♣♣Seraphine.♣♣
X' POV:
nang matapos kong kausapin si Samantha, dumiretso kagad ako kay Beau and confront her.
"bakit mo hinayaan si Sam na sumabak don? You should've told me na ilalagay mo na siya dun sa mission na yon! And besides she's not yet ready!"
matalim na tinignan ako ni Beau dahil sa pagtaas ng boses ko... Pero wala na akong pake! Si Sam yon... Kapatid na ang turing ko don.
"ini-inform kita tungkol don... But it seems like you're busy with something, kaya hindi na kita inabala pa."
napakagat ako sa labi ko at nahihiyang tumingin sa kanya...
"I'm looking for the truth Beau."
"then stop. Mapapahamak ka lang diyan."
"wala na akong pakielam... Ngayon pa't malapit na tong malaman... I'm close to the truth."
she looked at me with disbelief in her eyes... Pero agad naman itong bumalik sa malamig at patay niyang mga tingin.
"pag nalaman mo na ang totoo... Sana intindihin mo na lang kung bakit namin yun kailangan gawin."
itinaas niya yung kamay niya bago pa ako makapagtanong sa kanya... I sighed and leave the room.
umalis na ako ng Black Rose at sumakay ng sasakyan ko... I was driving for almost an half hour pero hindi ko naman alam kung saan ako pupunta... walang patutunguhan, basta ang alam ko lang, I really wanted to see Craig right now...
siya na lang kasi ang nag-iisang totoo sa akin...
pero kailangan ko pa din siyang iwan...
dahil hindi ako sigurado kung hanggang saan ko makakaya na makasama siya... kung hanggang saan niya makakaya na magsama kami.
tumigil yung sasakyan ko sa harap ng DC Hotel.. under this hotel is Craig's headquarters...
at sa di kalayuan nakita ko siyang masayang umiinom ng kape kasama ang mga kasamahan niya...
how I love that smile.
Jasmine's POV:
tumatakbo ako ngayon papuntang interrogating room... nahuli na kasi nila yung nag-hack sa data base namin... and I'm really curious to know who did that.
nang makarating ako sa interrogation room, napansin ko lahat sila ay mukhang dismayado.. bakit?
sumingit ako para makita kung sino ang nasa loob non at nagulat ako na siya ang nandon...
nakatali ang dalawa niyang kamay at naka-kadena naman yung mga paa niya... nasa harap niya si kuya Craig at si Hans na galit na galit, hindi dahil sa galit siya sa kanya kundi dahil nagawa niyang i-crack ang code na ginawa ni Hans...
napagawi ang tingin niya sakin at ngumisi...
hindi ako makapaniwala...
si Seraphine. isang kalaban...
"why did you do it?" tanong ni kuya Craig...
nagkibit balikat lamang si Seraphine at nginitian siya... a sweet and innocent yet fierceful smile.
"hey beautiful lady, answer us... and who trained you? I can't wait to kill that person!" nanggalaiting sbai ni Hans.
nanatiling tahimik si Seraphine, hanggang sa naubusan na ata ng pasensya si kuya at pinalo na yung lamesa sa harap niya.
BINABASA MO ANG
Art Of Assassination Trilogy (Book 1): Unveil [UNDER REVISION]
AdventureArt of Assassination Trilogy #1: Unveil X's life is full of mystery. Who killed her mother? Why did they kill her mother? Maraming katanungan ang buhay niya na pilit niyang inaalam at sinasagot. Namuhay siya bilang isang assassin sa Black Rose, at y...