Chapter 29 ( What if's)

5 1 0
                                    

Lance POV 

"Mahal na yata kita" sabi ni Niko. 

Bumalik ako kasi may naiwan si Camille sa kotse ko pero hindi ko inakala na madatnan ko ito.Matagal ko nang alam na peke lang yung relasyon nilang dalawa. Narinig ko sila noon na magkausap hindi ko sinadya na marinig ko ang usapan nila pero dahil sa curious ako ay narinig ko lahat 'yon. 

Akala ko na malaya na akong gagawa ng moves para magkakami ni Camille, Oo gusto ko siya. 

Sa unang kita pa lang ay gusto ko na sya, yung araw na birthday niya hindi ako makatulog sa kakaisip sa kanya. Pero habang tumatagal ay lalo na akong napamahal sakanya. 

Ang alam ko ay hindi gusto ni Nik si Camille kaya gulat na gulat ako sa narinig ko ngayon. 

"Ha? Anong si-inabi mo?" uutal na pagkasabi ni Camille. 

Hinawakan ni Niko ang mukha ni Camille. "Ang sabi ko, mahal na yata kita" 

Nakatingin lang si Camille kay Niko na para bang naguguluhan. 

"Bakit? Paano?" naguguluhang tanong ni Camille. 

"Ayoko ng magpanggap pa Camille, gusto ko na'tong totohanin, gusto kong protektahan ka sa lahat ng bagay. Gusto ko kasi mahal kita" sabi niya kay Camille. 

"Hindi ako makapaniwala" sabi ni Camille. 

"Alam ko na nagulat ka lang sa sinabi ko ngayon pero totoo na 'to mahal na talaga kita" si Niko. 

Gusto ko sanang puntahan sila pero parang may kung ano sa'kin na nagsasabing "wag na masasaktan ka lang" 

"Gusto din kita Niko, kahit na ngayon pa lang kita nakilala para bang matagal na kitang kilala na para bang may pinagsamahan na tayo noon" sabi ni Camille. 

Parang tinutusok ng maraming karayom ang puso ko, ang sakit... 

"Talaga? Gusto mo ako?" tanong ni Niko. 

"Napakabait mo sa'kin tsaka marunong ka din mag-alaga kaya hindi ako nahirapan na gustohin ka, kusa nalang akong  nagkaganito" sabi ni Camille. 

Tumalikod nalang ako sakanila wala na din palang kwenta ang pagbalik ko dito. Bumalik nalang ako sa kotse at pinaandar eto. 

"Dre, bakit hindi mo yan nasauli ang jacket ni Camille?" tanong agad ni Clyde. 

"Wag na bukas nalang" walang ganang sabi ko. 

What if kung sinabi ko sakanya na gusto ko siya, magugustohan din niya ba ako? 

What if kung nagtapat lang ako ng damdamin ko sakanya hindi ba siya mahihirapan na mahalin ako? 

Ang tanga tanga ko, alam ko na hindi sila totoo mag-syota pero hinayaan ko parin na mahulog sila sa isa't-isa. 

Mahalaga silang pareho sa'kin,bestfriend ko si Niko at para ko na syang kapatid. Mahal ko si Camille pero hindi ako ang gusto niya. 

What an ironic?  


What if kung ako nalang ang gusto mo Camille, sasaya ka ba sa piling ko? 


ROCK AND BAND CAMPUSWhere stories live. Discover now