Chapter 23

4 1 0
                                    


Camille POV 


Nasa kwarto na ako pero hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina. 


Kaya pala hindi niya ako namumukhaan, maraming nagbago sa kanya. Mataba kasi siya noon pero ngayon... iba na siya sa Niko na kilala ko noon. 


Bakit parang nalulungkot ako? Wala naman akong pakialam sa kanya pero ngayon parang gusto kong malaman ang buong pagkatao niya, yung bagong siya. 


Hanggang ngayon hindi ko parin nahanap ang nawawala kong bracelet nasan na kaya yun? 


--------------


"Anak gising na may bisita ka!" sigaw ni mommy.


"Mamaya muna mom!" 


Sino naman ang bisita ko ngayon sa ganito kaaga? -_-

"Hinihintay kana niya sa sala, bumangon kana dyan wag mong paghihintayin ang boyfriend mo dito" sabi ni mom. 


Shtttttttttttttttttttt!!!!!!!!!! 


Sa sobrang pag-iisip ko kahapon hindi ko namalayan na susunduin pala niya ako ngayon. 


Damn it! 


Binilisan ko na ang pagliligo tapos nagbihis agad ako tapos bumaba na. Hindi na ako nagtagal baka mainip yun. Teka? bakit concern kana ngayon Camille? Ts. 


"Good morning commander" sabi niya sabay kindat. 


"Ang aga ah?" sarkistong sabi ko. 


"Dapat kasi maaga para hindi tayo mala-late commander" diniin pa talaga niya ang pagtawag ng commander. 


"Tapos ka nang kumain?" tanong ko sa kanya. 


"Wow! May concern kana ngayon?" aniya. 


Binigyan ko naman siya ng killer smile (pero fake). 


"Ano? Sasagutin mo ba ang tanong ko or-----" 


"Ano?" tanong niya. 


"Or hindi ako sasabay sayo" 


"Sabi na nga eh sasagot na po, *ehem* hindi pa ako kumakain commander" sabi niya. 


Sinapak ko siya sa braso. Talagang inuuna pa talaga ako e noh? Stupid! 


"Sa susunod na susunduin mo ako dapat tapos kanang kumain,baka maubos ang kanin namin dito kung dito ka palagi kakain" sabi ko. 


Tumawa naman siya. "Hindi naman ako malakas kumain commander, kung yan  po ang gusto niyo sige po kakain na ako bago ako pumunta dito" sabi niya. 


'Hindi pala malakas kumain ah? Kaya nga ang taba-taba mo noon kasi lamoy ka ng lamoy' gusto ko sanang sabihin yan sa kanya pero naalala ko tuloy na hindi nga pala siya nakaalala, nalimutan na niya ang lahat. 


Sumabay nalang kami sa hapag kainan. Si mommy naman ay tanong ng tanong kung paano daw naging kami.  


Hindi na rin namumukhan si Niko sa dating Niko, talagang iba na sya ngayon kumpara noon. 

Si mommy naman kilig na kilig parang teenager lang ang peg!. 


Pagkatapos naming kumain hinatid kami ni mommy sa labas tsaka ako pumasok sa kotse ni Niko. 


"Ingat kayo anak, Niko alagaan mo ang anak ko wag mo syang sasaktan okay?" bilin ni mommy. 


"Mom!" inis na sabi ko. 


"Sige na anak, take care" aniya. 


"Wag kang mag-alala Mrs. Harris hinding hindi ko po sasaktan ang anak niyo" seryosong sabi niya. 


"Tara na nga" sabi ko kay Niko. 


Pinaandar na niya ang kotse. Hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi niya habang namamaneho. 


"Anong nangyari sayo?" tanong ko. 


"Wala" sabi niya. 


"Weird....." bulong ko.


----------------------------------------------------------



ROCK AND BAND CAMPUSWhere stories live. Discover now