Sa araw na iyon, lahat ng malalapit kay Mezy ay luhaan. Puno ng iyakan at pangungulila. Iba't-ibang tao, iisa ang nararamdaman.
Lahat nahihirapan tanggapin sapagkat parang nagkaroon bigla ng puwang sa kanilang puso.
Habang nag-iiyakan sila, biglang lumakas ang ihip ng hangin na siyang nagpapa-iyak lalo sa kanila.
Lumipas ang mga araw, linggo, buwan, at taon.
Hanggang lumipas ang limang taon.
Lahat ng kaibigan ni Mezy ay may kaniya-kaniyang buhay na rin. Si Meez ay may asawa't isang anak na na pinangalanang Mezy.
Si Zhee ay nagmamanage na ng isang companya.
Si Kail ay kasalukuyan na ring naninirahan sa Canada para doon magtrabaho.
Ang kuya niya na si Mikko ay nakapagpatayo na ng sariling bahay at asawa't anak nalang ang kulang.
At higit sa lahat, si Zyrus.
Akala niya noon, hindi niya kaya na mawala si Mezy ngunit nagkakamali siya.
Ngayong araw na ito, magkatulad sa petsa na namatay si Mezy, ito ang araw na magpapakasal si Zyrus.
Mahal na mahal niya si Mezy pero hanggang ala-ala nalang iyon. Kailangan niyang tanggapin na may mga bagay na hindi magtugma kung ano ang gugustuhin nating mangyari. Ang kailangan lang gawin ay ang tanggapin kung ano ang naging desisyon ng tadhana.
Masaya itong naghintay sa kaniyang magiging asawa habang sinasabi sa kaniyang utak ang katagang,
"May mga mahal tayo na hanggang ala-ala nalang."
Wakas
BINABASA MO ANG
My Cold-Hearted Girlfriend
Teen FictionPaano kung ang isang makulit na lalaki ay magkaroon ng cold na girlfriend? Magkaka-isa kaya sila, kahit magkaiba ng ugali? Totoo kaya ang kanilang pagmamahal na ipinapakita sa isa't-isa? Paano kung pareho silang may sekretong na hindi sinasabi sa...