Chapter 14

5 1 0
                                    

Camille's Pov 

Tinawagan ko agad si Jes para sabay kaming kumain ng lunch.Matagal ko na din hindi siya nakita miss ko na yung bestfriend ko. Siya lang naman ang close ko dito sa campus na ito. 

"Oy bes! tara kain na tayo" sigaw ni Jes habang papalapit sa akin. 


"Sige" sagot ko nalang. 


Pumasok na kami sa canteen nang biglang may umakbay sa akin. 


"Sama ako ah?" tinignan ko naman ang umakbay sa akin, si Mike lang pala...teka... si si MIKE? 


"A-hh sige" 


"Wag kang mautal kasama mo naman ako" sabi niya na naka-smiley face pa. 


Kung hindi lang tika crush sinuntok na siguro kita.


Umorder na kami ng pagkain namin tsaka umupo sa bakanteng lamesa. 

"So anong plans niyo ngayong darating na acquaintance?" tanong ni Jesmyrh 


"Ako? Uhm manonood lang" sagot ko. 


"Ako din" sagot naman ni Mike. 


"Hindi ba kaayo sasali sa contest? Sayang din naman ang opportunity may pa-cash at trophy pa tapos band contract galing sa R&B campus diba ang saya nun?" tanong  ni Jesmyrh

"Eh kung ikaw nalang kaya ang sumali?" inis na tanong ko ni Jes. 


"Joke lang sinasabi ko lang naman na baka kako kung gusto niyo pero hindi edi hindi" sabi nalang ni Jes.


Kumain nalang kami hanggang sa matapos tsaka kami pumunta sa klase namin pero bago pa man ako umalis ay hinawakan ni Mike ang braso ko. 


"B-bakit?" tanong ko sakanya. 


"Ihahatid kita mamaya ah?" tanong ni Mike sakin.


"Ahh, wag na may dala kasi akong motor" 


"Nagmomotor ka?" tanong niya sakin.


"O-o, may problema ba dun?" tanong ko naman sa kanya.


"Sa susunod wag ka nalang magmotor ako na ang susundo at hahatid sayo okay?" 


Ano ba yan hindi na ako grade 1 -_- 


"Wag na okay lang naman sa akin tsaka sanay naman ako" sabi ko sakanya.


"Ah ganun ba sayang naman" malungkot na pagkasabi niya sa akin. 

ROCK AND BAND CAMPUSWhere stories live. Discover now