Chapter 25

1.4K 44 0
                                    

ZYRUS CRIS' POV

A-kala ko wala na siya? Akala ko ba p-atay na siya? B-akit?

Nagsimula na ang klase pero ito parin ako, tulala.

Ayaw magproseso sa utak ko 'yong nakita ko.

Totoo ba talaga 'to? Walang halong biro?

Baka nag-hallucinate na naman ako?

Ang daming pumapasok na tanong sa isip ko.
Gusto kong manapak, gusto kong mag-wala, gusto kong sumigaw, gusto kong umiyak

Gusto kong lapitan siya at tanungin kung siya ba talaga 'to.

Alam kong ganon din ang nararamdaman ni Casper at Frexy ngayon. Pati na ang ibang estudyante na nakakakilala sa kanya.

Natapos ang dalawang subjects pero wala paring laman ang utak ko kundi ang babaeng naka-upo sa unahan na sobrang kamukha ni Mezy.

Recess na. Siya ang pinaka-unang lumabas. Sinundan naman siya ng tingin sa mga nakakakilala sa kanya.

Iniwan ko nang nakakalat ang gamit ko at dali-daling hinabol siya.

"Mez--- Miss! Hintay!"
Desperado na akong makilala siya.
Kung siya nga ba si Mezy.

Hindi siya lumingon at nagpatuloy lang sa paglalakad. Tumakbo na ako para maabutan siya.

"Miss" tawag ko sa kanya at hinawakan sa balikat.

Hindi ko alam pero nung lumingon siya ang lakas ng tibok ng puso ko.

Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko nung tiningnan nya ako sa mata.

"Me. Mez-- M-ezy"

Hindi ako pwedeng magkamali.

Siya si Mezy.
Siya 'yong dati kong minahal. Siya 'yong sinasabi nilang patay na.

"Bakit? -.-"

Tama ako. Siya nga si Mezy!

Walang lumabas na salita sa bibig ko. Titig na titig ako sa kanya habang dumadaloy ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

Hindi ko alam kung anong dapat kong sasabihin at gagawin.

Nanginginig akong tinitingnan siya.

All this time I thought she already died!

"Zyrus, honey!"

Alam kong si Reyza ang tumatawag sa pangalan ko. Pero hindi ko magawang linungin siya dahil ayaw kong mawala sa paningin ko Si Mezy.

Nagulat nalang ako nang biglang may yumakap sa akin.

"Honey, I called you so many tim---wait, why are you crying? A-nd who is she?"

Tinanggal ko ang yakap ni Reyza sa akin at direktang napatingin kay Mezy para magpaliwanag na sana nang magsalita siya.

"Honey?" malamig nyang tanong.

"No. It's not wha---" but Reyza cut my line

"Yes, He's my honey. And I'm his honey too. He's my boyfriend. Who are you? What did you do to my honey? Why did he cry? Answer me!!"

Napatingin ako kay Reyza. Honey? Boyfriend?

Nung nilingon ko ulit si Mezy, nakangisi siya.

"He cried because he's too happy to see me, again" 'yong nakangisi nyang mukha napalitan ng sobrang lamig at tuluyang umalis.

Hahabulin ko pa sana siya pero pinigilan ako ni Reyza kaya galit ko siyang nilingon.

"Why did you tell her that you're my girlfriend? Reyza, You. Are. Not. My. Girlfriend. " ano bang nakain nya?

"But, Zyrus--"

"No buts, Reyza. End of conversation. You are not mine, understand?"
Asar kong sabi sa kanya at nagsimula nang maglakad para sundan si Mezy.

"But, I love you Zyrus!"
Napatigil ako sa paglalakad at muling nilingon siya.

"W-hat?"

"I l-ove you, Zyrus!" ulit nya at nakita kong tumutulo na ang luha nya.

"Wala akong oras sa mga biro mo, Reyza. Stop that nonsense" mas lalo akong naasar sa inasal nya.

