♣♣Epilogue: End of Unveil.♣♣

9.5K 230 32
                                    

♣♣Epologue: End of Unveil.♣♣

Jasmine's POV:

isang linggo na ang nakalipas simula ng malaman naming sumabog ang buong bahay ni Medrino... Ang kapatid ni Sir Marcello na boss namin.

At isang linggo na din ang nakalipas ng magsimula si kuyang kumilos ng wala sa sarili niya.

I kept asking him what happened pero hindi niya ako sinasagot. Tapos lagi pa niyang hawak yung cellphone niya, he's not himself anymore.

Then ngayon, he's in the ballistics area, may hawak siyang baril... Minomonitor ko siya ngayon. I can't let him to be alone with his state. At gaya nga ng sinabi ko...

Pumasok ako sa loob at kinuha kay kuya yung baril na nakatutok na sa ulo niya.

"what do you think you're doing, kuya!? Are you insane!"

binato ko yung baril sa lapag at kinwelyuhan si kuya.

"ano ba talagang problema kuya!?"

he sadly looked at me and tears... Suddenly run through his cheeks.

"k-kuya?"

niyakap niya ako bigla at umiyak.

"Mikayla... She's on Medrino's house that day... S-she.. She... Was there."

w-what!? Lumayo ako ka kuya at tinignan siya direkta sa mga mata niya... Sadness is visible in his eyes.

So totoo nga? P-pero, bakit? Paano?

"paano?"

kinwento niya sakin ang lahat ng nangyari, sinundan niya daw si X papunta sa bahay nila Medrino.. At nung hinintay niya itong makabalik... Sumabog na ito.

Napaupo si kuya sa lapag at umiyak... Ngayon ko lang siya nakitang ganto... Nasaktan. I've never seen him this wasted. Parang winasak na ang buong mundo niya.

Niyakap ko si kuya... Wala akong masabi... Hindi ko alam ang dapat kong gawin, kasi miski ako... Nasasaktan din sa sinabi ni kuya. Nararamdaman ko din yung sakit na nararamdaman niya.

When he calmed down a bit, inalalayan ko siyang tumayo. He wiped his tears and picked up the gun, started to shot the target. Hindi ko na maintindihan si kuya...

Pero natatakot din ako sa pwedeng maging kalagan niya dahil sa nangyaring ito.

Humarap sakin at ngumiti... Ngiti na hindi umabot sa mga mata niya. Pero hindi yun ang mas nakapukaw ng pansin ko... Kundi ang mata niya... Mata niya na punong puno ng emosyon... Emosyon na unti unting nawawala at napalitan ng apoy... Nag-aapoy na mata, mata na sabik sa paghihiganti... Matang... Hindi ko na kilala.

"k-kuya..."

"I'll take revenge Jasmine... Gaganti ako sa pumatay kay Mikayla."

he smile viciously and left me in the room... Napakapit ako sa lamesa dahil bigla akong nanghina... Bakit pakiramdam ko... May isang malaking mababago?

Nang matapos na ako sa mga trabaho ko sa agency umalis na din ako at pumunta muna sa Black Rose.

Nakita ko si Beau na hindi mapakali sa lugar niya, tinawag ko siya pero tila hindi niya ako napapansin, kaya naman lumapit ako sa kanya at tinapik siya.

Tumigil siya sa ginagawa niya at gulat na tumingin sakin, ngayon ko lang nakita na nagkaron ng emosyon ang mukha ni Beau.

"anong problema?"

"si X..."

mukhang alam na din nila ang nangyari. Hindi kami nagsalita at parehas na nananhimik. Hanggang sa may pumasok mula sa pintuan...

Art Of Assassination Trilogy (Book 1): Unveil [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon