
"Sino kinaka-usap mo babe?"
" 'Yung ispirito -.-"
"Waahhh? May multo? Asan? Asan? Babee! Hide meee!"
"-.-"
" 'Di nga babe?!"
"Totoo"
"Talaga?"
"Oo"
"Waahhh! Ayaw ko na dito. Alis na tayo babee! Dali!"
Nagmamadali kong sabi sabay higit sa kan'ya.
"Takot ka sa multo?"
"Hindi"
"Oh?"
"Takot lang ako na baka pati multo magkakagusto sa'yo. Kaya dali na"
"Sira-ulo"
"Ang sira-ulo ay 'yang mga lalaki na kanina pa nakatingin sayo. Psh. Dagitin ko mga mata nila eh"
"-.-"
--------------
BINABASA MO ANG
My Cold-Hearted Girlfriend
Novela JuvenilPaano kung ang isang makulit na lalaki ay magkaroon ng cold na girlfriend? Magkaka-isa kaya sila, kahit magkaiba ng ugali? Totoo kaya ang kanilang pagmamahal na ipinapakita sa isa't-isa? Paano kung pareho silang may sekretong na hindi sinasabi sa...