Chapter 17

18.6K 500 25
                                    

Esmee Celestino

Tinignan ko ang sarili sa salamin. Naka-make up ako ngayon at naka-updo na ipit. When I was satisfied with my appearance, I left the room and immediately went to the living room.  Papa and Mama are waiting there now.  Nikolai is not there yet, still sleeping for sure until now.  Ang dami niya sigurong ininom na alak kaya lasing na lasing kagabi.

“You looked elegant, Hija.” ngumiti si Mama nang makalapit na ako sa kanila. “Feeling nervous?”

Umiling ako. “Baka mamaya, Ma, kabahan na ako.” at mahinang tumawa.

“H'wag kang kabahan, princess. Kilala ka naman na nila, alam na rin naman ng iba na ikaw ang papalit sa posisyon ko.”

Tumango na lang ako at bahagyang ngumiti.

Naglakad na kaming tatlo palabas ng bahay ng makarinig kami ng sigaw galing kay Nikolai. Sabay kaming napatingin sa kanya. My brother's hair was wet and he was also wearing office clothes like mine, I cringed at his appearance.

“Sasama ka?”

“Yes!” and he smiled widely and looked at Papa. “I want to visit our company, Pa. Baka pag sumama ako sa inyo, alam ko na kung ano ang gusto kong mangyari para sa sarili ko.”

“You're already dressed, ano pa bang magagawa ko?”  and Papa laughed. Mama hugged Nikolai and looked very proud.

“Ang laki na ng anak ko na 'to, baka sa isang araw, mag-aasawa ka na, ah?”

Napatawa ako at napakagat ng ibabang labi sa sinabi ni Mama. Sumimangot ang kapatid ko na siyang ikinatawa lalo nina Mama.

“Ma, wala pa sa isip ko 'yan. Future ko muna uunahin ko.”

“Okay. Okay.”

“Ready na ang sasakyan, tara na.”

The three of us said goodbye to Mama before getting in the car. Nikolai and I sat in the back while Papa sat in the shotgun seat, next to the driver. I took the phone from my pouch and immediately texted Rayos Del Sol.

Good morning, we're on our way to our company na.

Sent

Nagpunta muna ako sa TikTok na app para malibang ang sarili habang nasa byahe, si Nikolai naman ay naglalaro ng ML sa tabi ko. Sina Dad at ang driver namin ay nakikinig naman ng balita sa radyo.

7:30 o'clock in the morning nang marating na namin ang company. Bago bumaba ng kotse ay nag-ayos ako ng sarili.

“Let's go na, Ate.”

“Wait.”

Pagbaba ng kotse ay may iilan ng tao ang naka-abang sa'min, may iilan na nakangiti. Naglakad na kami nina Papa papasok ng company. Lahat ng makasalubong naman, binabati kami. Ang iba ay kilala ko ang iba ay hindi, at gano'n din sila kay Nikolai. Hindi kasi mahilig sa business world ang kapatid ko na 'to, kaya na gulat ako kanina sa kanya. 

“Bakit parang mas kinakabahan ka pa kaysa akin?” I asked him.

“Minsan lang ako magpunta rito and you know that I hate attention so much, Ate. I just... I find it weird but... I really want to get out of my comfort zone.”

Rings & BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon