CHAPTER 22 (My Childhood Friend)

3 1 0
                                    


Camille POV 


"Sa susunod makinig ka sa akin, ako na ang boyfriend mo ngayon kaya sundin mo ang sinasabi ko" sabi niya. 


Sinabi na nga niya kanina inulit pa talaga. Wala ito sa usapan dapat siya ang magpapa-alipin hindi ako ts. 


"Ako ang uutos hindi ikaw! Yan ang usapan bakit ngayon ang inuutusan mo?" inis na tanong ko. 


"Hindi naman yun utos, kapakanan mo lang ang iniintindi ko paano kung may mang-rape or mang-holdap sayo? Baka mapano ka pa" aniya. 


"Concern? Ts." 


"Ano ba! Duty yan ng mga lalaki ang ihahatid sundo ang babae lalo na kapag in relationship" inis na sabi niya. 


"Fake lang naman ito diba? Bakit ang seryoso mo ata" naguguluhang tanong ko. 


"Ah-hh basta yun na yun wag ng pero pero basta sundin mo nalang kung ayaw mong mapahamak" sabi niya. 



Hindi nalang ako sumasagot kasi hahaba at hahaba lang din naman ang usapan. Gigil na talaga ako sa lalaking eto. 



Ilang minuto ay nandito na kami sa bahay ko, papalabas na sana ako ng bigla niya akong hinawakan sa braso. 


"Ah-h Camille pwede bang sunduin kita bukas?" tanong niya. 


Bakit namumula siya? Naglagay ba siyang pang blush sa mukha? HAHAHA


"Wag na may motor ako hindi lang ako naka pag motor kanina kasi trip ko lang maglakad" sabi ko. 


"Wag ka ngang maglakad mag-isa, aishhh susunduin kita bukas at walang pero pero." sabi niya. 


"Wag na nga lang sabi" pagmamaktol ko. 


"Isa!" 


"Oo na ts." inis na sabi ko. 


Papasok na sana ako ng gate ng bigla akong may nakita sa may kamay ni Niko. Familiar siya sa akin teka....  yung bracelet. 


"Oh? Bakit?" tanong niya habang tinitignan ako. 


"Y-yung bracelet, san galing yan?" tanong ko.


Tinignan niya ang bracelet tapos tumingin naman sa akin. 


"Ahh eto, ang sabi ng mommy ko binigay daw ito sa isang kababatang kaibigan ko noon yun lang ang sinabi ng mommy sa akin" sabi niya. 

So, siya? Ang tagal na namin hindi nagkita hindi ko na alam ang nangyare sa kanya. Busy ako sa studies ko noon at tanging kausap ko lamang ay si Mike nakalimutan ko na ang mukha niya, ang pangalan lahat lahat sa kanya. 



Pero bakit may mali? Hindi ba niya naalala kung sino ang nagbigay na iyan sa kanya? 


"Oh, bakit?" naguguluhang tanong niya. 


"Alam mo ba sinong bumigay na yan sayo?" tanong ko. 


"Hindi eh, na-aksidente ako noon nung bata pa ako, field trip daw namin yun. Kaso malakas ang impact ang pagkabangga ng ulo ko sa matitigas na bagay kaya ayun nagka-amensia"  paliwang niya. 


Ano? Nagka-amnesia? What a small world. Ang tagal kong hinintay na makita siya ulit, ang batang palagi kong kalaro noon. Pero bakit?, hindi na niya maalala ang lahat ng nangyari noon? 

May posible pa kayang mabalik ang alaala niya? 


"Hey, may problema ba?"tanong niya. 


"Ah-h wala, sige pasok na kayo ingat sa pag-uwi" sabi ko sa kanya. 


"I will my princess, sweetdreams" sabi niya. 


Lumapit siya sa akin and then----- 


*He kissed my forehead*!!!! 


"See you tomorrow" sabi niya. 


Bigla nalang akong na statwa sa ginawa niya. What was that?! 


"Pasok ka na, namumula ka pa eh" sabi niya na nakangisi.


Sinapak ko siya sa braso niya. Ang kapal!


"Hindi noh! Sige na pasok na ako" sabi ko tapos tinalikuran ko na siya. 


"Sleepwell!!" pahabol na sabi niya. 



-----------------------------------------------------


A/N: Sorry kung ngayon lang ako nakapag-update. Alam kong hindi kadami-dami ang mga readers ko pero tatapusin ko pa rin ito. 


Thankyou <3 




ROCK AND BAND CAMPUSWhere stories live. Discover now