"Mezy babeeee! Hehehe! Graduation na natin bukas! Excited na ako!"
Excited na sabi ni Zyrus sa kanyang kasintahan.Ngumiti si Mezy sa kanya bago nagsalita.
"Graduation nyo lang haha!" kahit nahihirapan, pilit pa rin itong ngumiti.
Dalawang buwan ang nakalipas simula nung araw na biglang huminto sa pagtibok ang puso nya. Isang buwan din siyang tulog.
Isang milagro ang nangyare sa buhay ni Mezy. Isang araw, nagising nalang siya. Hindi nila makakalimutan ang araw na nagising siya, kasi 'yun din ang kaarawan nya. What a coincidence, right?
"Ayos ka lang ba, Mezy?" may halong awa at pag-alalang tanong ni Zhee sa kanya.
Si Zhee, Meez, Zyrus, at Mezy lang ang nasa loob ng room nya.
"Oo, ayo---"
Hindi nya naituloy ang kanyang sinasabi nang akma itong magsusuka."Mezy babee!" tawag sa kanya ni Meez at agad naman nilang nilapitan ang dalaga.
"Mezy babe! Gusto mong pumunta ng CR?" nag-alalang tanong ni Meez sa kanya.
Ngumiti lang ito sabay tango.
Tinulungang makapaglakad ni Zhee at Zyrus ang dalaga samantalang si Meez naman ang nagdala ng dextrose.
Hindi mapaglakad ng maayos si Mezy dahil medyo lumaki at namamaga ang kanyang ankles.Nang makapasok na sila, doon, sumuka si Mezy.
Dugo na naman ang kanyang isinuka. Pink blood.
Matinding awa ang nararamdaman ng tatlong lalaki na kasama nya sa cr na 'yun.
Kung pwede nga lang sana nilang akohin ang sakit nang dalaga, matagal na nilang ginawa 'yun, ngunit hindi pwede eh.
Epekto nang sakit nya ang paglaki ng kanyang mga ankles, pagsusuka ng dugo, nahihirapang huminga at palaging napapagod.
Nagsilagasan na din ang kanyang mga buhok.
At ang payat na nya.
Acute heart failure really sucks.
---
Lumipas ang araw na 'yun at dumating na nga ang kanilang graduation day. Well, except for Mezy.Nasa hospital lang siya kasama ang kanyang mga magulang.
Paminsan minsan ay dumadalaw din ang kanyang tunay na ama pero palaging tulog ang dalaga tuwing dadating siya kaya nag-iwan nalang ito ng mga prutas at bulaklak.
"Anak, gising kana pala. Kumusta ang pakiramdam mo?" pilit ang ngiting lumalabas sa bibig ng kanyang ina.
Alam nang kanyang mommy kung anong hirap ang dinanas ng kanyang anak.Minsan ay palihim itong umiiyak.
"A-yos lang naman p-o" nakangiti nitong sagot.
"What do you want to eat, anak? Your daddy bring some fruits here" nakangiti namang anunsiyo ng kanyang papa na nagpangiti lalo kay Mezy.
Kahit hindi nya ito nakita na dumadalaw dito, masaya pa rin sya nang malaman na pumunta ito para dalawin siya. Okay na 'yun sa kanya.
"Busog pa po ako, pa" sagot ng dalaga.
Hindi na ito pinilit ng kanyang mommy at papa dahil maya-maya isusuka nya lang din naman 'yun.
"Sige, kung may kailangan ka, sabihin mo kaagad sa amin, anak ha?" tugon sa kanya ng kanyang ina.
Tumango lang siya sabay ngiti.
"Nga po pala, sila kuya po?"
Nagtinginan muna ang mag-asawa bago nila tiningnan si Mezy.
BINABASA MO ANG
My Cold-Hearted Girlfriend
Teen FictionPaano kung ang isang makulit na lalaki ay magkaroon ng cold na girlfriend? Magkaka-isa kaya sila, kahit magkaiba ng ugali? Totoo kaya ang kanilang pagmamahal na ipinapakita sa isa't-isa? Paano kung pareho silang may sekretong na hindi sinasabi sa...