♣♣Mind game.♣♣

6.6K 144 6
                                    

♣♣Mind game.♣♣

X' POV:

pagdating ko ng ospital, lahat ng madaanan ko binabati ako.

It's my first day as a nurse. May kailangan kasi akong imbistagahan.

Papunta ako ngayon sa kwarto ng pasyente ko...

Si Paige Hendricx, isang cancer patient.

Isa siya sa mga mamamayan ng lugar kung saan, pinag-ekperimentuhan ng mayor nila ang mga tao para sa isang chemical na ginagawa nila.

Isa itong klase ng chemical, na kung hindi ka man mamatay, magkaka-cancer ka naman.

Just like the radiation na nangyari sa Japan nung WW II.

"hello Paige!" lumapit ako sa kanya at binigyan niya lang ako ng isang inosenteng ngiti.

How I wanted to kill those bastards.

Niyakap niya ako at inayang maglaro.

"you want to play? What game?"

"kahit ano po."

"how about chess?"

Craig's POV:

nandito kami ngayon sa opisina ni Dr. Gapasin.

He died because of poison...

Tinurukan siya ng kung anong chemical sa katawan niya...

Ang sabi ng pamilya niya, nakalagay daw to sa mga gamot na kailangan niyang iturok sa sarili niya every three hours.

"I'll search at the table." -Jasmine

"I'll go with the shelf." -Eron

at talagang iniwan sakin ang paghahanap ng ebidensya dito sa lapag at sa iba pang parte ng opisina.

Si Mr. Gapasin...

Nakita siyang patay sa lapag, beside his board games...

But why would he go there? Or why would the killer leave him on the floor?

Kasi kung ako yun, I'll better leave him sitting on his chair and position him like he was working.

Pero ang una ko lang napansin ay yung kanyang chess board.

All three white poons are align diagonally katapat ng tatlo ding black poons.

Isasantabi ko na sana yun nang may bigla akong napansin na nakaipit sa ilalim ng lamesitang pinaglalagyan nito...

Sinuot ko yung gloves ko at pinulot ito...

'change its position to unveil its secret code.'

tinry kong ikutin yung chess board, pero parang may nakaharang...

*sigh* i guess...

Naupo ako sa may couch at nagsimula ng laruin ito.

Yun mga pieces, naka-aline vertically, ang rules, kailangan mapagpalit mo sila ng position na ang move lang is padiretso, kung anong kulay. Nagawa ko na to dati pero, mahirap tandaan.

Nakalimutan ko na.

Ilang beses kong sinubukang pagpalitin ng pwesto, pero di ko talaga magawa.

"kuya... Ano yan?"

"i think this thing can open into some clues."

pinaalis ako ni Jas sa upuan ko at sila ni Eron ang naglaro.

And in just a few moves, natapos din nila.

Pero wala namang nangyari.

Maybe...

Sinubukan ko ulit ikutin yung chess board.

Then boom! It does.

At nung narinig nanamin yung click. May biglang bumukas na drawer sa pader.

Siguro yung bawat boxes ng chess may sensor, na may code or pattern na kailangang buuin para mabuksan yung secret drawer.

Pumunta kaming tatlo sa may drawer and may nakalagay na envelop don...

Binuksan namin at ang laman nito, pictures...

Pictures ng isang babae... Babaeng may hawak na syringe at tinuturukan ang isang pasyenta.

By the looks of the chemical, alam kong hindi yun gamot.

It's a blue colored chemical.

"look for this girl.."

***

pagdating namin sa headquarters, agad namin ini-scan yung picture ng babae at tinrace kung nasan siya, o kung saan siya nagtatrabaho.

Lumapit sakin si Eron at binigay ang isang files.

Binuklat ko ito...

"her name is Megan Lopez, nurse sa pinagtatrabahuhan dati ni Mr. Gapasin."

"address..."

"nandiyan na."

"ready the squat team. We're going to visit our favorite nurse."

***

nasa tapat na kami ngayon ng apartment ni Megan...

Ilang beses namin siyang kinatok sa loob pero walang sumasagot.

We don't have a choice. Sinenyasan ko yung isa sa squat team ko...

Dahan dahan silang pumunta sa tapat ng pinto at sinira ito.

At pagpasok na pagpasok namin, isang putok ng baril ang sumalubong samin.

Napatakbo ako sa loob at isang babaeng patay na nakahandusay sa lapag ang nakita ko.

Napatingin ako sa bintana...

Andun nga siya. She looked and winked at me.

"move! X is here!"

*end of chapter*

[author's note:]

sorry po kung super ikli, wala po kasi talaga akong masulat ngayon, sobra sobrang WB nga po eh TT^TT tapos nabura ko pa yung supposed to be na pang-ud ko. pagtyagaan niyo na lang po ito :(( promise babawi ako bukas! at yung mga susunod na chapter :)) start na ng tunay na story, ng plot talaga ^__^

Art Of Assassination Trilogy (Book 1): Unveil [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon