Chapter 24 (Abby Lee )

3 1 0
                                    


Niko POV 


Araw-araw ko nang sinusundo at hinahatid si Camille. Nasanay na din ako sa pagiging tahimik niya sasabog lang sya kapag naiinis na sya. Ang cute kasi ng mukha niya kaya palagi ko siyang iniinis.


Palagi na siya ang nasa isip ko, ewan ko kung bakit pero sa tuwing kasama ko sya buo na ang araw ko. Malapit na din matapos ang isang buwan pagpapanggap namin. Malapit na din ang acquaintance party. Todo practice namin kami para sa competition na yun. 


Napapansin ko na rin na hindi na masiyado mahiyain si Camille kumpara nung nakaraang araw sa practice namin. Pagaling din siya ng pagaling. Minsan nga nasa kanya lang ang tingin ko kapag duet na namin. Kaya ayun namumula HAHAHA. 


Gabi-gabi ko iniisip ang nararamdaman ko sa kanya. Minsan nga kapag wala siya todo hanap naman ako sa kanya. Ewan ko lang kung bakit. 



Totoo na ba 'to? 


Gusto ko ba talaga siya? 


Yan ang palaging sinasabi ng utak ko. Pero ang sabi kasi ng puso ko.


Sabihin mo na.... 


Gusto mo na sya... 


Totohanin niyo na.... 


Paano kung pagkatapos ng buwan na ito, wala parin bang magbabago? 


Hindi ba awkward? 

Okay lang ba? 


Hayss.. Hay naku Camille! Ang laki na ng eyebags ko dahil sayo! 


>_< 


"Dre!" sigaw ni Clyde. 


"Oh?" sabi ko naman. 


Anyare sa isang ito?


"Grabe dre!!!" aniya. 


"Ano nga?" tanong ko. 



"Na-love at first sight ata ako dre!" sabi niya. 



Ang baduyyyy -_- 



"Yung feeling na naging slow motion ang paligid mo? Dre! totoo na to!" 


"Baduy dre, hindi bagay sayo" sambit ni Lance. 


"OO nga dre, sino ba yang babae na yan?" tanong ko. 


"Ang mga bitter niyo! Lalo kana Shaun! humanap kana kasi ng babaeng karapat-dapat sayo" sabi ni Clyde kay Lance. 


"Nahanap ko na, kaso nakatali na sa iba" malungkot na sabi niya.

Nakatali na sa iba? Sino naman? 


"Sino dre?" tanong ko kay Lance. 


"Wala lang yun kinalimutan ko na yun, so sino pala yung babae na yan dre?" baling ni Lance kay Clyde. 


"Kanina ko pa nga yan tinanong kung sino hindi naman sinagot" pasungit ko. 


"Chill lang kayo mga dre, so ayun nga nagpakilala ako sa kanya tapos inabot ko sa kanya yung kamay ko tapos sinabi niya ang pangalan niya" sabi ni Clyde. 


"Sino?" sabay tanong namin ni Lance. 

"Abby Lee" 


Abby Lee? Familiar........ 


----------------------------------


To be continued........... 


ROCK AND BAND CAMPUSWhere stories live. Discover now