♣♣death.♣♣

6.7K 141 6
                                    

♣♣death.♣♣

Jasmine's POV:

isang linggo na ang nakalipas, simula ng sinabihan ako ni Mikayla na hanapin yung mga files tungkol kay Medrino...

Pero hindi naman ako maka-tyempo, todo bantay kasi sila.

May nakita kasi silang isang server na nag-hack sa database namin, wala pa ngang nakakaalam kung sino eh.

"sa tingin mo Seraphine... Sino kaya yon?" umiling siya at sumagot.

"hindi ko din alam... Ang masasabi ko lang, napakagaling naman niya at nagawa niya yun..."

tama, napakagaling niya nga... Sa hirap ba naman ng security dito, nalampasan niya lahat ng shell at firewall.

That person must be great.

Kasi ang sabi nga ni Hans na siyang gumawa sa protection ng database namin...

Kung may makakahack samin... Siya lang ang pwede.

Ibig sabihin sobrang hirap.

Nagpaalam lang ako kay Seraphine na pupunta lang ako sa area ko...

My area is the gadgets area... Doon ginagawa yung mga weapons namin.

From field to investigation.

Yung field na tinutukoy ko is yung improvement ng mga handguns nila at pag-invent din namin ng mga bagong klase ng handguns...

And yung sa investigation naman is yung mga lie detector, and yung hypnotizing...

Ginagamit yun sa mga members na alam namin or sa pakiramdam namin ay may tinatago...

Or yung sa mga member na nagleak or kalaban pala...

As of now hindi pa naman namin siya nagagamit kasi lahat naman ng mga miyembro nito ay pinagdaanan muna ang isang mahigpit na security...

At kung ako man yung malaman nilang traydor...

Nakagawa na ako ng antidote don at iniinom ko siya since last week, para maagapan...

Para hindi ako maapektuhan masyado.

Pagdating ko sa area ko, binati nila ako kaga; tinanguan ko lang sila at dumiretso na sa office ko...

Pagpasok ko don agad na naupo ako sa swivel chair ko at pinanood sila habang ginagawa ang mga trabaho nila.

Tinanggal ko ang atensyon ko sa kanila at ibinaling sa drawer ko...

Dahan dahan ko iyong binuksan at nilabas yung baril na binigay sakin ni Beau...

May nakaukit don...

Snow at isang rosas...

Oo nga pala... Ang pangalan namin ni Sam--Glacee ay magkatugma...

Parehas na ibig sabihin ay coldness...

Dapat daw kasi, wala kaming maramdaman na kahit anong awa sa taong, dapat naming patayin.

We should only feel...

Coldness towards them...

Ibinalik ko yung baril at napansin naman yung mga files na tinago ko...

Yung tungkol sa diamonds at sa fingerprint...

'i remember my father, giving one rose-ct diamond to my mother.'

naalala ko nanaman yung sinabi ni Matthew...

Posible kayang... Imposible.

Imposibleng magkaron ng ugnayan si Margarette sa nanay ni Matthew.

Art Of Assassination Trilogy (Book 1): Unveil [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon