Chapter 19 (Commander)

4 1 0
                                    


Camille's Pov 


"Be my girlfriend then i'll be your slave" 

"Be my girlfriend then i'll be your slave"

"Be my girlfriend then i'll be your slave"

"Be my girlfriend then i'll be your slave"

"Be my girlfriend then i'll be your slave"


WHAAAAAATTTT!!!! Nasiraan ba siya ng bait? Anong napasok sa utak niya at naisipan niya maging girlfriend niya ako. Hindi, hindi pwede! 


"Ayoko!" 


"Come on, it's just for one month" aniya. 


"Ayoko,ayoko, AYOKO!" inis na sabi ko. 


"Edi sasali ka pa din sa grupo namin, but walang "slave" na magaganap" sabi niya. 


"GRRRRR!! Ano bang napasok sa utak mo at naisipan mo yan, Ha!?" aniya ko. 


"Sabi mo kasi maging slave ako eh gusto ko lang gawin yun sa taong mamahalin ko" aniya. 


"Ano!?" inis na tanong ko. 


"Wait wait wait, chill lang hindi ganun yun ang ibig kong sabihin yung magpapaalipin lang ako sa girlfriend ko, ganun!" sabi niya. 


"Bakit may pagmamahal ka dyan! Sira ka ba?" tanong ko sa kanya. 


"Wag kang feeling ko noh! Hindi kita type tsaka hindi kita mahal noh at hindi talaga kita mamahalin" aniya. 


Wow ha? Ang kapal ng mukha! Ano ba akala niya? Mamahalin ko din sya? Hindi ah! 


"Kapal" bulong ko. 


"Ano yun?" tanong niya. 


"Wala" tipid na sagot ko. 


"So, payag kana? Ganito kasi yun ang sabi mo one month akong maging alipin sayo, kaya one month din kitang maging girlfriend ko" sabi niya with matching smiley face. 


"Hindi na one month, one week..ay one day!" inis na sabi ko. 


"Wala na, sinabi mo na eh pumayag kana 1 month lang naman yun" 


Gago ba siya? Akala ba niya madali para sa akin yun? Baka kung ano pang gawin nito sa akin. Jusko po gabayan niyo po ako. 


"Asshhhh, sige na wala naman akong magagawa, ang kulit!" inis na sabi ko. 


"Yes!" 


"Tss" bulong ko. 


"Wag ka nang magalit hindi naman ito totoong relationship, hmmm tawagin nalang natin na fake... ayun! Fake Relationsip, Okay lang ba sayo?" tanong nya. 


"Ts. Eh ano pa ang magagawa ko?" inis na sabi ko. 


Lumapit siya at umakbay sa akin. 

"Wag ka nang masungit, simula ngayon ikaw na ang commander ko, Commander?" aniya. 


"Tse! Tara na nga" sabi ko sa kanya. 


---------------------

Niko's Pov 


Nandito na kami sa room namin pero hindi ko pa rin matangal ang saya na nararamdam ko, ewan. Baka masaya lang ako kasi kasali na siya sa banda namin... Ganun nga! 


"Ang aga natin dito ah" singit ni Clyde na bagong dating. 


"Gago ka Clyde!" inis na sabi ko. 


Alam ko na ang iniisip nilang dalawa kapag ganito ang eksena. 


"Wala naman kaming sinabi na ganun Nik" aniya ni Lance. 


"Dapat lang, baka magalit ang commander ko" sabi ko. 


"Commander? Sino?" sabay na tanong nila. 


Siniko ako ni commander kaya tumahimik nalang ako. Tumabi si Lance sa akin tapos si Clyde ay nasa tapat ko. 


"Hoy dre! Sinong commander ang sinasabi mo dyan?" tanong ni Clyde. 


"Oo nga dre" singit ni Lance. 


"Ahh-si ano kasi.. uhmm si--" hindi ko na tuloy ang sasabihin ko nang biglang.. 


"Ako" si commander. 


"Ikaw!?" sabay na tanong nila. 


"May nakikita pa ba kayong tao dito bukod sa ating apat? " tanong ni commander. 


"Wala" sabay sabi nila. 


"Multo,may nakita kayo?" tanong naman niya. 


"Wala naman.. teka may multo ba dito?" tanong ni Clyde, halata naman takot sa multo HAHAHA. 


"Wala pala eh nagtatanong pa kayo kung sino" inis na sabi niya. 


Patay na nainis na ang commander ko! Ito talaga si Clyde lagot ka sa akin mamaya. 


-----------------------------


A/N :
  Susunod na po ang point of view ni Lance, hindi ko pa alam ang next update ko kaya abang-abang lang ^_^ Thankyousomuch ^_^ 





ROCK AND BAND CAMPUSWhere stories live. Discover now