Chapter 16

5 1 0
                                    

Niko's Pov 


Malapit na ang acquaintance party pero wala pa rin akong nakitang babaeng karapat- dapat sa posisyon na i-aalok ko. Kung kami pa sana ni Maci siya na yung pipiliin ko pero wala na e. Nandito ako ngayon sa canteen kasama sina Lance at Clyde. 

"Dre, may napili ka na ba?" tanong ni Clyde. 


"Oo nga dre, meron na ba?" tanong naman ni Lance. 


"Wala pa e" sagot ko. 


Ang hirap naman maghanap kung pwede lang naman kaming tatlo nalang ang magpe-perform e okay na sana.Minsan napaisip din ako kung si Camille nalang ang pipiliin ko pero hindi ko alam kung papayag siya. Gusto ko sana siyang tanongin kong pwede ba sa kanya maganda naman ang boses niya, maganda din naman siya nung una naiinis ako sa kanya pero yung nakita ko siyang nakangiti bigla nalang nawala ang inis ko sa kanya, ewan pero yun ang na f-feel ko e. 


"Mahahanap mo din siya dre, baka nandyan na sa paligid mo" aniya ni Clyde. 


"Oo nga dre, uhm dre matanong lang close ba kayo ni Ms. Harris na yun?" tanong ni Lance.


"Hindi naman sa close pero nagpapansinan din minsan" sagot ko sa kanya. 


"Kung siya nalang kaya dre maganda din naman ang boses niya, maganda din siya nalang dre!" excited na pagkasabi Clyde. 


"Pwede naman sa iba tsaka mukhang mahiyain naman si Camille" aniya ni Lance.


"Bakit Lance? Okay naman siya" si Clyde. 


"Okay naman siya kaso, hindi ko pa siya na tanong kung pwede niya" aniya ko sa kanila. 


"Edi tanongin mo na dre! Alam kong ipapanalo natin yan next month na ang competition kaya maghanda na tayo ngayon" excited na pagkasabi ni Clyde. 


 Tatanongin ko lang siya mamaya..... ano ba yan parang nahihiya na ako sa kanya kahapon ang kapal ng mukha ko may pa-akbay akbay pa, ewan ko pero kusa nalang gumalaw itong katawan ko papunta sa kanya. Ngayon ko palang alam e na may stage fright pala siya kaya wala siya last meeting. Hindi ako natatawa sa may ganun siyang sakit pero nakatatawa yung mukha niya parang nahihiya siya sa akin. Ewan pero natatawa lang ako. Tapos ang cute pa niya parang may naalala ako sa kanya, hindi ko lang alam kong sino siya. 


Sana hindi nalang ako nakalimot baka hindi sana ako nagkaganito. 


Camille's Pov 


Umuwi ako sa bahay para hanapin yung bracelet pero wala, hinanap ko siya sa cabinet,sa cr, sa ilalim ng kama ko halos nilibot ko na ang bawat sulok ng bahay namin pero wala. Saan ko ba yun nilagay. 

Hayst mala-late na ako nito, e tatanong ko nalang kila Mommy mamaya baka tinago niya. 

Sumakay na ako sa motor ko papunta sa R&B campus. Medyo okay na ang aking binti ewan ko bakit yun nagka ganon.  


Hindi ko nakita si Jes kaya dumiretso nalang ako sa room namin. As usual wala namang tao kaya nakikinig nalang ako ng music. 


"Pst" 


"Ay kabayo!" bigla nalang ako napasigaw akala ko kung sino putek!. 


-_- 


"Grabe ka naman, nagulat ba kita?" tanong ni Niko. 


"Hindi, alam ko na nandyan ka kaya napasigaw ako e" inis na sabi ko.


"Eto naman sorry na" aniya niya.  


"Bahala ka nga dyan" sabi ko nalang. 


"Uhm Camille may e tatanong sana ako" aniya niya. 


"Hm, ano?" 


"Ahhh ano kasi" 


"Anong ano?" tanong ko. 


Anong nangyari sa kanya? Ts. 


"Sasabihin mo ba o hindi? nakakainis kana ah!" inis na sabi ko. 


"Eto na eto na" with matching *inhale exhale*.


"Camille pwede ka bang sumali sa banda namin?" tanong niya sa akin. 


Nagulat nalang ako sa tanong niya. Hindi pa kasi ako nakasali ng banda at natatakot pa ako kasi baka himatayin ako sa kaba. 


"Camille? Okay lang ba?" tanong naman niya. 


"Ahh, pag-iisipan ko pa" sagot ko. 



--------------------



ROCK AND BAND CAMPUSWhere stories live. Discover now