"I'm not joking! I am not, Zyrus. I'm madly in love with you"

Napasununot ako sa ulo buhok ko sa sobrang pagka-asar.

"Alam mo ba kung sino 'yong babaeng kaharap ko kanina?" galit kong tanong.

"Siya 'yong babaeng minahal ko, siya 'yong babaeng mahal ko at siya 'yong babaeng sinasabi kong, Mezy. Siya 'yon, Buhay pa siya. Buhay pa siya, Reyza. Kaya pwede ba lubayan mo na ako?"

"W-hat?" mas lalo siyang umiyak kaya pinagtinginan na kami ng ibang estudayante.

Tiningnan ko siya ng masama saka aalis na sana

"Hindi mo ba naalala Zyrus? Hindi mo ba naalala na nandon ako palagi sa tabi mo nung nanganga-ilangan ka ng masasandalan? Hindi mo ba naalala na ako ang palaging nasa tabi mo? Hindi mo rin ba naalala 'yong sinabi mo sa akin na nakamove-on kana sa kanya? Ha? Zyrus? Hindi mo ba naalala?" umiiyak nyang giit.

Napatigil ulit ako at napatawa ng mahina.

"Ikaw ba kamo ang nasasandalan ko? Haha nagpapatawa ka ba Reyza? Apat na taon na akong nagdusa bago ka dumating! Oo, aaminin ko na tinuring kitang kaibigan sa loob ng isang buwan, pero hanggang don lang 'yon! Sarili ko lang ang nasandalan ko noon Reyza! Wala kang alam. At 'yong sinasabi kong nakamove-on na ako? Oo, akala ko noon nakamove-on na ako, pero akala ko lang pala 'yon, kasi alam mo ba nung hiwakan ko siya kanina? Bumalik lahat ng ala-ala namin, Reyza. Doon ko napagtanto na hindi ko kayang makalimutan kung ano man ang meron sa amin noon. Doon ko nalaman na mahal ko pa siya, Reyza. Mahal na mahal"

Pagkatapos kong sabihin 'yon, tuluyan na akong umalis.
Alam kong umiiyak siya, pero wala nang ibang laman ang isip ko ngayon kundi si Mezy.
Ang mahanap si Mezy.

Lakad takbo ang ginawa ko para mahanap lang si Mezy pero ilang minuto na akong ganon, wala parin akong Mezy na natatagpuan.

Pagod na ako kakatakbo pero hindi ako susuko sa paghahanap sa kanya.

"Zyrus"

Nasa mini park ako nang may tumawag sa pangalan ko.

Medyo pamilyar ang boses nya kaya nilingon ko kaagad.

"Z-hee?" nauutal kong sabi sa pangalan nya.

"Yeah. It's me -.-"

Katulad ng dati, cold pa din siya.

"Ge, una na ako. May hahanapin lang"
Wala akong oras makipag-usap sa kanya ngayon. Ang kailangan ko ay si Mezy.

"Mezy" napatigil ako dahil binigkas nya ang pangalan ng mahal ko.

"Anong Mezy?" kunot noo kong tanong

"Hinahanap mo siya"

Minsan nakaka-inis ang pagiging cold at misteryoso nya. No, hindi minsan. MADALAS!

"Ah, oo nga, hinahanap ko siya. Kaya una na ako"

"Kaming lima, galing kaming states para sa mahalagang bagay. Doon din kami nag-aaral maliban kay Mezy. Home study siya. Matapos ang apat na taon, naki-usap siya sa amin na bumalik ng Pilipinas, para sayo. Mahalin mo siya ng buong puso para sa huli, hindi ka magsisi kung sakaling,

Mawala ulit siya"

Umalis siya at iniwan ako.

Anong ibig nyang sabihin?

Mawawala ulit?

----------------

A/N: Bakit kaya bumalik ulit si Mezy? Ano kayang ginawa nila sa states?💞😊

My Cold-Hearted Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon