CHAPTER 8(Happy Birthday Camille)

19 1 0
                                    




LANCE POV 


"LANCE SHAUN EVANS! Bumangon kana dyan!"


Ang aga-aga ang ingay kailan kaya tatahimik yun! Hayst ate... 


Naghanda muna ako bago bumaba. Pagkababa ko nakita ko silang nakabihis ng pormal, parang may party ah? Game ako dyan basta may inuman HAHAHAHA.. 


"Oh? ba't yan lang ang suot mo?" tanong ng maldita kong ate.


"Saan ba tayo pupunta?" 


"Anak, invited kasi tayo sa birthday party ng ka business partner ng Dad mo" sabat ni Mom. 


"Sinong may birthday?" 


"Yung anak nila, kagagaling lang niya sa South Korea dito na siya mag hi-high school" 


"Ahh sige po magbihis muna ako" kaagad din ako bumalik sa kwarto ko para magpalit ng damit.Pagkatapos nun ay umalis na kami papunta sa ka business partner nila mom at dad.


"Andito na tayo! Excited na tuloy ako makita ang anak nila kumareng Miles at kumpareng Henry" excited na ka talaga mom eh noh? 


"Mabuti na nga at pumasok na tayo, Late na kasi tayo nakarating nakakahiya" sabat ni Dad.


"Mabuti pa nga! Let's go!!" pumasok kami sa mansyon. 


Grabe ang ganda ng bahay nila black & white ang theme nila. Yung mga gamit nila puro black and white. Simple pero ang ganda. 


Lumapit naman ang mag-asawa na sinasabi ni Mom na ka business partner nila. 


"Good evening Mr. Evans and Mrs. Evans" masayang bati ng babae. Hindi halata na may anak na siya sa sobrang ganda niya. 


"Good evening" sabay sabi nila mom at dad. 


"Let's go? hinihintay nalang nami ang iba pang bisita umupo muna kayo feel at home family Evans" sabi ng matandang lalaki. 


Sinunod nalang namin ang sinabi ng lalaki. Habang hinihintay ang ibang bisita nagpaalam muna ako nila mom at dad na magpahangin muna at pumayag naman sila. 


Pumunta nalang ako sa garden nila mahilig kasi ako sa nature. 


^_^ 


May nakita akong babae nakatayo at tumitingin sa langit lumapit ako sa kanya para tanongin kung bakit siya nandito at bakit hindi siya pumasok. 


"Hi miss bakit hindi ka po pumasok sa loob?" nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko nakita yung mukha niya. 

ROCK AND BAND CAMPUSWhere stories live. Discover now