♣♣again?♣♣

7.7K 174 9
                                    

♣♣again?♣♣

Craig's POV:

dumating na kami sa headquarters at dumiretso sa may area nila Eron.

"where's the body?"

binuklat ni Eron yung cloth na nakatakip... At ang bumungad sakin.

Isang gutay gutay na katawan.

Napatakip ako ng bibig ko.

"COD?"

"may tama siya ng baril sa parehas niyang hita... But it's not the cause... Sharks killed him, nilapa siya."

"may suspe--"

"it's S."

sht. Wala talaga silang konsensya.

Sino ba namang mamamatay tao ang may konsensya?

"may iniwan ba sila?"

"yes, yung laging iniiwan ni S sa mga napapatay niya... A black rose."

parehas ng kay X, ang pinagkaiba lang, yung kay X, nilalagay niyang seal yun sa bawat letter niya.

Si S naman, nag-iiwan siya ng itim na rosas...

Lahat sila...

Puro itim na rosas ang palatandaan.

May sasabihin sana ako kay Eron ng nakita ko siyang, sinusuri ng maayos yung mga rosas.

At nung nakuntento na siya...

Naibagsak niya yung magnifying glass.

"bakit?" sabay naming tanong nila Matthew.

"w-wala... Aayusin ko lang 'tong katawan." at umalis na siya.

Mikayla's POV:

"good job sa inyong dalawa." sabi ni Beau samin ni S habang inaayos ang mga itim niyang rosas.

Beau used to like red roses, then, some says, an accident happened, kaya naging paborito nito ang itim na rosas.

Kaya yun ang pinangalan samin.

Black Rose.

"nahanap niyo na ba yung pinapahanap ko sa inyo?"

"not yet..."

"find it immediately, it's very precious to me." at saka niya ini-spray-an yung mga bulaklak.

Lumabas na kami ni S at dumiretso sa training ground.

Naabutan ko yung iba na nasa count to three area.

Art Of Assassination Trilogy (Book 1): Unveil [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon