♣♣escaped.♣♣
X' POV:
nang marinig namin ang pagsabog, nagkagulo ang mga nagbabantay sakin, wrong move.
Nagkaron ng crack sa kisame na pinaglalagyan ng tali ko kaya sa abot ng makakaya ko, tinanggal ko iyon.
"*pant* it wasn't that hard." napatingin sila sakin at nagsimulang tutukan ako ng baril.
Pinanghampas ko sa kamila yung kadena at pinatumba sila.
Yung babae kanina, tumakbo palabas, siguro para masabihan yung iba na nakatakas ako.
In a few seconds, ginalaw ko ang isa kong buto sa kamay at dinislocate ito, para malabas yung kamay ko, mababalik din naman kagad, masakit nga lang.
Pero gaya ng sinabi ko dati, wala na akong nararamdaman, at kung meron man kahit onting sakit akong nararamdaman...
Sanay na ako.
Paglabas ko ng pinagkulungan nila sakin, isang dosena kagad ng mga lalaki ang humarang sakin.
Is that all they've got?
Pinatumba ko sila in a matter of seconds and nakadating na din ako malapit sa airvent.
At doon, nag-aabang sakin si Craig.
Na may nakatutok na baril sakin...
"that's not a fair fight." i said with a smug.
Tinitigan niya ako sa mata at biglang nagulat, at dahil don bahagya akong nakakilos para masipa yung baril niya.
At masuntok siya sa mukha.
Tumayo siya at susugurin sana ako, pero agad kong nakuha yung baril at tinutok sa kanya.
Napatigil siya.
"shoot me!" sabi niya, pero halata naman sa mga mata niya na natatakot siya.
I just smirk at him, unti unti kong binubuksang yung airvent at nung nabuksan ko na yon, tinanggal ko yung magasin ng baril at binato sa kanya ang baril, at mabilis na umakayat sa ventilation.
Pagkalabas ko sa exit nito, tama nga ang hinala ko, nasa hotel lang to.
Isang abandonadong hotel, Ang DC Hotel.
Hindi pa ako nakalalayo sa pinanggalingan ko..
"wow, you're 17.6 seconds fast."
"i beat my last record." tinawanan niya lang ako at binigay ang isang folder.
Binuksan ko ito at puro, birth certificate, passport, visa, id... Puro forge identity.
At ang bago ko namang katauhan?
Mikayla Samonte.
Isang nurse...
"andun na ba ang next?"
"yes."
binigay niya lang sakin yung picture.
"when will I start?"
"as soon as possible." pagkatapos niya yun sabihin may ingay kaming narinig mula sa taas.
"andiyan na pala ang sundo mo."
may bumabang ladder at aalalayan sana ako ni Vector pero tinapik ko lang yung kamay niya at umakyat na.
Umiling lang siya at sumunod na.
***
pagdating ko sa bago kong bahay, inayos ko kagad yung susuotin ko.
Just like my usual attire, a black jeans boots, para paglagyan ng knife, blazer, para may mapagtataguan sa baby ko (a small gun)
binuksan ko ang isang box sa gilid ng bahay ko at namili ng kung anong baril ang dadalhin ko...
And in just a minute nakapili na din ako, at umalis na.
Kailangan ko munang bantayan ang kilos ng sinabi sakin ni Vector.
Dumating na ako sa ospital sakay ng motor ko at nag-stay lang sa may lobby nito.
'at exactly 2 in the afternoon, nagra-rounds siya sa buong lobby.'
yan ang sabi sakin ni Vector kanina...
And voila...
Andun nga siya, having her rounds, habang may hawak na reference.
I secretly took some pictures and left.
Jasmine's POV:
nakatulala si kuya habang ginagamot ko yung sugat niya sa ulo niya...
Kanina ko pa siya tinatanong kung ano ba yung napag-usapan nila ni X pero hindi naman siya sumasagot rather, wala akong makuhang matinong sagot sa kanya.
"kuya... Ano ba talagang nangyari?"
umiling iling lang siya at sinasabihan akong tawagan si ma'am Mendez.
Ano bang problema niya?!
"kuya..." tumayo siya at pumunta sa telepono...
Siguro tatawagan niya si ate Mikayla.
"kuya ano ba--"
"Jasmine... Would you believe me, if I say that... Mikayla is X."
napatulala ako at napailing, imposible.
"hindi..."
"I really don't want to believe to... But when I looked at her eyes... She is Mikayla." dismayadong sabi ni kuya...
Imposible yun...
Dahil kasama si ate sa sumabog na building.
"pero kuya, kas--"
"i saw her eyes. Si Mikayla nga siya."
Craig's POV:
"that's not a fair fight." she said with a smug.
I wanted to kill her. I'm craving for her blood. She killed Mikayla...
Tinitigan ko yung mata niya...
There's something about her, that's pulling me... A force.
And then I realized... That eyes.
Mikayla? B-but...
Sinipa niya yung kamay ko kaya nabitawan ko yung baril, bringing me back to my senses also.
Napaupo ako sa lapag nang bigla niya akong sinipa.
Hindi na ako nakalaban...
Ayoko ding lumaban.
Gusto ko siyang hulihin pero gusto ko din siyang patakasin.
Binato niya sakin yung baril kaya naman tinamaan ako sa ulo ko nito.
That made me unconcious.
The last glimpse I saw...
Was Mikayla, escaping away from me.
*end of chapter*
[author's note]
sorry for the lamest update ever! imagine niyo na lang po na bakal yung nakakakabit sa hands ni X :)))
BINABASA MO ANG
Art Of Assassination Trilogy (Book 1): Unveil [UNDER REVISION]
AdventureArt of Assassination Trilogy #1: Unveil X's life is full of mystery. Who killed her mother? Why did they kill her mother? Maraming katanungan ang buhay niya na pilit niyang inaalam at sinasagot. Namuhay siya bilang isang assassin sa Black Rose, at y...