ZYRUS' POV
"Anak, sigurado kana ba talaga?" nag-alalang tanong ni Mrs. Goh sa kanyang anak.
Ngumiti lang si Mezy at tumango.
"Tawagan mo kaagad kami, iho, kung may mangyare sa inyo don ha?"
"Opo, tito" nakangiti kong sagot sa papa ni Mezy.
"Mommy, daddy, aalis na po kami. 'wag po kayong mag-alala, babantayan po naming mabuti si Mezy" Si Mikko at napasimangot naman si Mezy.
"Hindi ako bata"
"Bata ka pa kaya, baby Mezy hahaha" natatawang sabi ni Mikko
"Oh sige na. Sige na. Basta mag-ingat kayo dun ha? Tawag kaagad kung ano man ang mangyare"
Nakangiting tugon ni tito."Mezy, anak, mag-ingat ka ha? Mahal na mahal ka namin ng papa mo. Hindi 'yun magbabago" naluluhang tugon ni tita.
"Ang drama mo mommy! Sige, alis na kami ni baby Mezy at Zyrus babe hahaha!"
Zyrus babe? Wtf? Sira-ulo talaga 'tong si Mikko. Ang sarap sapakin.
"Pfft. Mommy, 'wag po kayong mag-alala, makaka-uwi pa naman 'ata' ako haha"
Natatawang biro ni Mezy. And I hate her joke. Of course, makaka-uwi pa siya.
"Sige tita, tito, aalis na po kami"
Paalam ko sa kanila."Sige, ingat kayo"
Pagkatapos naming magpaalam, sumakay kaagad kami sa van. Tinulungan kong maka-sakay si Mezy at umupo sa tabi niya. Si Mikko naman ang nagdrive. Nasa may likuran naman namin ang mga gamit na kakailanganin namin.
"Okay na ba?" tanong ni Mikko at tiningnan kami sa mirror.
Tumango lang kami ni Mezy sinyales na okay na.
"Mukha akong driver nito" mahinang bulong ni Mikko na dinig naman namin ni Mezy.
"Driver ka naman talaga, kuya haha"
Pang-aasar lalo ni Mezy at mas lalong napasimangot si Mikko."Psh. Hindi na mamaya"
Ilang minuto ang lumipas, huminto kami sa isang bahay.
"Ang tagal nyo. Kanina pa ako naiinip kakahintay sa inyo" nakasimangot na giit ni Casper at deretsong sumakay sa van katabi ni Mikko.
"Mas tatagalan pa nga sana namin eh, para mas kalo ka pang mainip" pang-aasar ni Mikko.
"Psh. Oy Mezy, may dala ba kayong pagkain?" nakapout nitong tanong.
"Wala" pang-aasar ni Mezy. Magkapatid nga sila ni Mikko!
"WHAT? Hindi pa naman ako kumain kakahintay sa inyo!"
"So, sinasabi mo bang kasalanan namin kung bakit ka nagugutom ngayon?" singit ko sa kanila.
"Oo! Kasalanan nyo talaga!"
Pasigaw nitong sagot."Hindi namin 'yun kasalanan oy! Hahaha magdusa ka dyan"
May pagkain naman talaga kaming dala, trip lang talaga naming pagdusahin si Casper hahaha."Psh"
-
-
-
-"Hahaha andito na tayo mga pare. Zyrus babe, gisingin mo na si sleeping beauty!" si Mikko
"Zyrus babe? Pfft! Bakla ka Mikko? Hahaha!" si Casper
"Oo pare! Nakakabakla kasi itong si Zyrus babe. May plano nga akong agawin siya kay baby Mezy eh. Sekreto lang natin 'yun ha?" bulong nya kay Casper pero pasigaw naman.
BINABASA MO ANG
My Cold-Hearted Girlfriend
Teen FictionPaano kung ang isang makulit na lalaki ay magkaroon ng cold na girlfriend? Magkaka-isa kaya sila, kahit magkaiba ng ugali? Totoo kaya ang kanilang pagmamahal na ipinapakita sa isa't-isa? Paano kung pareho silang may sekretong na hindi sinasabi sa...