CHAPTER 33 (Epal)

0 0 0
                                    

Camille POV

Buong araw nakangiti si Nikko. Adik siguro to!. Nakakainis, pero may nararamdaman din akong kiliti... Haysss ewan ko!

"Camille" tawag niya.

"Oh?"

Huminga muna siya ng malalalim bago siya magsalita.

"Uh-m ... May itatanong sana ako sa iyo" sabi nito.

Bakit parang nahihiya siya?

"Sge ano? " sagot ko.

"Ah-h ano kasi--"

"Camille!!" sigaw ng isang lalaking papalapit sa'kin.

Si mike..

Nakatingin parin ako kay Nikko kaya lang nang biglang lumapit si Mike ay bigla nalang siyang nakasimangot.

Anong problema nito?

"Andito ka pala?" bungad na tanong ni Mike.

"Malamang namamasyal" mataray na sagot ni Nikko.

Isa pa'to! Sumisingit.

Biglang natulala si Mike kay Nikko.

"You look familiar.." si mike

"Huh?" Nagtatakang tanong ni Nikko.

Bigla kong naalala na magkakilala pala kaming tatlo noong bata pa kami. Pero nagka-amnesia si Nikko kaya hindi niya kami naalala.

"Mabuti pa at sumama kana lang samin Mike" singit ko.

Kinakabahan ako baka may masabi pa itong si Mike kay Nikko.

"WHAT?!" sigaw ni Nikko.

Halos nakatingin sa amin ang mga tao sa mall.

Sh*t.

"Wag ganun Camille diba tayo lang? Sa atin ang araw na ito diba?"para siyang bata na naghihintay sa sagot ng Ina. HAHAHAH ..cute..

"Ah-h ehh" uutal kong sagot. Ayaw ko naman sanang is am a si Mike kaya nga lang ayoko kung malaman niya na si Nikko yung kaibigan namin Simula noong bata pa kami.

"Ang saya kaya yun, m-adami mas masaya! " pangungumbinsi ko sakanya.

Bigla nalang siyang nakasimangot. Parang hindi siya sang-ayon.

"Epal" dinig kong bulong ni Nikko.

"Anong sabi mo?"tanong ni Mike sa kanya.

" Wala! Tara na nga, sumama kana, wag kang gagawa ng kung ano lalo na sa commander ko" sagot nito.

"Huh? Sinong commander mo?" tanong ni Mike

"Sino pa ba? Edi si Camille, kaya pwede bang wag mong inaakbayan yung babae ko.. Mike" si Nikko.

Whut? Really?

Nakita kong tulala si Mike sa sinabi ni Nikko.

"I'm not your girl Nik" sabi ko.

"Shut up Cj, you are my girl and don't you ever say that again" may pagbabantang sabi nito.

Anong nangyari sa kumag na ito?

Last 2 Chapters nalang po

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 09, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ROCK AND BAND CAMPUSWhere stories live. Discover now