Chapter 18 (Condition)

6 1 0
                                    


Camille's Pov 


Nandito ako ngayon sa canteen nakatambay kain lang ng kain, ganyan talaga kapag bored. 

Malapit na pala ang contest wala naman akong balak sumali pero ito kasi si Niko inaya niya ako kung pwede bang sumali ako sa grupo ng banda nila, kung wala lang akong sakit edi sana pumayag na ako nun. 


"Boo!" 


"Ay palaka!" sigaw ko. 


Kahit kailan ang hilig manggulat ng isang ito, ano naman ang ginagawa niya dito? 


"Ano ba yan nung nakaraang araw kabayo, ngayon naman palaka? Ano naman kasunod? Kambing? Kalabaw?" sabi niya. 


"Wag ka kasing manggulat!" sagot ko. 


"Eh sa gusto kong manggulat" sabi niya sabay kamot sa ulo. 


"Ano bang ginagawa mo dito?" tanong ko. 


"Wala lang ang boring kasi wala sila Lance at Clyde tinawag sila ng lecturer" aniya. 


"Edi puntahan mo sila maki-chismis ka" sabi ko. 


"Hindi ako chismoso!" inis na sabi niya. 


Naiinis pala din ang isang ito? Hmm... 


"Ah okay" tipid na sagot ko. 


"Sooo about sa contest sasali ka ba?" tanong niya. 


"Ewan" 


"Bakit ewan?" tanong niya naman. 


"Alam muna yun" sagot ko. 


"Ano nga"aniya. 


"Yung sakit ko!" inis na sabi ko.


Kapag ako naiinis hindi ako magdadalawang isip na hindi tanggapin ang alok niya. Pinag-iisipan ko pa nga eh! bwisit.. 


"Ahh so hindi ka papayag sumali sa grupo namin?" tanong niya ulit. 


"Pinag-iisipan ko pa" sagot ko. 


"Baka matagalan ka nyan malapit na ang contest" sabi niya habang nakanguso. 


Eto naman ang pag papacute niya -_- Kainis!


"Ano bang gusto mo?" tanong ko sa kanya. 


"Ang pumayag ka, sige na sumali kana para makapag-practice na tayo" sabi niya habang nakanguso ulit. 


Sasali ba ako o hindi? First time ko kasi sumali ng contest, pwede naman sumali ako pero parang nakakabahan ako ay ewan... AHA! alam ko na....


"Papayag ako, but in one condition" sabi ko. 


Patay ka sa akin ngayon! HAHAHAHA 


"Sige ano yun?" tanong niya. 


"Be my slave, for one month" sabi ko. 


Niko's  Pov 


"Be my slave, for one month" 


Ano? Magpapa-alipin ako sa kanya? 


"Ano!? Hindi ba pwedeng one week?" tanong ko. 


"Nope" tipid na sagot niya. 


Nakakainis! Pwede naman akong pumili ng iba pero may feeling akong iba siya sa lahat yung tipong "one of a kind". 


"Sige basta papayag kang sumali sa grupo namin" sabi ko. 


"Oo basta yun na ang condition ko" sagot niya. 


Aba! aba! may condition na nalalaman. 


"Okay tatanggapin ko ang condition mo pero tatanggapin ko lang yan kapag tatanggapin mo rin ang condition ko" sabi ko. 


Tingnan natin HAHAHA. 


"Bakit? Ang daya! Papayag na ako diba? Basta tuparin mo nalang ang condition ko!" inis na sabi niya. 


"May condition ka ako wala? Ikaw ang madaya!" sabi ko. 


"Sige!, Kainis!" inis na sagot niya. 


"Be my girlfriend then i'll be your slave"  



---------------------- 



ROCK AND BAND CAMPUSWhere stories live. Discover now