Chapter 30 (It's complicated)

1 1 0
                                    

Camille's POV

Hindi pa rin ako makatulog dahil sa pag-amin ni Niko kanina lamang.

Ano daw? Gusto niya ako? Kelan?

Simula ng pumasok ako sa skwelahan na ito nagbago na ang pamumuhay ako, meron na akong mga kaibigan, hindi na ako loner kagaya ng dati. Nawala na din ang takot ko sa pagpe-perform sa maraming tao.

May sinabi pa si Niko kagabi na hindi ko maintindihan.

Flashback...

"Hindi ko alam kung sino ka, ngayon ka lang naman dumating sa buhay ko pero parang kilalang kilala na kita." sabi ni Niko.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

Ilang minuto pa bago siya sumagot nakatingin lang sya ng diretso sa akin.

"Mukhang minahal na kita dati pero.."

"Anong pero?" naguguluhang tanong ko.

"Pero hindi ko lang maalala"

End of Flashback....

Alam ko na magkakilala na kami noon pa pero hindi ko akalain na minahal niya ako dati pa.

Palagi kasing si Mike ang nakakuha sa akong atensyon kaya ayun hindi ko na siya napahalagan noong bata pa. Baka crush lang yun, hindi naman mahal kaagad. Pero mababago ba ng tadhana ang pagtingin sa'kin ni Niko?

Haysss..... Wag kang praning Camille!

DING DONG... DING DONG...

Sinampal ko ang noo ko, kase alam ko na kung sino ang nasa labas ngayon.

Binuksan ko ang gate namin tapos bumungad ang isang ano.. Isang.... Hay naku sige na nga ...isang poging lalaki.

"Goodmorning Babe" bungad nito.

"Wag mo akong tawaging 'babe' hindi pa tayo mag-on" sabi ko.

"Wag kang epal ang ganda ng araw ko ngayon tapos sisirain mo lang? Hindi mo ba ako kilala? Ako si Niko Paul Cruz ang pinaka-----" pinutol ko agad ang sinabi niya.

"Ang pinakapanget at feeling gwapo sa buong mundo" sabi ko.

Bigla naman siyang ngumuso.

Ano ba yan! Wag kang ganyan.

>_<

"Aray naman" sabi nito.

Ewan ko lang kanina sinabi ko pa sa isip ko na ang pogi niya pero ngayon.... Hayssss ano bang nangyare sa'kin?!

"Ano? Hindi mo ba ako papapasukin sa bahay niyo?" tanong nito.

"Bahal----" pinutol agad ni Mommy ang sasabihin ko.

"Niko, pasok ka may hinanda akong pagkain para sa inyo"

Hay nakuuuu!!!!

Pumasok sa loob si Niko, bigla nalang siyang ngumisi  sa'kin. 

To be continued....

ROCK AND BAND CAMPUSWhere stories live. Discover now